Naging maayos ang relasyon namin ni Nim. Minsan ay inaaya niya akong pumunta sa bahay nila lalo kapag wala ang kanyang magulang. Hindi ko alam pero hindi ko pa kayang mag pakilala sa kanila lalo at busy din ang mga ito dahil sa daming pera ang kanilang kaylangang ibalik.
Dumating ang bakasyon namin at umuwi ako sa aming probinsya.
"Ma! Pa!"
Tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit. Sobrang na miss ko sila.
Sa ilang taon ko sa bahay nila tita, sobrang na homesick ako. Noong mga unang linggo ko nga doon ay walang gabi na hindi ako umiyak dahil sa pagka homesick. Pero kailangang gawin. Kailangang mag sakripisyo hindi lang sa kinabukasan ko kundi para sa aming lahat.
Bakasyon na namin at nag paalam ako kay tita at tito na kung pwede ba akong umuwi at pumayag naman sila. Hindi kasi nila ako pinayagan noong nakaraan dahil pumunta kaming Boracay at isa ding dahilan ay natatakot sila na baka hindi na ako bumalik dahil sa sobrang pagka homesick ko. Hindi naman pwede na hindi ako bumalik, pagagalitan ako nila mama at papa pag nagkataon.
Lumaki akong takot sa kanila. Sa sobra ba namang pagka istrikto ni papa sa akin nung bata ako. Namulat ako sa nga pangaral nilang mag aral muna at huwag mag boyfriend. Paulit ulit na yun ang sinasabi nila. Sa dami ba namang nadisgrasya dito sa amin, talagang 'yun at yun ang sasabihin nila.
Ayaw nilang masira ang kinabukasan ko. Ganun din naman ako kaya nga sumusunod ako sa lahat ng mga payo at pangaral nila. Takot nga ako sa mga lalaki dati eh kasi feeling ko kapag hinawakan ka nila at hinalikan, mabubuntis kana.
Pero dahil narin sa impluwensya ng mga cellphone at mga kaibigan at taong nakakasalamuha mo, nakakasagap ka ng ibat ibang impormasyon. At hindi naman ako nag papakasanto. Ang dami ko na ngang nabasa sa mga libro na hindi kaaya aya. Pero nasa akin naman na yun kung iingatan ko ang sarili ko.
"Ang puti mo na, manang" sabi ng bunso kong kapatid. Manang ang tawag namin dito sa probinsya sa mas nakakatandang kapatid na babae, manong naman kapag lalaki. Ilocano kasi talaga ako.
"Talaga? Eh dati naman akong maputi," sabi ko at niyakap din siya.
"Mas lalo kang pumuti," sabi niya at mahigpit din akong niyakap. Nakaka miss sila.
Inilibot ko ang aking mga mata at ganun padin, walang pinagbago. Ang bahay kung saan ako lumaki.
Sila mama, papa at bunso kong kapatid ang nandito dahil ang panganay namin na si ate Amara ay nasa Laguna at may asawa na.
"Eto ang sayo, Ma. Eto naman sayo, Pa. At eto naman sayo Ash,"sabi ko sa kanila at ibinigay na ang mga pasalubing nila.
Nakapag ipon naman ako kahit papano. Naka bili ng mga groceries nila dito at pasalubong.
"Salamat, manang!" Masayang sabi ni Ash.
"Nako! Ikaw ha, balita ko may crush ka na daw,"pang aasar ko.
"Crush lang naman, ate. Tsaka hindi naman ako gusto nun,"sabi niya at naging abala na sa pag bukas ng mga pasalubong ko.
"Ang dami mo namang pasalubong, anak. Galing ba ito kay Rima?" Tanong bi papa.
"Hindi po, pa. Mga ipon ko po yan,"proud kong sabi.
Gusto kong maramdaman nila na kahit wala pa akong pera, wala pang trabaho, ay kayang kaya ko silang bigyan ng mga bagay na wala sila.
"Salamat, anak."sabay pa nilang sabi ni mama.
They are the most kindest and loving parents in the world. Kung papaliliin ako ulit sa next life ko, gusto kong sila ulit ang maging magulang ko. Hindi ko na mabilang kung ilan na ang sakripisyo nila para sa akin, para sa aming mag kakapatid.
YOU ARE READING
The Unforgettable Pain
Teen FictionWe all have our own experiences and pains. But for me, this is the most painful thing that has happened in my life. The pain that I will carry until death. The pain that I will carry until my last breath. The pain that I will never forget-the unforg...