Gumising ako ng mayapa sa araw ng lunes. Magingawa at magaan ang aking pakiramdam. Eto na 'yon. Napag desisyonan ko nang sagutin si Nim sa araw na ito."Salamat, Mang Canor,"paalam ko sa driver namin.
Nag lakad ako papasok ng gate pero biglang humarang si Ceb.
"Ganda mo pa rin"
Hindi ko alam kung saan ako nagulat, sa pag sulpot niya ba or sa mga sinabi niya?
"Tigilan mo nga ako,"simple kong sabi at binilisan ang pag lalakad.
Ngayon ko nalang siya ulit nakita at mas gugustuhin ko yun kesa naman palagi ko siyang nakikita. Naiirita lang ako.
Sa ilang oras na pag ka klase namin ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sasabihin ko kay Nim mamaya. Kaya nang uwian na namin kinahapunan ay namasa ang mga kamay ko sa sobrang kaba.
"Okay ka lang? Kanina ka pa hindi mapakali," sabi niya. Halatang nag aalala siya.
"Okay lang ako, pwede ka bang makausap bago tayo umuwi?" Tanong ko.
"Oo naman. Ano ba yun?" He asked.
Hinila ko siya sa isang bench at sabay kaming umupo.
"Sinasagot na kita,"diretsa kong sabi.
Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa hanggang sa nag sink in kay Nim ang mga sinabi ko.
"What? Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
His reaction was priceless. Masaya.
Tumango ako sa kanya. Ang tagal na niyang nanliligaw sa akin kaya I think deserve naman niya ng "oo" ko.
"Pero may kondisyon sana ako,"bigla akong nalungkot.
"Oh common, don't worry, I won't cheat,"sabi niya.
"Baliw hindi yun"
"Eh ano?"
"Sana tayo lang muna ang makaalam. Kasi hindi pa ako pwedeng mag boyfriend." Malungkot kong sabi.
Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking buhok.
"Don't worry, tayo lang ang makakaalam. I understand your situation,"he said "Pwede ba kitang mayakap?" Pag papaalam niya. Agad naman akong tumango.
Since mas matangkad siya sa akin ay dinig na dinig ko ang lakas ng kabong ng dibdib niya.
"I'm so happy, Utopia," sincere niyang sabi. Napangiti ako.
"Masaya din ako," sagot ko at niyakap ko din siya.
Hindi ko alam kung anong susunod na mang yayari. Natatakot ako na baka malaman nila tita pero nangingibabaw ang pag mamahal ko kay Nim.
Mabait si Nim at alam kong hindi niya ako sasaktan. At kung mabibigo ko man sila tita dahil nag boyfriend na ako, pinapangako kong pag bubutihan ko naman ang aking pag aaral.
Pinangako ko sa sarili ko na kahit may boyfriend na ako ay ang pag aaral parin ang uunahin ko.
"Tara na," sabi niya bago tumayo.
"Sige uwi na tayo,"sabi ko at tumayo na rin.
"No. Hindi pa tayo uuwi"
"Eh saan tayo pupunta?"
"Pupunta tayo sa bahay. Ipapakilala kita kila mom and dad," kaswal niyang sabi.
Halos mahimatay ako sa sinabi niya. Ipapakilala? Agad? Kakasagot ko palang sa kanya!
"Kakasagot ko palang sayo ipapakilala mo na ako kaagad?" Nag tataka kong tanong.
"Of course, Utopia! I want you to meet my parents. Gusto kong malaman nila kung sino ang pinaka maganda kong girlfriend," sabi niya sabay ngiti.
YOU ARE READING
The Unforgettable Pain
Teen FictionWe all have our own experiences and pains. But for me, this is the most painful thing that has happened in my life. The pain that I will carry until death. The pain that I will carry until my last breath. The pain that I will never forget-the unforg...