Kabanata 5

25 0 0
                                    

Lumipas ang isang linggo na walang paramdam si Moy. Hindi ko na talaga alam kong anong nang yayari sa kanya kaya na pag desisyonan ko ng puntahan siya sa kanyang apartment.

Pero pag dating ko doon ay wala namang ka tao tao.

"Moy?" Katok ko pero wala talagang tao.

Maliit lang ang apartment ni Moy, kasya lang for her. Iba naman ang bahay ng tita niya.

Maagang namatay ang mga magulang ni Moy, dadalawa lang ang tita at papa niya na mag kapatid katulad ni papa at tita Rima kaya very small lang ang mga relatives naming dalawa.

Mayaman ang tita ni Moy. Siya ang nag papaaral sa kanya pero palagi silang nag aaway dahil pasaway si Moy, maldita din naman ang tita niya.

Kumuha si Moy ng apartment mas malapit sa school para hindi narin siya mahirapan.

'Tong apartment niya ay hindi ganon ka secured. May ilang CCTV lang at iisa lang na guard sa labas, minsan wala pa.

Ang apartment ni Moy ay maliit lang. Nasa loob na lahat, kusina, lababo, cr at kama.

Parang iisang kwarto lang yun at nandon na lahat. Yung cr nga niya ay kurtina lang ang nag sisilbing harang.

Dahil wala si Moy at wala din naman akong mapag tanungan na iba since wala din siyang ka close dito ay nag iwan nalang ako ng sulat at ini-slide ko sa pintuan niya.

Pag uwi ko ng bahay ay agad akong sinalubong ng ingay. Ngayon na pala ang uwi ni tito.

Pag pasok ko sa sala ay agad kong nakita si Vien. Agad kong iniwas ang aking tingin sa kanya.

Simula nung pinag sabihan niya ako ng mga masasakit na salita ay iniwasan ko na siya. Palagi narin akong tumutulong dito kahit ayaw ni tita para naman kahit papa ano ay wala ng masabi si Vien.

"Utopia!" Masayang sabi ni tito at tumayo bago ako niyakap.

Niyakap ko din siya. Tito is very kind. Parehas sila ni Tita. Kaya nga nag tataka ako kung saan nila pinag lihi si Vien.

"Napaka ganda naman talaga" pambobola niya.

Pansin kong sobra nila ako alagaan simula nung dumating ako dito. Dahil narin kasi wala silang anak na babae kaya halos spoiled na ako sa kanila.

"Nako, tito, tama na ang bola," sabi ko sabay tawa.

"Hindi yun bola! Totoong napaka ganda mo. Halika dito at kunin mo ang mga pasalubong ko sayo," he said.

Nagulat ako. Alam ko namang may pasalubong siya sa akin tuwing umuuwi siya pero hindi naman ganto karami.

"Tito naman, bakit po ang dami. Nag abala papo kayo," nahihiya kong sabi.

Ramdam ko ang mga mata ni Vien pero wala akong pake sa kanya. Mas nahihiya ako kay Tito kasi ang dami niyang pasalubong.

"Dinamihan ko talaga yan kasi nalaman ko sa tita mo na nag aaral ka ng mabuti. Matataas din ang mga grades mo. Besides you're a good girl so you deserve all of these," naka ngiti niyang sabi.

Nag tataka ako kung bakit hindi sila ulit nag anak? Mayaman naman na sila.

"Nako naman tito. Obligasyon ko naman pong maging mabait at mag aral ng mabuti pero masyado naman po itong mada-"

"Sige na, buksan mo na ang mga yan. Huwag ka ng madaming sinasabi," sabi niya sabay tawa.

Nag pasalamat pa ako ulit sa kanya bago nag paalam na pupunta na ako sa kwarto ko para doon narin buksan ang mga regalo niya.

Sobrang nasiyahan talaga ako sa mga ibinigay niya. Mga dress at pag kain. May mga damit din na magaganda na maisusuot ko sa school.

Habang busy ako sa pag bukas ng mga pasalubong. Biglang tumunog ang cellphone ko. Akala ko may text na si Moy pero si Nim pala 'yon. Napangiti ako ng nabasa ko ang kanyang text.

The Unforgettable PainWhere stories live. Discover now