Chapter 1

6 0 0
                                    

"Rise and shine people!" Sigaw na agad sumira ng mahimbing kong pagkakatulog. Kahit kailan talaga ang lakas makabulahaw ng boses ni Doc Mendez. Akala mo nakalunok ng megaphone sa lakas ng tinig. S'ya ang head researcher namin sa field research ngayong taon. Hinampas ko pa ang lamok na kumagat sa'king braso bago dahan-dahang bumangon. "Get ready, pack all your things dahil uuwi na tayo. You only have one hour to settle dahil parating na ang bus."

Kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng inflatable pillow at tinignan ang oras, alas singko pa lang ng umaga. Agad naman akong nayamot ng isiping isang oras lamang ang ibinigay nila upang ayusin ang lahat sa dami tutupiing tents at sleeping bags. Hindi ko alam kung researcher ba talaga ako o camper.

Iwinaksi ko sa aking isipan ang mga daing na tumatakbo dito. Masasayang ang oras ko kung magrereklamo ako ng magrereklamo. Sinimulan kong tupiin ang sleeping bag ko bago lumabas dala ang dalawa kong malalaking bag. Ibinaba ko ito sa lupa bago sinunod na tutupiin sana ang tent na ginamit ko.

"Good morning, do you need help?" Hindi ko man lingunin, alam ko na agad kung sino iyon. "Sige na, ako na d'yan Laurel. Kumain ka na muna do'n at mag-ayos. You only have 30 minutes left to settle."

Hinarap ko si Doc Dandrev, ang isa sa mga senior biological researcher namin na palaging nakabuntot sa'kin. Gusto n'yang sa first name s'ya tinatawag, nakakatanda daw kasi ang surname lalo na't magkalapit lang ang edad namin. Gaya ng nakagawian, nakangiti nanaman ito sa'kin ng pagkaganda-ganda. Naiinis ako dahil palagi s'yang gany'an sa'kin kaya kami kinakantiyawan ng mga katrabaho namin.

"Yes doc." Iyon lang ang aking sinabi bago s'ya tinalikuran at ipinaubaya ang pagliligpit ng tent.

Habang naglalakd papunta sa patay na ngayong bonfire, hindi nakaligtas sa'kin ang mga nakakalokong ngiti ng kapwa ko mga junior. Habang ang iba namang senior ay iiling-iling pa. Naupo ako sa bakanteng troso bago sila tinitigan lahat.

"What?" Kunot-noo kong tanong.

"Ayaw n'yo pa kasing umamin, hindi naman bawal ang office romance dito." Si Shiryl ang nagpasimula ng umagang pang-aasar. Nauna pa sa almusal ko.

"Wala naman akong aaminin Shi."

"Ito o, ipinagtabi ka pa ni Doc ng agahan. Takot na takot na magutom ka. Lahat kami binulabog n'ya sa tent, ikaw hindi. Ikaw ang huling gumising sa lahat." Baling ko kay Matthew nang iabot n'ya ang thermal lunch box at tumbler. Ito siguro ng tinutukoy n'yang itinabing agahan para sa'kin.

"Pa'nong ako ang huling gumising e nadinig kong sumigaw si Doc Mendez?" Depensang tanong ko.

"Oo nga, sumigaw nga si Doc Mendez habang niyayanig naman ni Doc Dandrev ang mga tent namin, halos baliktarin na nga n'ya magising lang kami." Si Shiryl ulit ang sumagot bago sumubo ng lugaw. Iyon ang agahan namin.

Nginiwian ko lang silang lahat bago binuksan ang akin. Naamoy ko agad ang bango ng mainit-init na lugaw na animo'y bagong luto. Masyado itong marami pa sa'kin kung kaya't hindi ko alam pa'no ko uubusin. Binuksan ko rin ang thermal tumbler, bumungad naman sa'kin ang mainit na gatas.

"You want bread?" Susubo pa lang sana ako ngunit iyon nanaman s'ya at nasa harapan ko habang idinuduldol sa'kin ang isang balot ng tinapay.

"Kami doc hindi mo aalukin?" Tanong naman ni Matthew na may pahabol pang tawa sa huli.

"Of course hati kayong lahat. Alam n'yo namang ayaw kong nagugutom kayo Ang besides kain pusa lang naman itong si Ms. Garcia."

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at pinagpatuloy lamang ang aking pagkain. Kailangan ko ng magmadali dahil baka dumating na ang sasakyan namin. Hindi ko alam kung kailan nanaman ako makakakain ng ayos pag-uwi namin.

21st Night Of September Where stories live. Discover now