Agad akong lumapit sa kan'ya upang tulungan s'yang tumayo. S'ya nama'y agad na pinagpagan ang kaniyang puwet na ngayo'y puno na ng buhangin. Pa'no ba naman kasi s'yang hindi matutumba e kakaatras n'ya, nabungo na s'ya sa taong nakatayo sa direksyion kung saan s'ya umaatras.
"Sorry miss, okay ka lang ba?"
Mula sa pagpagpag ng puwet ni Fatima Ellaine, nakita ko kung pa'nong dahan-dahan na umangat ang kaniyang ulo upang tignan kung kanino ba galing ang tinig na iyon. Nasaksihan ko rin kung pa'no napalitan ang inis at bumakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat.
"Fatima Ellaine?..." Gulat na saad nitong lalaki.
Natulala ang aking kaibigan na animo'y inalisan ng kakayahang makapagsalita. Ang lalaking nasa harapan n'ya'y nakatingin lamang sa kan'ya at nag-iintay ng sagot.
He looks familiar...
"Okay ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"
Hinawakan n'ya sa braso si Fatima na s'yang naging hudyat upang ito'y magising bigla at bumalik sa realidad. Gulat n'yang itinulak palayo ang lalaki bago humakbang paalis at nilagpasan ito, ipinagsawalang bahala ang pagtawag sa kan'ya.
Sandaling nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kanilang dalawa, sa lalaking nakatayo sa'king harapan ngayon at sa kaibigan kong unti-unti ng lumalayo, bago ko s'ya patakbong sinundan.
"Fati!" Pagtawag ko dito ngunit tila isa itong bingi na hindi naririnig ang paligid.
Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo upang s'ya'y maabutan. Marahan kong hinablot ang kaniyang braso bago s'ya iniharap sa'kin. Hindi ko maipalaiwanag ang kaniyang mukha ngayon.
"Fati... Is there something wrong?"
"Umuwi na tayo Lele, please..." Umiling s'ya ng bahagya habang nagsusumamo ang kaniyang tinig.
Gusto ko s'yang tanungin kung bakit, kwestiyunin kung ano ba ang nangyayari at nagkakaganito s'ya ngunit sa itsura n'ya ngayon mukhang ayaw n'ya pang magsalita. Napabuntong hininga na lamang ako at tumango bilang pagsang-ayon sa kaniyang hiling.
Hindi pa man kami nakakahakbang ng isa'y agad kaming napahinto dahil sa pagsulpot nanaman noong lalaki. Humahangos ito dahil sa pagtakbo upang mahabol kami.
"Fatima Ellaine, pwede ba tayong mag-usap?" Habol n'ya ang hininga habang nagsasalita sa harap namin.
Naramdaman kong humigpit ng bahagya ang kamay ni Fati na nakahawak sa kamay ko. Nababahala akong tumingin sa kan'ya. Hindi ko alam ang gagawin sa totoo lang. Pinisil ko rin ang kaniyang kamay upang iparamdam sa kan'ya na nandito lang ako sa tabi n'ya.
"Wala tayong dapat pag-usapan."
"Please kausapin mo na ako, magpaliwanag ako."
"Ayokong pakinggan yang mga kasinungalingan mo!"
Tumataas na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Akmang hahawakan ng lalaki ang kamay ni Fati ngunit agad ko itong tinapik. Itinago ko sa'king likuran ang aking kaibigan at taas noo akong humarap sa lalaki na may serysong mukha at matalim na tingin.
"What do you want?"
"Gusto ko lang s'ya makausap. Please..."
"Tagalog naman ang sinabi n'ya pero bakit hindi mo pa rin maintindihan?"
"Mali, ikaw ang hindi nakakaintindi. Kailangan namin mag-usap!"
Madiin akong napapikit dahil sa biglang pagtaas ng kaniyang boses. Nagpipintig na ang tainga ko dahil sa mga sinasabi n'ya. Nauubos na rin ang pasensyang tinatago ko sa loob ng aking pagkatao.
YOU ARE READING
21st Night Of September
RomanceHave you ever ask yourself, what will happen if I try to manage my life on my own? Just me, myself and I. Walang dikta na magmumula sa ibang tao. Hindi ko gagawin ito dahil sinabi nila, hindi ko iisipin ang ganiyan dahil sinabi nila o hindi ako kik...