Habang lumilipas ang araw, hindi nawala sa isipan ko ang mga nangyari nitong nakaraan. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o ano. Ang hirap manghula ng sagot sa tanong na ako rin mismo ang gumawa. Iniisip ko kung sino ba yon? Ang nag-iwan ba ng notes sa pinto ko at naggtext ay iisa? Para sa'kin ba talaga ang text na yon o wrong send lang? Ang hirap isipin, hindi ko maintindihan.
"Laurel, okay ka lang ba?" Napaigtad ako ng may biglang may humawak sa'king siko. Paglingon ko'y si Shiryl, nag-aalalang nakatingin sa'kin.
"Yeah, oo naman. Okay pa ako sa okay no."
"Parang ang lalim ng iniisip mo. Ano ba yon?"
"Wala naman, kulang lang ako sa tulog ano ka ba."
"You sure? Pwede mo naman akong kausapin after work. I can lend you some time."
"No Shi, I'm totally fine. Puyat lang ako, antok kaya gano'n."
Muli n'yang hinawakan ang aking siko bago ako nginitian ng tipid at bumalik na sa kaniyang ginagawa. Ako di'y gano'n ang ginawa. Gusto ko ng umuwi para makapagpahinga, pagod ang katawan ko lalo na ang isip ko. Buong pagkatao ko pagod.
Nang matapos ako sa trabaho, agad akong umuwi. Gusto pa nga akong ihatid ni Dandrev pero tumanggi ako. Ayoko ng presensya ng kahit sino ngayon. Mabuti't nakuha naman n'ya agad yon kaya hindi na humaba pa ang usapan.
Isang bouquet ng sunflower at lavander ang bumungad sa'kin, nakalapag ito sa pintuan ng aking apartment pagdating ko. Hindi ko na maitago ang pagkairita. Salubong ang kilay ko ng akin itong damputin. Pinakatitigan ko itong maigi, maganda at mabango. Ngunit hindi no'n napawi ang inis ko.
Nadagdagan lang nito ang pagkayamot ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa or what. Inisip ko kung itatapon ko ba pero nanghinayang ako bigla kasi alam kong hindi biro ang presyo no'n lalo na't gano'n kalaking bungkos ng bulaklak. Natatakpan na nga nito ang mukha ko kapag hinawakan kaya napagdesisyunan kong ipasok sa loob kahit na naiinis ako. Ipinatong ko ito sa side table pagpasok ng pinto. Doon na lang muna yon dahil wala akong balak na ilagay yon sa vase o kung ano man.
Nagpahinga muna ako saglit bago naligo at sinimulan ang aking night routine. Matamlay akong kumikilos, parang pagod na pagod sa buhay. Lately I have very low energy doing anything. Thankful ako dahil nagagawa ko pa ring gumising araw-araw pero hindi ko alam kung para saan ba 'yon. Kung ano bang purpose ng buhay ko. Pakiramdam ko kasi dumidilat ako sa umaga dahil will ni Lord, bumabangon ako sa kama at pumapasok sa trabaho para may pang tustos sa sarili. Araw-araw gano'n, I've been living like this for years at ngayon ko nararamdaman ang pagod sa lahat.
Naupo ako sa vanity table katabi ng aking kama bago nag-apply ng different beauty products para sa'king skincare. Yeah I maybe tired of life pero I cannot afford to feel shit and look shit at the same time. Kahit problematic dapat maganda pa rin. Ito ang isang bagay na hindi ko makakalimutan gawin sa araw-araw, kalimutan ko na lahat wag lang ang skincare.
Matapos no'n pumanhik na ako sa kama bago binuksan ang TV. Matagal tagal na rin akong di nakakanpod dito dahil busy, kahit balita nga hindi na ako makanood e. Hindi ko na alam kung ano na ba ang mga bagong teleserye sa TV, kung cliche pa rin ba ang storyline nila or may improvement na. Nakatingin lang ako sa palabas pero ang totoo wala akong maintindihan, parang lumilipad ng isip ko pero wala namang laman ito. I'm spacing out when suddenly my phone ring. Pagtingin ko'y pangalan ni Fatima Ellaine ang nakarehistro kaya naman agad ko itong sinagot.
"Be!" Agad na sigaw n'ya sa kabilang linya kaya bahagya kong inilayo ang cellphone sa'king tainga.
"Ano? Ang lakas mo sumigaw, mabibingi ako sa ginagawa mo." We maybe best friends pero di pa rin s'ya makakatakas sa kamalditahan ko.
YOU ARE READING
21st Night Of September
RomanceHave you ever ask yourself, what will happen if I try to manage my life on my own? Just me, myself and I. Walang dikta na magmumula sa ibang tao. Hindi ko gagawin ito dahil sinabi nila, hindi ko iisipin ang ganiyan dahil sinabi nila o hindi ako kik...