Narito lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan silang mahigpit na magkayakap. Animo'y sabik na sabik sa isa't-isa. Kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko, kung tama ang hula ko ang lalaking ito ang tinutukoy n'yang si...
"Laurel Hope!" Nagulat ako ng bigla akong tinawag ni Fatima, masyado akong nalunod sa pag-iisip. "Halika dito. Ipapakilala kita."
Ngumiti ako ng tipid, ang awkward sa pakiramdam ngunit naglakad pa rin ako palapit sa kanila. Ang tingin ng lalaking ito sa'kin ngayon ay talaga namang nagbibigay sa'kin ng uncomfortable feeling. Pinipigilan ko lamang s'yang irapan.
"Hi." Ang lalaki ang naunang bumati. Mas lalo pang naging awkward ang aking ngiti.
"Hey..." Pagbati ko din pabalik.
"Yiieee! Kinikilig na agad ako sa inyong dalawa." Sinamaan ko ng tingin si Fatima Ellaine dahil do'n ngunit tila hindi n'ya iyon nakita at bumaling doon sa may lalaki bago naglipat-lipat ng tingin sa'min. "Raven this is my best friend Laurel Hope and Lele, ito naman si Raven."
Tama nga ang hula ko. Akala ko babae si Raven...
Mas lalo pang lumawak ang ngiti noong lalaki bago inilahad ang kaniyang kamay sa'king harapan. Tinitigan ko ito at nagdadalawang isip kung kukunin ko ba para sa shake hands ngunit naputol ang pag-iisip ko ng si Fati na mismo ang kumuha no'n upang ipagshake hands kay Raven.
"Nice meeting you, Laurel Hope."
"Yeah, nice meeting you too... Raven." Mabilis kong binawi ang aking kamay at lihim na ipinagpag sa dulo ng aking dress.
Tahimik lamang ako dito sa may back seat habang malayo ang tingin sa bintana. Katabi ko si Fatima Ellaine na kausap si Raven na s'ya namang nakaupo sa passenger's seat. Pinapakinggan ko lang sila dahil hindi ko alam kung sa'n ba ako dapat sumingit sa kanilang usapan. O kung dapat ba akong makisali.
"Rev, wala ka namang girlfriend ngayon diba?" Sabi ni Fatima Ellaine.
"Yeah, I have no time for that, you know that. Busy ako, hindi na kasya ang oras ko para aksayahin pa dahil lang sa babae." Napairap ako sa hangin dahil sa sinabing iyon ni Raven. Tunog mayabang kasi.
"Sakto pala, ito ding si Laurel walang boyfriend e." Agad kong pinalo sa braso si Fatima Ellaine dahil do'n.
"So? Kailangan mo pa ba talagang sabihin yon? It's none of his business Fati."
"Yeah, none of my business... but good to know that."
Mula sa rear view mirror walang pag-alinlangan ko s'yang inirapan bago muling ibinaling sa bintana ang aking paningin. Narinig ko ang mahina n'yang tawa. May sinabi pa s'ya kasunod nito ngunit hindi ko narinig, at kung ano man yon ayoko din namang malaman.
Di ko namalayang nakaidlip pala ako, nagising na lang ako dahil sa mahinang tapik ni Fatima. Pagmulat ko'y di ko makilala ang lugar na kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung nasaan kami. Nauna s'yang bumaba ng taxi, inayos ko muna ang aking damit bago akmang hahawakan ang pinto upang buksan sana ito kaso nagulat ako ng bigla itong bumukas at sumilip ang nakangiting mukha ni Raven.
"Baba na, gorgeous." Saad nito sabay kindat. Syempre inirapan ko s'ya bilang tugon bago hinawi ng bag at kusang bumaba.
What the hell is wrong with this man?
Nilinga ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko pa rin mawari kung nasaan kami. Naglalakad ako ngayon sa Bermuda grass patungo sa isang gate. Ramdam ko ang pagsunod ni Raven sa'kin kaya inunahan ko na s'yang buksan ang gate at tumuloy. Isang napakalaking bahay ang tumambad sa'king harapan. Old Spanish style na animo'y binalik ako sa panahon ni Rizal. Paarko ang gitna nito, kahawig noong sa UST at kailangan mong baybayin kung gusto mong makapunta sa kabilang parte. Nagtaka ako ng may matanaw na tubig sa di kalayuan. Itinuloy ko ang paglakad, dumaan ako sa arko na tila tunnel sa Forth Santiago at namangha ng masilayan ang dagat.
YOU ARE READING
21st Night Of September
RomanceHave you ever ask yourself, what will happen if I try to manage my life on my own? Just me, myself and I. Walang dikta na magmumula sa ibang tao. Hindi ko gagawin ito dahil sinabi nila, hindi ko iisipin ang ganiyan dahil sinabi nila o hindi ako kik...