Chapter 2

2 0 0
                                    

Gumising ako kinabukasan na tila walang nangyari. Animo'y normal lang na akala mo'y hindi ako galing bundok kahapon. Saturday ngayon, nagleave ako kaya rest day ko hanggang bukas. I feel so stressed out lately in my life and naisipan kong mag-unwind muna ngayon. I need to cleanse my body and soul.

I want to be more extra today, sa work kasi hindi naman ako nag-aayos. I can't put any make up on, one of the basic don'ts in the laboratory. Cosmetics absorbs chemical vapors that can lead to skin exposure. Kaya isa ang biologist or scientist sa mga simpleng babae sa balat ng lupa.

White cropped bralette top na nagpapalitaw sa'king malaking balat sa tiyan at tinernuhan ng body con green long skirt na may slit sa kaliwang legs ang sinuot ko. I also want to expose my skin today, can't remember the last time na nakaabsorb ng enough sunlight ang balat ko. Sa laboratory, balot na balot din ako. White chunky sneakers naman ang sapatos ko at green hand bag to complete the color palette.

I don't really know where to exactly go. All I know is I want to walk, eat a proper meal and breath. I just want to be normal today, do normal things like what a normal person does. Pagbaba ko sa apartment ay naglakad ako patungo sa train station, walking distance iyon mula sa tinitirahan ko at alas otso pa lang naman ng umaga, hindi pa gano'n kasakit sa balat ang sikat ng araw. Siksikan ang train as usual pero dahil wala naman akong sariling kotse of course I have no other option. And besides, this is an example of things done by a normal person.

People are really stressing me out but I don't know bakit nandito ako ngayon nakatayo sa harap ng Baklaran church, pinagmamasdan ang mga taong naglalabas pasok sa simbahan. Tinitigan ko ang kabuuan nito, nagbago compared sa last time na nagpunta ako. Napatawa na lamang ako sa'king isipan. Seven years ago pa nga pala ako huling pumunta dito, noong eighteenth birthday ko.

I walked slowly papasok sa entrance. Kasabay nito ang mga ala-alang biglang bumalik. Naalala ko nung dinala ako ni mama dito noong seventh birthday ko. Naging panata kasi ni mama noon na dalhin ako dito yearly tuwing birthday ko, pagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan ako ng second life. I was diagnosed with meningococcemia at the age of two and dito nagpunta si mama para magdasal. I looked down at my legs, scars are still here and I guess will still be here the rest of my life not unless magpalacer ako. Pero wala pa 'yan sa isip ko, it's so expensive ang besides I love myself. My whole being, including these scars because it defines the real me, it's part of me that shows who really Laurel Hope Garcia is.

Matapos maglagay ng holy water sa'king noo, naupo ako sa pinakadulo, doon sa may sulok. Obviously ayoko ng may katabi ang I think this is the perfect place for that. Diretso lang ang tingin ko sa harap ng altar, ngunit kita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin ng bawat taong dumadaan sa'kin. Hindi na ako nagtaka kung bakit. Agaw pansin nga naman ang suot ko, tila kinapos sa tela na akala mo'y mali lamang ang napuntahan. Wala pang mall hours kaya dumiretso muna ako dito sa simbahan. Huli na ng marealize ko na napakainaappropriate ng suot ko.

Nagpatay malisya ako, nagdekwatro at inipit ang palda sa pagitan ng hita ko upang hindi lumitaw ang slit. Ipinatong ang bag sa'king hita upang matakpan ang aking tiyan bago humalukipkip para naman takpan ang aking dibdib. Hinayaan ko lamang din ang mahaba kong buhok na nasa'king likuran, in those way pakiramdam ko nabalutan naman ako kahit papaano.

Natapos ng matiwasay ang misa at agad akong lumabas. Pakiramdam ko nalinis ang aking kaloob-looban sa loob ng isang oras na pakikinig sa pari. Paglabas ko naghulog muna ako ng twenty five peso coins sa wishing well na may coy fish at nag wish. Para mang bata pero nakakagaan sa pakiramdam.

Matapos no'n ay muli akong naglakad, hindi pa man nakakalayo ay bigla na lamang akong napahinto. Bigla kasing nagkagulo ang lahat. Umingay ang paligid at nagkumpulan ang mga tao sa isang tabi. Hindi naman ako interisado at aalis na lang sana ngunit ang pagkakataon nga naman ay napakaganda.

21st Night Of September Where stories live. Discover now