Chapter 3

3 0 0
                                    

Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko magawang maitago ang pagkagulat. Totoong hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito. Hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon ang mga taong ito sa harapan ko. Nakatayo sila na may malawak at magandang ngiti habang nakatingin sa'kin na animo'y ako ang pinakaimportanteng tao ngayon na iniintay nila.

"Happy birthday Laurel." Magiliw na sabi ni Dandrev pagkalapit sa'kin. Hinawakan n'ya ako sa pulsuhan bago marahang iginaya sa harap ng aking pamilya.

"Ma..." Iyon lamang ang lumabas sa'king bibig. Hindi ko alam ang sasabihin. Narito pa rin ang pagkagulat ngunit hindi ko alam kung ano pa ba dapat ang iba kong maramdaman. Kung dapat ba akong matuwa o maiyak o kung ano man.

Ngumiti si mama sa'kin bago hinaplos ang aking pisngi at ako'y niyakap. Mahigpit iyon at napakasarap sa pakiramdam kaya niyakap ko rin s'ya pabalik. Nang kumalas s'ya ang sumunod namang yumakap sa'kin ay si ate na sinundan ng bunso. Napakaaffectionate nila ngayong gabi, nakakapagtaka.

"Bakit kayo nandito?" Tinignan ko sila at ang kabuuan ng paligid. "At ano 'to?" Dugtong ko pa.

"Surprise party to be ano ba!" Mula sa likod ko nagmula ang tinig na iyon. Paglingon ko'y ang aking best friend ang aking nakita.

"Fatima Ellaine!"

Patakbo kaming yumakap sa isa't-isa. Nakakamiss, ngayon ko na lang ulit s'ya nakita. Dahil sa busyness wala na akong time para lumabas kasama s'ya. Unlike noong elementary up to senior high school na lagi kaming nagkasama kasi nga classmates kami.

"Where have you been?"

"Ako pa talaga ang tinanong mo ng gany'an a? Kamusta ka namang two years ng walang paramdam. Ang hirap pa hanapin nitong apartment mo a, parang ayaw mo talaga magpakita a?"

"Para mamiss mo kasi ako kaya gano'n, hindi mo na ako kinakausap e."

"Ay wow, coming form you huh? Sino kaya itong nagdelete ng social media accounts tapos laging off ang phone kapag tatawagan?"

Tinawanan ko na lamang ang huli n'yang sinabi. Ayokong buksan ang topic na iyon sa oras na ito. This is not the right time to change the happy vibes into heavy atmosphere. Inakay ko na lamang s'ya palapit sa'king pamilya.

"May pagkain ba kayong dala? Baka gusto n'yo naman ibigay sa'kin, nagugutom na ako e."

Nagtawanan ang lahat dahil do'n. Inirapan ko kang sila bago kami sabay-sabay na nagtungo sa lamesang inihanda nila na hindi ko kaagad napansin kanina. Dalawa ito, bukod ang lamesa para sa napakaraming pagkain na puno ng mga paborito ko at iba rin ang dining table. Ang buong rooftop ay puno ng dekorasyon, mga ilaw na nakasabit sa sampayan na nilagyan ng purple balloons sa bawat dulo. Sa isang sulok nama'y nagset up sila ng photo booth kung saan may nakalagay na pagbati sa'kin ngayong kaarawan ko. Syempre purple themed pa rin, hindi nila nakalimutan ang favorite color ko.

"Kamusta ka naman anak?" Biglang tanong ni mama sa gitna ng hapag kainan. Napahinto ako sa akma kong pagsubo at ibinaba ang kutsara.

"Okay lang naman po." Matipid kong sagot bago ngumiti.

"Sigurado ka? Pumayat ka o, nakakakain ka ba ng maayos dito? Sapat ba ang tulog mo? Hindi ka ba nalulungkot dito? Pwede ka namang bumalik sa'tin kung gusto mo, nandoon pa rin naman ang kuwatro mo. Linggo-linggo ko nililinis para kung sakaling umuwi ka maayos ang tutulugan mo."

Sa lahat ng tanong n'ya, hindi ang sagot ko. Ngunit ayokong sabihin iyon. Gusto kong ipakita na kaya kong mabuhay ng ako lang kasi totoo naman e. Ngayon humihinga pa rin naman ako kahit na dalawang taon na akong ganito. Muli akong ngumiti at inabot ang kaniyang kamay para hawakan.

21st Night Of September Where stories live. Discover now