Prologue

4 0 0
                                    

Sino nga ba ang mas nakahihigit na nakakikilala sa ating sarili? Ang pamilya mo ba, kaibigan o karelasyon?

None of the above. In this world full of people, walang ibang makakaintindi ng lubos sa iyong sarili kung hindi ikaw lang din mismo. Maybe you can say that at some point naiintindihan ka nila, but not in a way ng pag-intindi mo sa sarili mo.

You went on many battles without them even knowing. You deal with your own solitude, to find peace.  Marami silang alam sa'yo, ngunit mas marami ang hindi.  Your life is like an open book that have many vintage files...

Puting kisame, iyan ang unang bagay na bumubungad sa'yo sa tuwing iminumulat mo ang iyong mata sa araw-araw. Kabisado mo na ang bawat sulok nito sa tagal mong nakatitig at walang humpay sa kaiisip.

Mga bagay na dapat at hindi dapat pinaggugugulan ng panahong isipin ang s'yang tumatakbo sa iyong isipan sa bawat oras. Minsan napapatanong ka na lang talaga kung tama pa ba ang iyong ginagawa? Or is it too early to feel this? Hindi ka masaya pero hindi ka rin naman malungkot. Ano bang tawag dito?

Matapos magbuga ng malalim na buntong-hininga, tumayo ka at marahang naglakad patungo sa palikuran, naghilamos at tinitignan ang iyong sarili sa salamin. Nagbigay ka ng pilit na ngiti bago muling lumabas at nagtungo naman sa kusina.

Kinuha mo ang iyong paboritong lila na tasa at doon nagtimpla ng gatas. Iyon ang pangpagising mo, hindi kape. Matapos no'n ininit mo ang natirang spaghetti mula sa kagabi na tinake out mo sa isang fast food chain malapit sa iyong apartment na tinitirahan.

Naupo ka sa harap ng lamesa at nilantakan ang iyong umagahan habang malayo ang tanaw sa bukas na bintana sa iyong harapan. Gano'n ang iyong buhay sa araw-araw...

Unti-unti nanamang pumasok sa iyong isipan ang lahat ng bagay, mula pa noon hanggang ngayon. Inisip mo kung pa'no ka nga ba nauwi sa ganito? You can't explain the feeling, is it emptiness? You're breathing but barely living. This is how you run your life.

21st Night Of September Where stories live. Discover now