Inescapable Eventuality

311 3 5
                                    

Para sa akin, may tatlong klase ng abogado; yung magaling sa trabaho, naging gago, at 'di mo alam kung paano naging abogado. Sure akong yung third ako.

"Naks naman, future mind reader."

"Ha? Gago ka ba?" Tanong ko.

"'Di ba inaaral ng mga psycho kung paano magbasa ng utak ng tao?"

Mahabagin, naisip ko na lang. Minsan talaga, itong pinsan ko tanga.

"Gago, psych, hindi psycho. Ginawa mo naman akong baliw."

"Hindi ba?"

"Lumayas ka nga sa harap ko at nandidilim paningin ko sa 'yo!" Sabi ko kay Melody at binato s'ya ng makeup brush na itatapon ko na.

Tinuloy ko na lang yung pag-aayos ko at nang matapos ako, kinuha ko na lahat ng gamit ko at bumaba. Nagpaalam na ako kila Mama bago lumabas ng bahay.

At syempre na-haggard na naman ako bago makarating sa opisina. Lalo pa akong na-haggard dahil stressed yung supervisor ko. Tapos Friday pa kaya nagyaya yung mga katrabaho ko na uminom, na inayawan ko kasi magre-review pa ako para sa PHILSAT.

"Ano 'yan?" Tanong ni Kuya na nakikichismis sa ginagawa ko.

"Nagre-review ako epal ka," sabi ko.

"Para sa Civil Service?"

"PHILSAT' to," sagot ko.

"Tang ina' yan. Diba April usually PHILSAT? Ano ka imortal? Parang nung nakaraan kaka-take mo lang ng boards mo sa psych ah."

"Mama oh!" Sigaw ko kaya lumabas na rin s'ya.

Pero may point si Kuya, feeling imortal ako sa part na sa March yung Civil Service Exam tas sa April yung PHILSAT. Wala nang atrasan 'to kasi napasa ko na lahat ng requirements. Sayang mga nilakad ko kung 'di ko sisiputin exams.

Kaya naman the following weeks eh halos hindi ako sumasama sa mga inuman at gala dahil sa pagre-review. Nang matapos ako sa pag-take ng exams na 'yon, gumala talaga ako nang todo. At hindi naman ako aware na last gala ko na 'yon dahil shutangina.

Halos hindi na ako nakakatulog nang tumuloy ako sa law school. Panay aral ako tapos imbis na 'yon na lang pinoproblema ko, hindi pa ako naging regular employee doon sa opisina kung saan ako nag-apply as HR personnel. Lintik na endo 'yan.

Kaya ending eh nagpasa rin ako ng CV sa Mendez Law Firm kung saan nag-apply din si Minerva as a paralegal. Blockmate ko sa law school si Minerva at ang sarap dekwatin ng utak non.

"Hija, anong balak mong i-specialize na field? Balita ko nag-law school ka raw?"

Nagulat ako sa tanong sa akin, partida kabababa ko pa lang para kumuha ng pagkain! At sino 'to? Sa tanang buhay ko ngayon ko pa lang nakita 'tong taong 'to!

"Ay, anak, tita mo. Pinsan ko." Sabi ni Mama.

Ay? Kapal ng mukha? Naisip ko na lang.

"Ah, hello po," bati ko at kumuha lang ng pagkain bago dali-daling umakyat nang wala na sa akin yung tingin n'ya.

Nadadaanan yung kwarto ni Kuya bago yung sa akin kaya kumatok ako bago sumilip.

"Oh? Na-interrogate ka sa baba ano?" Tawa ni Kuya.

"Tinakasan ko. Bakit andito 'yon?" Tanong ko.

"Nasagap na nasa law school ka, malamang. Nagkaroon ng pake, may balak ata maging kriminal."

"Gago," tawa ko at naglakad na pabalik ng kwarto ko.

Pagpasok ko naman sa kwarto ko, napabuntong hininga na lang ako bago kumain nang mabilis at...nag-aral. Gawaing akala ko matatapos na after ko gr-um-aduate ng college pero dahil sa life choices ko, ito ang nangyari.

Diallogus Series 03: Inescapable EventualityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon