Chapter 21

75 3 0
                                    

Warning: R18

***

ALEXIS

"Atty. galit ka ba?" Rinig kong tanong ni Francesca kaya bumalik yung atensyon ko sa papel na hawak ko.

"Hindi. Familiar lang yung lalaki ron," sabi ko at tiningnan yung dulo ng hall.

Don kasi tumigil yung lalaking pogi. Ang pogi talaga tas ang sarap sa eyes ng layering n'ya sa outfit kaya 'di na 'ko magtataka kung model 'to.

"Seryoso ka ba, attorney? Hindi mo kilala?" Tanong ni Francesca.

"...model ba 'yan na may billboard sa EDSA?" Tanong ko, as a joke.

"Oo," sagot n'ya kaya napangiwi ako. "Pero ang alam namin best friend 'yan ni Ridge eh. Trio sila ni Sir Oz kasi friends sila from college, kung titingnan mo social media ni Brent makikita mo si Ridge at Sir Oz sa pictures na nasa club. Hindi ka pa ba pinapakilala ni Ridge sa friends n'ya?"

Ito na nga ba sinasabi ko.

"Francesca," tawag ko sa kan'ya. Hindi ko muna nilagay yung ipho-photocopy ko na paper. "Mukha ba kaming magjowa?" Tanong ko.

"Yes po. Actually ang iniisip pa ng iba na bago ka pa maging co-head ng legal, magjowa na kayo. Pano pala naging kayo attorney?" Tanong n'ya.

"Hindi kami," I smiled at her. "We're just good friends," sabi ko.

I felt a dip in the atmosphere so I asked her to send the rest to my office before I left. Lunch time na rin naman na at ayokong mag-lunch sa caf ng company.

"I am so sorry but as you can see, the friend I'm meeting is right here so I can't spare even five minutes of my time."

Napatigil ako sa pag-flip ng page ng menu na hawak ko nang marinig 'yon kasabay ng paghatak ng upuan sa harap ko. Nang iangat ko yung tingin ko, there's a familiar guy that has taken it upon himself na ayos lang umupo sa upuan sa harap ko. Ang kapal ng mukha.

Kunot noo ko tuloy s'yang tiningnan habang mukha s'yang tanga na nakatingin sa nasa likuran ko at nakangiti. Mayamaya pa ay kumaway s'ya.

"What are you doing?" Tanong ko.

"I'm sorry, are you meeting someone?"

"What are you doing?" Pag-ulit ko sa tanong ko.

"I don't know if you heard me pero kanina kasi may sumusunod sa'kin, they keep trying to set up a meeting with me even after my secretary rejected them for any meetings since my schedule is full. So...are you meeting with anyone? Because it's going to be embarrassing to walk out of this table and this restaurant if you are."

"Fine, you can stay. But we get separate receipts," sabi ko.

Kasi totoo namang nakakahiya since itong kainan na 'to madalas puno kaya kailangan ng reservation. Nag-walk in nga lang din ako kanina kaya sinwerte ako na may table.

"By the way, I'm Nicholas Serrano."

"Nicholas Serrano?" Gulat na ulit ko.

"You know my family," he concluded.

How could I not? Serrano Family is another political family na on par sa mga Madrigal.

"Alexis Fernandez, a lawyer so yeah I know who your family is." Sabi ko na lang.

"Ah!"

Muntik na 'ko mapatalon sa reaksyon ni Serrano at magpapaliwanag na ata sana s'ya kaso may tumigil na waiter na nag-abot ng menu sa kan'ya.

"Ikaw yung nakatabi ko sa court room! Kaya pala familiar mukha mo."

"Wala pa 'kong Serrano na client," sabi ko.

Diallogus Series 03: Inescapable EventualityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon