Chapter 22

66 2 0
                                    

ALEXIS

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ridge matapos ilapag sa harap ko yung tasa ng kape.

We're still in his unit, only it's morning and I just realized that I was so tired of everything that I even slept in the same bed as him. Medyo weird honestly kasi in-expect kong gigising ako na nanlalagkit sa pawis dahil sa...rami ng pinaggagawa namin pero hindi naman. Wala ring trace ng makeup sa mukha ko kahit na sigurado akong may makeup ako kagabi.

"Tinanggal mo ba makeup ko kagabi?" Tanong ko. Hindi naman ako makapal mag-makeup pero still, hindi naman 'yon magically mawawala lang.

"Yeah. And sorry pala kasi pinunasan din kita gamit bimpo. Nakatulog ka agad eh."

Ready na sana akong tanungin kung saan s'ya kumuha ng makeup remover kasi yung gamit kong eyeliner at lipstick matatanggal lang nang maayos at walang bakas kung makeup remover yung gamit pero natigilan ako sa sinabi ni Ridge. Gusto ko nga sanang tanungin kung buong katawan pero walang lumabas sa bibig ko pero na-gesture ko gamit yung kamay ko at mukhang naintindihan naman n'ya kasi tumango s'ya.

"Where did you get the makeup remover? Sa unit ko?" Tanong ko.

"Hindi, nag-search ako at bumili sa drugstore sa baba."

"Ah, oo nga pala may drugstore sa baba," nasabi ko na lang.

"Okay ka lang?" Tanong n'ya ulit kaya pinilit kong ngumiti at tumango.

Babalik na sana agad ako sa unit ko kaso pinagluto rin ako ni Ridge ng breakfast.

"Uh, balik ko na lang 'tong shirt mo pag nalabahan ko na," sabi ko.

"You can keep it if you want."

Sa banyo n'ya nilagay yung damit na suot ko kagabi at nakita ko yung makeup remover. Kukuhain ko na sana, kasi wala naman s'yang paggagamitan nito dahil alam kong 'di naman s'ya naglalagay ng makeup, pero pinigilan n'ya ako.

"Para kapag nakatulog ka ulit na may makeup dito."

I don't know what to say to that. Kaya naman tiningnan ko yung phone ko at sinabi kong kailangan ko na umalis. Pagpasok ko naman sa unit ko, ni-lock ko agad yung pinto at napaupo na lang ako sa sahig at nabitawan ko yung bag at damit ko.

Tang ina naman. Pa'no ko sasabihin n'yan na baka madamay s'ya sa gulo ko? Why does it feel like if I tell him about my worries, it's going to be like telling a kid on Christmas that Santa Claus isn't real?

And I swear I tried telling him. I didn't even notice months have gone by with me repeatedly telling myself that I'll try telling him that maybe it's for the best that we stop this setup that we have. That I can't take responsibility for him in case something happens to him because of me.

The best I could do was be hyper focused with my work as the co-head of Grimaldi Food Corporation's legal department and accept cases from Mendez Law Firm to lessen my free time. Sobrang konti ng oras ko na parang minsan na nga lang din ako makasama sa inuman kapag niyayaya ako o simpleng gala lang. Pati mga birthday ng ilang kaibigan ko wala. Yung free time ko madalas pag natutulog na lang.

Yung tulog na 'yon pa minsan may tatawag sa akin dahil may anak ng previous client ko kung hindi mismong previous client ko yung napunta sa presinto.

"I can't believe it's this bad."

Halos mapatalon na ako sa kinauupuan ko nang marinig kong pabagsak na nasara yung pinto sa unit ko at nakita ko si Diana na nakasuot pa ng suit na pumasok dala yung designer bag n'ya.

"Hello? May doorbell?" Sabi ko.

"The door wasn't locked."

"What is bad?" Tanong ko na lang.

Diallogus Series 03: Inescapable EventualityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon