Chapter 28

70 2 0
                                    

Warning: R18

***

REGIEL

"I still don't know how we're invited." Ani Brent na nagtitingin ng pagkain sa ref nina Oz.

"Yeah, you guys were drunk as fuck." Tawa ni Oz.

"Tang ina 'to oh. Baka naman ginagago mo lang kami na sumama tas mamaya kaladkarin kami palabas." Sabi ko.

"Huh? Not me, dude. Ikaw, baka talaga makaladkad ka." Hirit ng hayop na 'to. Kapal ng mukha porket nasa EDSA pagmumukha n'ya.

"The invitations literally had your names. Kayo lang 'tong mga sobrang lasing tuwing kasama si Nathaniel uminom." Tawang-tawa pa si Oz.

Napatingin naman ako sa direksyon kung nasaan yung sala nina Oz kasi narinig ko si David na tinatawag kami.

"Great. Assure these bastards na kilala sila ni Nathaniel. Akala ata ng mga 'to fake yung invitation na binigay ko sa kanila na pinapaabot n'ya." Sabi ni Oz.

"Seriously? After n'yo magtangay ng ilang t-shirt non hindi n'yo maalala na para kayong sampung taon na magkakilala pag lasing?"

"Gago kan'ya yung t-shirt na branded?" Tanong ko.

Kasi merong t-shirt sa damitan ko na nang tiningnan ko sa Internet napamura ako kasi sobrang mahal. Natakot nga ako labahan gamit washing machine kaya sinabay ko sa laundry ng suits ko eh. Tinanong ko nga kay David kung hinahanap ba non yung t-shirt kasi hindi ko naman na sinuot 'yon nang napalabahan ko.

Bumibili rin naman ako ng t-shirt na more or less five thousand yung presyo pero tang inang t-shirt 'yon. Presyo pang-isang semester na sa college. Kaya paano ako magkakaron ng ganong tropa? Presyong tuition sinusuot lang?

Sa yaman non parang kung sinu-sino na lang inimbita.

Mamaya pa yung kasal kaya dinayo na lang namin ni Brent 'to si Oz sa bahay nila. Sakto rin na nagluluto s'ya para sa kapatid n'ya kaya ayon free food sa chef na galing sa pamilyang may-ari ng may michelin star Italian restaurant. Pagkatapos naman n'ya magluto, kumain lang kami pero kasabay namin si Max, yung bunso sa kanila kaya medyo nagtino kami.

"Kuya, I think I'll go to Ate Kelly's house. Can I? Aabot ko yung gift ko sa kan'ya, birthday n'ya eh."

"Sure. Just message me if nakauwi ka na. 'Di ako makakauwi, nag-book si Nathaniel ng isang floor ng hotel para sa mga hindi uuwi after ng reception eh."

"Ah, you're going to drink." Sabi ni Max kaya nabilaukan ako sa iniinom ko. "If okay kay Ate Kelly can I stay over their house?"

"Yeah. Pero kapag hindi, message mo 'ko 'pag nakauwi ka na."

Panay tinginan naman kami nina Brent at David dahil sa usapan nung magkapatid. Pero nang matapos kami kumain at umalis si Max, si David pa nauna magtanong. Hayop na 'to ang bilis talaga. Inunahan pa kami!

"No because, literally, Max is like Miguel's and Kelly's divorce child." Brent commented.

Si Miguel yung middle child sa kanilang tatlong magkakapatid eh at yung tanda kong kwento ni Oz sa amin, yung Kelly yung naging girlfriend non tas minsan pag lumalabas yung dalawa, sinasama nila si Max kasi ayun nga, yung parents nina Oz mina-manage yung business nila sa Italy na headquarters ng Grimaldi Food Corporation tapos itong si Oz naman mina-manage yung dito sa Pilipinas. Oz din kapag walang inom dinadala sa tambayan yung kapatid n'ya kahit napagkamalan ng iba na anak n'ya. Grabeng age gap naman kasi 'yan.

Pero madalas noon kasama ni Miggy at ni Kelly. Kaya nga divorce child nila talaga 'yan nang naghiwalay eh.

Hanggang sa makarating nga kami sa venue ng kasal nina Nathaniel, yun yung pinag-uusapan namin. At sa totoo lang kung hindi lang ako nahihiya, kanina pa 'ko umalis dito sa kasal na 'to. Kasi medyo boring dahil medyo marami na akong napuntahan na kasal. Pero maganda yung part na walang bata kasi walang biglang umiiyak habang on-going yung ceremony tulad nung sa huling kasal na pinuntahan ko.

Diallogus Series 03: Inescapable EventualityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon