Chapter 15

102 4 0
                                    

Warning:  R18

***

ALEXIS

"Konti na lang talaga, iisipin ko na agad na inom kapag makikita kong may private message ka sa akin," reklamo ni Diana sa akin.

"Eh kasi nas-stress ako!"

"Do I look like your fucking therapist?" Umirap pa si Diana. "Oh right, wala ka nga pala non because you refuse to get checked up. Come on, getting yourself checked by a therapist, psychologist, psychiatrist, or kung sino man kailangan mong kitain won't mean you're crazy."

Nakangiwi kong tiningnan ni si Diana at hindi n'ya napansin 'yon kasi busy s'yang buksan yung bote ng alak at ilagay sa rock glass.

"Diana, I'm a graduate of psychology at hanggang ngayon licensed psychologist ako." Paalala ko sa kan'ya. I mean, I could, but I also know I can find a solution. Frustrated lang ako.

"Ay shet oo nga. But yeah, why don't you get checked pa rin? It's not bad."

"I would if I know I'm in a really bad mental shape. But I'm not, I'm just stressed."

"Let me guess, dicks?"

Ang lakas nang pagkakasabi ni Diana kaya naman lumingon ako sa second floor ng bahay n'ya pero nakita kong dimmed lang yung lights sa pader at walang maingay kung hindi kaming dalawa. Kaya naman sumimsim na ako sa baso ng alak.

"Why dicks?" Takang tanong ko.

"Two things, literally or your mom's side of the family who are dicks attitude-wise." Diana explained before she drank her glass in one shot. "Mukhang may ini-imagine ka."

"Pupukpok ko na sa 'yo 'tong bote ng alak hayop ka." Banta ko.

Pero nag-make face lang ang gaga. But we eventually got a little serious. Since Diana is one of the people outside my family who knows my connection with the Madrigals. Syempre alam ni Melody kasi pinsan ko s'ya dahil yung tatay n'ya kapatid si Mama. Then Amara who was unlucky to witness one of my encounters with the Madrigal Family back in college.

And Diana? I met her in a club with Amara tas by the end of the night napadpad kami sa presinto. Then the next time we met it was the night I found out I passed PHILSAT. Hindi ko na sigurado kung lasing na s'ya non pero basta nag-CR ako sa club non tas nandon din s'ya. Basta nang nalaman kong pasado ako, nasabi ko pala out loud tas narinig ni Diana. Ayon, biglang nanlibre kasi nalabas kami ni Mom sa presinto when we first met at dahil nga narinig n'yang pumasa ako sa PHILSAT kahit 'di n'ya alam kung ano 'yon that time.

Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya diba? Akala ko nga lagi ko na lang s'ya makikita sa kung saang club sa Manila o BGC. Pero nakita ko ulit s'ya noong na-scam na ako nina Minerva at Jasmine na sumali sa Diallogus. At ilang taon na hindi na nawala sa buhay ko 'tong gagang 'to.

"Ay Diana, naisip mo na ba yung proposal na binigay namin nina Minerva at Prudence?" Tanong ko bigla.

Si Prudence yung prosecutor na member ng Diallogus eh. Mukhang nakakatuwa kasama 'yon pero 'di nagma-match kita namin madalas.

"Napag-isipan ko na," sabi ni Diana.

"Pero you're letting personal emotions in?"

"Fuck no!" Diana answered, rather defensively if you ask me. "It's not up to me."

Kumunot yung noo ko sa sinabi ni Diana.

Kasi at first I thought s'ya yung leader ng Diallogus, I mean in a sense oo kasi sa kan'ya nakapangalan yung organization. But the more I got closer to her, the more I knew she's not really the person who's behind the creation of Diallogus.

Diallogus Series 03: Inescapable EventualityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon