THB Chapter XXII

2.7K 58 4
                                        

Benedict's Pov:

"Let's go. Kailangan nating magmadali."

Yaya sa amin ni Adrian. Papunta kami sa isang abandoned building na pinaghihinalaang pinagtataguan ng bumaril kay Thea. Sumakay nakami sa black van ni Lucas at nagtungo sa nasabing lugar.

"Malapit na ba tayo?"

Tanong ni Alex kay Lucas na syang nagmamaneho ng van. Sumulyap ito sa front mirror at tinignan kami.

"Konti nalang."

He muttered. Bigla namang nagring ang phone ni Adrian kaya napatingin kami.

Babe calling....

"Shit."

He cussed. Tinakasan lang kasi namin ang mga girls dahil ayaw naming ipaalam sakanila ito. Alam naming mapaganib ang gagawin namin ngunit ito lang ang tanging paraan para matigil na ang pagtatangka nito sa buhay ni Thea. He's too much. Muntikan na rin nitong patayin si Thea kagabi sa hospital. Nakatulog kasi ang mga security na nakabantay. Mabuti nalang at nagising si Cara at nagsisigaw kaya tumakbo ito palabas. Sinubukan namin itong habulin but he's gone.

"Answered it."

Utos ni Dom kaya kunot noo kaming napatingin sakanya.

"Damn. Mas lalo tayong mahahalata kung hindi nyo sasagutin ang tawag nila. We're still on our way at may oras pa kayo para makausap sila ng maayos."

Madali namang sinunod ni Adrian ang inutos ni Dom at sinagot ang tawag ni Thea.

"Hello Babe?"

"Babe where are you?"

Tinignan kami ni Adrian bago nya sinagot si Thea.

"I'm with the boys. Ju-st a boys bonding. Babe don't mind me okay? I'm fine. Just rest. I'll be back soon. I love you."

We heard Thea's sigh. Alam kong nag aalala din ito kay Adrian dahil boyfriend nya ito at hindi malayong pati ito ay idawit ng gustong pumatay sakanya.

"Okay. Please be back as early as 10 okay? I love you too."

After that Thea ended the call. Napailing nalang kami.

"We're here."

Utas ni Lucas kaya madali kaming napatingin sa labas. Madilim ang paligid dahil wala itong katabing bahay o kung ano pa man. Hindi naman kami natatakot kaya bumaba na kami.

"Lucas sigurado ka ba talagang ito yung address na sinend sayo?"

Tumingin lang ito at nagkibit balikat. Kaninang umaga kasi ay nakatanggap ito ng text mula sa hindi kilalang numero. Ang sabi sa text message nito ay sa abandoned building sa may dulo ng tondo nagtatago ang suspek kaya hindi na kami nagdalawang isip pa at nagpunta na kami.

"Wag tayong maghiwa hiwalay. Be attentive."

Sabi ni Adrian kaya sabay sabay na kaming pumasok sa abandoned building. Pagpasok namin sa isang room ay wala kaming ibang nakita kung hindi isang mesa.

"Fck."

Napatingin kami kay Lucas ng napamura ito. Nakatingin sya sa kabilang side ng kwarto kaya sinundan namin ito ng tingin.

"What the hell.. Talaga bang ganun nalang kalaki ang galit nito kay Thea?"

Hindi makapaniwalang sabi ni Alex. Sa isang side ng wall ay may napakaraming picture na nakadikit. Lahat ng iyon ay letrato ni Thea na butas butas dahil sa bala ng baril.

"Umalis na tayo. Masyado ng mapanganib dito."

Yaya ni Adrian kaya dali dali kaming naglakad palabas pero bago pa kami tuluyang makalabas ay nakadinig kami ng isang putok ng baril mula sa taas kaya napatingala kami.

HTN2: The Heiress is BackMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon