THB CHAPTER XXXII

2.9K 58 1
                                    

May 29, 2020

Thea Ysabelle's POV:

Kriiiing! Kriiiing!

"Oh Hello brat."

I utter on the other line. I can imagine Bridgette rolling her eyes now. Napangiti naman ako sa aking naisip. How I miss this girl so much.

"Yea what a nice intro. Where are you?!"

She shouted. I can hear Cara's voice on the other line. He's laughing. I assume na nasa bahay namin si Bridg ngayon that's why she's asking me where I am. Magkasabay kaming umuwi ni Cara dito sa Pilipinas and she'll be living on the mansion with me.

"I'm on my way to Cheche's shop Bridg. May kukunin lang ako."

I answered back. I heard her sigh. Mukhang alam ko na kung anong sunod nyang sasabihin.

"You're going to visit him again, aren't you? The last time you visited him you cried and cried. Thea Ysabelle when will you move on? It's been 5 years since he died. Please forget those past that hurts you."

I just sigh. Yes, It's been 5 years. Limang taon na ang nakakalipas simula nung mangyari ang lahat. Limang taon na ang nakakalipas mula ng mangyari ang matinding bangungot sa buhay ko. Madaming napahamak. Madaming nadamay. Madaming namatay. Limang taon na ang nakakalipas ng huli ko itong bisitahin bago ako umalis ng bansa. Limang taon na ang nakakalipas mula nang sya ay mamatay at hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ito. Bakit kailangan pang ma'y mawala? Muli nangilid nanaman ang luha kong nagbabadyang tumulo. Kaya bago pa ito mangyari ay nagpaalam na ako kay Bridg na magkikita nalang kami mamaya dahil malapit na rin ako sa shop ni Michelle. Pagdating ko ay madali akong pumasok sa loob.

"Good morning Ma'am! May I------Thea? Oh my God!"

Sigaw ng kakaharap lang na si Michelle tsaka ako nilapitan para yakapin. Tawang tawa naman akong yumakap sakanya pabalik. It's been 5 years since the last day I saw her dahil kakauwi ko lang from Europe.

"How are you? God! Kelan ka pa nakabalik? You didn't inform me!"

Pagmamaktol nya at dinala ako sa isang bench para maupo kaming pareho. Lalong lumabas ang ganda ni Michelle dahil lalo itong pumuti at lumaki ang balakang dahil narin siguro sa panganganak.

"Kagabi lang at biglaan lang din ang pag uwi ko dahil kinailangang magpahinga ni Dad at ako muna ang magmamanage sa Company namin dito sa Pilipinas that's why I didn't able to inform you all. I'm with Cara."

Tumango tango naman ito. Napatingin ako sa malaking pangalan ng Shop na naka engrave sa isang wood at napangiti. MDR Flower Shop. I mumbled into my mind which means, Michelle Dela Rosa. Yes. She's married. She is married to the famous businessman John Rafael Dela Rosa. Sino bang mag aakala na sila din pala ang magkakatuluyan sa huli? Napapangiti nalang ako sa aking naisip.

"So how's Raf and michaela?"

I asked . Michaela is her 2 years old baby. Hindi ko pa ito nakita in person pero napakalambing ng batang ito sa tuwing nagsskype kami. Ngumiti naman ito pabalik na parang may naalala.

"May family reunion kami ngayon sa side ni Raf at pinauna ko na sila dahil hinintay ko talagang dumating ang pinakamaganda kong customer ngayong araw."

She answered. Natawa naman ako at nahampas sya ng mahina.

ting!

Biglang tunog ng pintuan meaning to say may customer na pumasok.

"Oh I have another customer! Thea wait me there ah? Or you can look some flowers to pick while I'm busy. Feel yourself at home okay?"

She said. I said okay then she left. Tumayo naman ako at nagtitingin ng ibang bulaklak. I saw yellow tulips. Nilapitan ko ito at napangiti ng maalalang ito ang kauna unahang bulaklak na ibinigay sakin ni Xian dati. Kumusta na kaya sya? May girlfriend na kaya sya o pamilya? Pagkatapos ng huling pagkikita namin ay hindi na ito nagparamdam pa sa akin. We didn't have any communication at hindi rin ako makakuha ng balita kina Bridg dahil maging sakanila ay hindi na rin ito nagpaparamdam. I was about to pick one tulips when another hand holds mine. Napatingin ako dito at nagkatinginan kami.

HTN2: The Heiress is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon