FIRE INSIDE

94 3 0
                                    

Nasa maliit na plasa kami ni Marlou na malapit lang din sa amin. Nag hanap kami ng pweding maupuan .

"Sino ang sumundo sa iyo kanina?"_tanong agad ni Marlou sa akin.

"Wala kasamahan ko lang din sa club,members din"_sabi ko.

"Sino nga? Kung rider din ng club mo sa malamang kilala ko rin iyon."_pangungulit pa ni Marlou

"Hindi mo iyon kilala, bagung member pa lang iyon ...at bakit ako ang topic natin.? Ano ba ang pag uusapan natin at kailangan mo pa akong puntahan dito?"_sabi ko

"Grabe ka naman gha sa tuno ng pananalita mo mukhang ayaw mo akong papuntahin sa inyo ah?,may tinatago ka ba sa akin?ha gha?"_ulit pa ni Marlou.

"Anong itatago ko sa iyo?...hindi naman sa hindi ko gusto,nagtataka lang ako bakit biglaan naman ang pag sulpot mo sa lugar ko, bakit ba?"_explain ko.

"Galit kaba sa akin?"_tanong niya

"Galit? ...saan at bakit naman ako magagalit?"_pag mamaang maangan ko.

"Bakit mo pinasa sa akin ang screen shot photo namin ni Chelsea?...maniwala kaman o hindi walang malesya yon,nag bibiruan lang kami at lasing na ako noon."_paliwanag niya.

"Ok, "_ang tangi ko lang na isagot

"Ok? Gayan lang? Hindi ka ba galit o magseselos man lang?"_reaksiyon ni Marlou na tila nag taka din kung tila parang ok lang sa akin.

"Bakit naman ako magagalit doon,at hindi mo naman kailangan pa e explain lahat. Naiintindihan kita, kaya ko lang iyon pinasa sa iyo kasi ,baka hindi ka aware na may photo kayong ganun, kasi wala naman iyon dati sa pinost ni Chelsea. Nothing to worry with that at magseselos lang siguro ako pag lalaki o bakla ang kahalikan mo. Pero kung babae ,lalo na pag si Chelsea,...go , susuportahan kita."_sagot ko sa kanya.

Akala ko ok lang kay Marlou ang paliwanag ko,pero tila uminit pa yata ulo nito sa sinabi ko about kay Chelsea.

"Bakit mo ba pinag didiinan sa akin si Chelsea, ikaw lang ang gusto ko,...kaya please lang,for once sarili mo naman ang i barter mo sa akin gha...sa tuwing tinutulak mo ako kay Chelsea parang sinasabi mo sa akin na lalayuan na rin kita."_tumaas bigla ang boses nito. Buti nalang kami lang ang naroon.

"Hindi ko lang kasi lubos na maisip kung bakit ako ang pinagtutuonan mo ng pansin. Bukod sa agwat ng edad natin, panget ako at walang pera. Natatakot akong baka hindi ko kayang ibigay sa iyo ang lahat ng expectation mo. Ang bata mo pa gha, wag mong sayangin ang oras mo sakin."_paglalahad ko.

"Hindi pa ba tapos sa iyo ang issue na yan?...akala ko ba ok na tayo sa set up na ito. Hindi mahalaga sa akin kung ano ka. Di ko naman kailangan ng pera,kasi may trabaho naman ako. At wala akong eni expect na something sa iyo kundi ang mahalin mo rin ako at hayaan akong mahalin ka gha. At hindi pag sasayang ng oras ko ang pakikipag relasyon ko sa iyo. Gago na sa gago, kung iyan ang tingin ng iba sa akin. Pero kita mo naman pati magulang ko gha gusto ka nila para sa akin. Mahirap ba akong mahalin gha?"_natameme ako sa mga sinabi ni Marlou.

Ako pa itong aayaw  eh lalaki na ang namimilit ng sarili niya sa akin.
Hindi mahirap mahalin si Marlou, wala lang talaga akong nararamdamang kilig sa kanya. Masasabing maswerte ako dahil si Marlou ang nanliligaw sa akin, pero ang takot ko na mahusgahan ng mga tao ang siyang  nag bibigay sa akin ng rason para ilayo ang sarili ko sa kanya. Noon pa man bunsong kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.

Naawa ako kay Marlou,pero iba pag pumili ang puso...kung sa libog lang kahit aaraw arawin ko pa si Marlou hindi ako magsasawa sa katawan niya. Pero kasi seryusohang commitment na ito. Kapag tinuloy ko pa,wala ng kawalaan ito. At baka may masaktan pa isa sa amin.

Nahihirapan din akong tanggapin sa sarili ko na makisakay na lang sa gusto ni Marlou. Hindi ko kayang plastikin ang taong napamahal na din sa akin. Kaya gusto kong maging mag barkada na lang kami,at least noon ang sweet pa namin kapag nag bibiruan.

*balik ala-ala*

(Moments noong nag trekking  kami at nag camp)
Ako: "I love you Marl,tabi tayo mamaya sa tent ha? Daming lamok sa labas...doon tayo sa loob tapos ako ang lamok mo"
Marlou:  "bakit ikaw ang lamok?ano iyon?"
Ako:  "ako ang sisipsip ng duga mo hahaha"
Narlou: " hindi mo yata kayang ubusin ang dagta ko ,daming reserve nito at naka reserve lang ito saiyo.

(Noong nag outing kami sa isang sand bar sa Dumaguete)

Marlou: " hawakan mo kamay ko dali"
Ako: " ang huling humawak ng kamay ko na inlove sa akin,hindi ka takot?"
Marlou: "sa pating lang ako takot ,hindi ang ibigin ka".
Ako: " hmmm maniwala ako. ayan naka hawak na,tapos?"
Marlou: " grabe ang kapal, ...ang kapal ng kupal mo ,halatang araw araw ka nag jajakol
Ako: " ay gago, puro ka talaga kalukuhan Marlou,kainis ka."
Marlou: "ops wait,ang last na na inis sa akin binuntis ko patalikod."
Ako: " eh di try natin."

(At noong christmas party ng grupo)

Ako: " hala ang daya ni Marlou, bakit wala kang gift? Binunot bunot mo pangalan ko tapos wala kang dala. Puwedi mag palit ng kapartner?"
Marlou: " kaya nga wala akong dala kasi ikaw ang nabunot ko.
Ako: " hoy hindi pwedi yan nuh...convert to cash mo na lang ako na bibili ng para sa akin.
Marlou: " ok ,pero dukutin mo muna dito sa harapan ko.
Ako:  " ay iba din may pakulo, ako pa...dudukutin ko talaga yan. Dito malalaman ng lahat kung daks ba o juts si Marlou
Marlou: "sige dukot na."
Ako: ano ito bakit may box na maliit, hmmm pa surprise si mayor
Marlou: kunin mo at buksan mo.
Ako: key chain?
Marlou: " will you marry me, asawa ko?".

Ganoon lang kami ni Marlou noon,masayang harutan lang pero walang dibdiban. Pero sa halip na ako ang tatamaan mukhang si Marlou ang napuruhan sa mga biru biruan namin noon.

Naawa ako kay Marlou, pero hindi ko rin gusto na paglaruan ang emosyon niya.hinawakan ko sa kamay si Marlou.

"Mahal din kita gha pero sana maging bukas parin ang isip at puso mo sa maraming posibilidad na puwede mangyayari sa relasyon natin. Hindi ako nangangako na kaya kong tugunan ng buo ang nararamdaman mo sa akin,pero sisikapin ko. Pero ipangako mo rin sa akin na, sakaling hindi tayo mag work,aayusin mo parin ang buhay mo ,ituloy mo ang nasimulan mo para sa mga magulang mo."_sabi ko.

"Mahal kita gha,at hindi ko alam kung ano ang mangyayari pag iniwan mo ako."_si Marlou

"Hindi kita iiwanan gha, nandito lang ako gaya ng dati"_at niyakap ko di Marlou.

May mga napag kuwentuhan pa kami ni Marlou,hanggang sa nag paalam na rin ito. Nag hiwalay kami ng landas,. Nauna na ako at nagpara ng pedicab. Nagpaalam kami sa isat isa at pina adar na nito ang motor...na una na ako sakay ng pedicab

Tumonog ang cp ko habang sakay sa pedicab

"Bud,saan kana daw ba? Dumaan si Insan kanina sa inyo wala ka naman daw doon" si Web.

"Going na ako diyan bud sige bye."_tugon ko

Agad na lang ako nagpahatid kina Joey....

Past 12 noon habang nag vi videoke kami sa bahay nila Joey.. lumapit sa amin ang nanay ni Joey.

"Oy Joey, labasin niyo muna doon sa gate, may nag hahanap sa kaibigan niyo roon sa labas.

"Ha ? Sa akin nay? Sino daw?"_pagtataka ko

"Hindi ko kilala ,puntahan niyo na lang sa labas.

Kinabahan ako ang lakas ng kabog ng dibdib ko... bakit kaya?

eXchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon