Mahigit tatlong linggo din akong absent sa trabaho dahil sa pag babantay kay Marlo, siguro dala ng pagka guilty sa mga inasal ko sa kanya ,kaya na isipan kong alagaan ito pansamantala habang hindi pa nito naigagalaw ng maayos ang kanang braso at kamay. Para ma alagaan mabuti si Marlou, doon ako sa kanila nakikituloy.
Lahat ng pedi kung itulong kay Marlou ginawa ko. Maging ang pagpapaligo dito dalawang beses kada araw, gumagamot sa mga sugat nito...in short nag volunteer akong maging care giver ni Marlou.
Sa ilang araw na kasama ko si Marlou, natutunan ng sarili ko na pagbigyan si Marlou sa nararamdaman niya sa akin. Sa ikli ng mga araw na nakakasama ko si Marlou ginampanan ko ang pagiging asawa sa kanya. Para talaga kaming mag asawa ni Marlou. At sa unti unti tinatanggap na ng sestema ko ang set up naming dalawa.
"Mukhang ok kana , nagagalaw mo na ng kaunti ang mga daliri mo at braso. Puwedi na kitang iwan kina mama at papa mo."_habang pinapalitan ko ng bindahe ang bali nitong braso.
"Aalis kana gha? Iiwan mo na ako?"_malungkot ang mga mata nito na nakatitig sa akin.
"Pansamantala lang naman ilang linggo na din akong leave sa trabaho, wala na akong pera, kailangan ko ng bumalik ng trabaho gha. Pero dadalawin naman kita pag day off ko."_sabi ko.
"Salamat sapag alaga sa akin gha, at hindi mo ako pinabayaan...i love you gha."_isang masuyong halik sa labi ko mula sa kanya.
"I love you too,...gha, at sorry sa mga pagkakamali at pagkukulang ko. Hahayaan mo babawi ako sa iyo. Mula ngayon iyong iyo na ang puso ko. Pagaling kana mag ra ride pa tayo."_at hinalikan ko sa noo si Marlou.
June 29,2020 maaga akong nag tungo ng terminal pabalik ng San Carlos. Nasa loob na ako ng bus ng may kumalabit sa akin , si Web.
"Bud, saan ka?"_tanong nito.
"Oy bud,hindi kapa pala naka uwi ng Murcia?"_tanong ko din sa kanya.
Nasalikurang banda si Web naka upo...dahil sa social distancing one seat apart lang dapat. Kaya lumipat ito sa katabi kong seats.
"Akala ko naka balik ka na ng San Carlos?...dumaan kami ni insan sa inyo sabi ng kapatid mo bumalik na ng San Carlos. Last week pa. "_usisa ni Web
"Ah eh oo bud ,kakabalik ko nga lang din kahapon may meeting kasi...pero heto balik agad. Nakakapagod nga mag byahe. ...ikaw bud ngayon ka palang uuwi sa inyo?"_pag divert ko ng kuwento.
"May kukunin lang akong manok sa bahay bud ,ibibigay ko kay insan. Doon muna ako sa kanya...Bacolod na kasi ang next ko na duty"_sabi ni Web.
"Ganun bah, sayang baka hindi na tayo mag kakakitaan nito next bud. Tayming sana kasi Bacolod kana ma aasign."_sabi ko.
"Bakit naman bud?, hindi kana uuwi ng Bacolod?"_si Web
"Hindi na muna siguro...risky na masyado ang mag travel sa dami na ng case ng covid sa Bacolod. AT isa pa tipid tipid muna bud times two na ang pamasahe ng bus. Doon na muna ako sa San Carlos."_ang nasabi ko lang dahilan kay Web. Pero ang totoo niyan susubukan ko munang umiwas sa tukso para kay Marlou.
BINABASA MO ANG
eXchange
RomanceSa kuwento ng pag ibig madalas napapatanong tayo. Saan ba tayo dadalhin ng kuwentong ito. At sa gitna ng ating pag sunod sa agos ng ating nararamdaman, hindi natin namamalayan ang mga pagbabago na magbibigay sa atin ng aral paalala. Na sa bawat hakb...