CROSSING BOARDERS

143 5 0
                                    

JUNE 5,2020 My day off, maaga palang nag ayos na ako para maka pag firstrip ng bus pa uwi ng   Bacolod. Tumatakbo na ang bus ng may tumawag sa akin, si Joey.

"Hey pre go mowning, ang aga natin ah...bukas pa ang birthday ko."_agad nitong pagbati pag ka sagot ko.

"Ano ang aga, at paano mo nalaman na uuwi ako ngayon?"_tanong ko.

"Sa IG story mo,nakita ko...ang aga mo naman?"_sagot nito.

"Ah ok...hindi mo man lang ako ininform ,stalker pala kita pre,...day off ko ngayon inagahan ko na para mahaba habang oras din ang pag stay ko sa amin diyan."_sabi ko.

"Ganun ba. Akala ko inagahan mo kasi excited ka makasama ako sa birthday ko bukas. Hihihi pre bukas ha sa bahay punta ka."_tugon ni Joey.

"Oo nga pala kaarawan mo na pala bukas muntik ko na makalimutan pre, nawala sa isip ko buti pinaalala mo. Sige punta na lang ako bukas sa inyo."_nawala talaga sa isip ko ang birthday ni Joey.

"Ayos lang yan pre ,makalimutan mo man ako,hinding hindi ako makakalimot sa iyo. Na miss na kita pre, miss ko na yong kwan natin hihihi"_hirit nito.

"Past na iyon pre, at dala lang iyon nangg pagka uhaw natin sa alak hahaha. Tingnan na lang natin kung mauulit bukas pre hahaha...humanda ka ng case ng red horse bukas. Baka mabitin tayo ."_sabi ko

Parang ok lang sa amin ni Joey na pag usapan ang mga past namin. Subrang komportable na ginagawa na lang naming biro ang mga nangyari sa amin. Di tulad sa amin ni Marlou, naiilang akong mag open topic ng tungkol sa sex.

" sige na pre nawawalan na ako ng signal dito...kita na lang tayo diyan."_pag putol ko sa usapan namin ni Joey.

"Ok pre...ingat diyan hintayin kita dito gha."_natigilan ako sa huling salita ni Joey.

Tinawag niya akong gha, tila iba ang dulot sa akin ng salitang iyon pag galing kay Joey. Parang kinikiliti ang tenga ko. Hindi ko iyon naramdaman kay Marlou kapag tinatawag niya ako ng ganun.

Agad binawi ni Joey ang salitang iyon at nagsabi ng joke. Kahit na biro lang iyon pero iyon na ang pinaka sweet na salitang narinig ko ng mga oras na iyon. Huli kong naramdaman ang ganitong pakiramdam noong kami pa ni pareng Renzy, kapag tinatawag din niya akong gha.

8am ng araw ding iyon...

Malapit na ako sa terminal ng Bacolod. At pag kaparada ng bus,bumaba agad ako. Agad ko tinungo ang exit ng terminal at nag hanap ng bakanteng taxi ng may pumaradang motor sa harapan ko. Si Marlou.

"Good morning gha, sakay na ihahatid na kita."_agad na pag bati ni Marlou.

"Paano mo nalaman?"_tanong ko.

"Sa IG story mo,...kaya nag abang na ako dito,actually kaninang 6 pa ako dito. Medyo gutom na nga eh...tara na gha kain muna tayo."_payaya nito

"Ok lang ba? Hindi ba bawal ang angkas dito? Social distancing diba?"_pag alinlangan ko.

"Bawal pag hindi kasal, eh kasal kana sa akin kaya walang bawal ako bahala sa iyo gha, heto dinalhan kita ng extrang helmet."_at inabot sa akin ang dala nito.

Ewan ko ba sa sarili ko ,dapat masaya ako kasi nag effort si Marlou na sunduin ako, pero nang time na iyon wala akong naramdamang kilig at spark. Hindi tulad noong hindi pa kami. Umangkas na ako sa motor ni Marlou.

"Usog kapa sa akin gha,idikit mo sa likod ko katawan mo baka mahulog ka...sa iba, i mean sa motor ko."_may laman ang huling salita ni Marlou.

Naghanap ng daang walang checkpoint si Marlou...patuloy lang ito sa pg mamaneho ng kanyang motor. Napadpad kami sa isang kainan malapit lang sa highway. Nag milk tea kami at nag silog.

eXchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon