"Kung saan nag simula ang wakas"
#AngAkingKumparelasyon
Naging magkalaban kami sa posisyon. Naging magkaaway sa lahat ng bagay. Mortal enemy kong naituring....di kami halos magkasundo lagi. Naging magkasama sa iisang trabaho...dumaan sa ilang tampuhan at di pag uunawaan. Hanggang sa nagsama sa iisang tropa. Naging magka ibigan... Na nauwi sa tuksuhan. Naging close...naging best friend...naging ka bromance ko sa trabaho at nag turingang magasawa....naging kumpare ko at ngayon naging lihim kong karelasyon.
Ang bawal na pagsasamahan namin ng kumpare kong si Renzy ang isa sa masasabi kong pinaka masayang parte ng pagiging ako.
[]pare mahal mo raw ako?[]...
Nang marinig ko ang kantang ...pare mahal mo raw ako. Di ko maiwasang mapangiti. Tingin ko ginawa ang kantang yon pra sa amin ng kumpare kong si renzy...di nya tunay na pangalan pero sounds like. Pero pag nabasa niya ito alam niyang siya ito.
Matagal na kaming magkasama sa trabaho nitong kumpare kong si renzy. Dati kaming magkatunggali sa mga achievments sa trabaho...kung ano rewards natatanggap ko dapat meron din ito. Ayaw ni renzy na malamangan ko siya sa performance. Kaya minsan nakakarinig ako ng mga backfight galing sa kanya. Dahilan kong kaya di kami magsundo ng kumpare kong ito. Isang station lng kami. Nang ako ang inatasang maging team leader at naging assistant ko lng siya...mas lalong lumaki ang gap namin sa isat isa. Plastikan kami kapag magkaharap.
2010,december 07,. Isang memo ang natanggap ko. Ililipat ako ng bagong bukas na branch malapit sa downtown area. Natuwa ako dahil sa wakas di na kami magkasama ni renzy. At mas malapit lng ngayon ang branch na lilipatan ko sa inuuwian ko.
Kasabay ng memong yon ang list ng mga mag e end ang contract. At kasama sa listahan si renzy. Di ko alam bakit nalungkot ako. May panghihinayang akong naramdaman...kaya kina usap ko ang oic manager.
"sir final na po ba ang nakasaad sa memo?,"...tanong ko.
"di pa nman official, depende yon sa performance apraisal...lahat ng naka lista don...mga weakest sa team.pero di ibig sabihin wala ng chance.",...pag explain ng manager.
Nabuhayan ako ng pag asa...alam kong may magagawa ako. Di ko lubos mawari sa isipan ko kung bakit lumambot ang puso ko kay renzy. Tinaas ko ang ratings niya...average. May kung anong fullfillment akong na feel ng ginawa ko yon. Masaya ako at pinasa ko si renzy. Madalas kaming magbangayan ng kumpare kong ito...pero di ko makuhang magtanim ng sama ng loob sa kanya.
Isang araw bago ang last day ko sa branch na yon bago ako ililipat. Habang breaktime ko.
Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko.
"tol, kumain kana?,...sinama na kita dito, tara kain tayo."..___si renzy may dalang tray ng pagkain.
Dalawang pares ng fried chicken, isang bowl ng chopsuey...apat na rice at may dalawang baso na may ice at isang litro ng coke. Pangdalawahan ang bitbit ni renzy.
"sino ka date mo tol?,dami ah..."_pagpuna ko sa kanya.
"para sayo to tol...kaw ka date ko ngayon. Kaya wag kana umarte dyan at kakain na tayo.",___habang isa isa nitong nilatag ang laman ng tray.
Naku himala.,anung hangin kaya ang pumasok sa tenga nito at ang bait nito. At usually iba ang trip nitong kasama pag break time.
"salamat dito tol, yaan mo later libre kita ng smoke...at angels."___sabi ko at nagsimulang kumain
"sus wag na tol, akala ko ba ayaw mong nag yu yusi ako tapos hayan elilibre mo ako. Wag na oi"___sabat ni renzy
Napangiti ako...naalala pala nito ang pangaral ko sa kanya ng minsan mag absent ito dahil sa tindi ng ubo. Sinabihan ko kasi siya minsan na tigilan niya ang sigarilyo kung nais pa nitong huminga. Tumatak rin pala yon sa kanya.
BINABASA MO ANG
eXchange
RomanceSa kuwento ng pag ibig madalas napapatanong tayo. Saan ba tayo dadalhin ng kuwentong ito. At sa gitna ng ating pag sunod sa agos ng ating nararamdaman, hindi natin namamalayan ang mga pagbabago na magbibigay sa atin ng aral paalala. Na sa bawat hakb...