______🖤
Mahigit two months na din akong hindi naka uwi ng Bacolod, bukod sa mahirap mag travel sa dami ng restriction at requirements para makadaan sa borders, gusto ko rin bigyan ng quality time ang sarili ko, alone, na mag karoon ng realization sa mga bagabagay. Lalo about sa amin ni Marlou, kung tutuloy ko pa ba ang relasyon namin? o dapat ba na itigil ko na, bago pa niya malaman ang lahat na niluloko ko siya.
Naging mas madalas ang pag bisita ni Web sa akin dito sa San Carlos, bawat linggo dalawang beses ito kung pumunta sa akin. Nakikitulog at nakikisalo sa akin. Walang kami ni Web, at alam niya iyon at alam namin pareho iyon. Pero meron sa pagitan namin ni Web na kami lang ang nakakaramdam. Mahirap e explain pero kapag tumawag siya sa akin para ipa alam na pupunta siya na e excite ako, nasasabik ako sa kanya. At kapag magkasama kami parang ang saya ko lang. Mag kasing edad lang kami ni Web pero kapag nasa isang kuwarto lang kami, daig pa namin ang mga kabataan ngayon kung mag harutan. Hindi naman namin pinag uusapan ang labelling namin. Para sa amin sapat na, na masaya kami sa isa't isa. Kinikilig parin ako sa mga hirit ni Web, nagugustuhan ko ang pang aamo niya sa akin. Na hindi ko naman nararamdaman sa tuwing kasama ko si Marlou.
May dating si Marlou, mga tipong habulin ng mga bakla at kung ebebenta mo online, dudumugin talaga ng mine. Sa profile palang ni Marlou, makakabuntis na ito, titig pa lang. Pero ewan ko ba sa sarili ko bakit wala akong nararamdamang spark sa tuwing mag kasama kami. Bukod kasi sa age gap namin na mas bata siya kumpara sa akin, eh takot din ako mahusgahan kami ng iba, o ng mga nakakilala sa amin.
Ayuko ko lang kasi makarinig ng something na piniperahan lang ako ni Marlou, well sorry sila kung iyan ang iniisip nila kasi hindi din naman ako mayaman at hindi din naman ako piniperahan ni Marlou. Pinipilit ko naman ang sarili ko na suklian ang pagtingin sa akin ni Marlou pero subrang dry na dry talaga ang pakikitungo ko sa kanya. Kahit kasi na dina down ko na ang sarili ko para ayawan niya ako. Mas lalo pa yata pinu push ng bata ang pagmamahal niya sa akin.
Sa tawag at video call lang kami nag uusap ni Marlou, kasi sabi ko bawal mag ride ngayon papunta dito sa akin, kasi sa dami parin ng covid cases sa Bacolod, health muna namin ang priority. Sabi ko pa, na mahihirapan siya mag travel kahit mag motor pa siya sa dami ng travel requirements. Iyon ang alibi ko lagi kay Marlou para hindi niya maisipang puntahan ako dito. Lingid sa kanya kaalaman, ang madalas naming pagtatagpo dito ni Webster.
______🖤
August 17, lunes ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula kay Marlou.
"Yes gha ,napatawag ka?...ang aga mo naman mang gising. Buti na lang day off ko today."_pagkasagot ko.
"Good morning gha, sorry na gising ba kita? Excited lang kasi ako ."_halata naman sa boses ni Marlou ang galak.
"Morning din, ok lang gha mag a alas sais na rin naman sakto lang paggising mo..bakit ka ba excited, anong meron?"_tanong ko
"Back to work na ako gha, pero hindi pa rin ganun ka stable ang operation, skeletal parin kaya trice a week lang ang pasok ko. Tapos pag walang trabaho nag de deliver ako ng mga kung ano ano para sa mga customer na takot lumabas. Ikaw gha, baka gusto mo akong orderin, edi- deliver ko diyan sa iyo katawan ko. I miss you na gha, subra."_bigla akong kinabahan .
"Miss you too gha, I'm happy for you may work kana ulit, mag ingat ka lagi sa pag dediliver. At naku gha...bawal parin mag travel dito, wag ka mag alala ok lang ako dito. "_sabi ko.
" meron na akong essential travel pass id gha, kinuha ko sa barangay at nagpa rapid test narin ako para maka kuha ng health clearance, para maka travel na diyan. Puwede na akong mag cross ng border gha, madadalaw na kita diyan. I really miss you."_sabi pa ni Marlou.
"Miss din kita gha, pero mas safe ka diyan. Iwasan mo muna mag byahe byahe, ako nga tini tiis ko dito kahit gustong gusto ko nang umuwi diyan. Alam mo naman ang virus, gha safety first. Don't mind me here."_mga dahilan ko para lang pigilan si Marlou sa balak niya.
"Mukhang hindi mo naman ako na mi-miss gha, sa mga sinasabi mukhang ayaw mo talaga akong papuntahin diyan...pero, basta pupuntahan kita diyan ,tapos bumalik tayo ng DSB, ulitin natin ang first date natin noong nag simula tayo gha."_seryoso talaga si Marlou. Kilala ko nasiya kapag gusto niya gagawin talaga niya.
"Sige gha, gusto ko iyan...tawagan mo ako kung kelan ka darating o pupunta ng makapaghanda ako...ibig kong sabihin ma ihanda ko agad mga gamit ko para deretso na tayo ng DSB."_wala na akong choice, pigilan ko man si Marlou pag gusto niya gagawin niya
"Hindi na surprise pag pina alam ko pa sa iyo. Basta gha dadalawin na kita diyan."_huling sabi pa nito.
______🖤
Higit pa sa kaba, ang takot kong malaman ni Marlou ang kalukohan ko. Ano kaya ang maaring gawin ni Marlou kung sakali man. Agad din ako gumawa ng alibi for Web para hindi muna ito pupunta sa akin. Nag PM ako kay Web para mag dahilan na uuwi muna ako ng Bacolod ng ilang buwan at mag li-leave muna ako sa trabaho para maka pag pahinga. Ngunit seen mode lang ang tugon sa akin ni Web.
Gabi na ng makatanggap ako ng reply galing kay Web ,thumbs up lang. At least alam kong naniwala siya.
Matutulog na ako ng mag call bigla sa akin si Web.
"Talaga bang uuwi ka muna dito bud?"_agad nitong tanong.
"Oo nga bud, kaya wag ka na pumunta dito, magkikita din naman tayo diyan."
"Sa bahay kana lang namin sa Murcia mag stay bud, doon maka pag relax ka ng husto. Ipapasyal kita sa ilog, tapos i aakyat kita ng mga buko, diba gusto mo iyon. Doon ka na lang sa amin...kami lang ni nanay nandoon."_excited na alok ni Web. Nakapunta na nga ako noon sa kanila at maganda ang lugar nila ni Web tahimik malapit sa ilog, at kung pag rerelax lang din talaga, marerelax ka talaga sa lugar nila.
"Paano naman ang trabaho mo bud, at baka magtaka si Joey. Sa Bacolod na lang tayo magkita bud."_sabi ko.
"Mag li -leave din ako para sabay na tayo....pero teka lang bud, mukhang kay insan Joey ka yata na e excite. Paano naman ako?"_tanong pa nito.
"Sira, akala mo talaga sakin ganun na kababoy, kung kani kanino lang mag papakuwan. Siyempre miss ko na rin si Joey , masarap kaya pizza ng pinsan mo. Pero siyempre naman miss din kita, halos kada linggo ka kaya nandito. Malamang ma mimiss talaga kita bud."_sabi ko.
"Kailan kaba uuwi bud, susunduin na kita diyan para maka tipid ka sa pamasahe.?"_alok ni Web sa akin.
"Not sure pa,baka itong week. ...at hoy, bawal angkas ngayon. May pandemic , mag ba-bus na lang ako di kaya vhire." Tutol ko
Tumagal pa ang pag uusap namin ni Web sa linya, hanggang sa dinatnan na kami ng libog at natuloy kami sa phone sex. Kakatapos lang ng call namin ni Web at siya namang ring uli ng phone ko, si Marlou. Antok na ako sa oras na iyon at nangangalay na ang kamay, mahina na ang boses ko habang sinasagot si Marlou.
"Gha ,nakatulog kana ba, sorry nagising ba kita?...mag go goodnight lang naman sana ako sa iyo gha."_ang lambing talaga ni Marlou kabaliktaran sa ma angas niyang mukha.
"Kakaidlip lang gha...sorry ha kanina kapa ba tumatawag?"_
"Kanina pa nga gha, pero busy yata kanina. May tinatawagan ka pa bang iba?"_sabi nito.
"Ah oo gha, tumawag kasi ang boss ko...after zoom naka tulog na ako."_pagsisinungaling ko.
"Ok gha,pahinga kana diyan. I love you gha, miss na kita. Goodnight. "_huling salita pa ni Marlou.
Natagalan ako sa pag sagot kay Marlou...na guilty na naman ako sa mga kagaguhan ko.
"Ah I love you too gha and goodnight din. Miss you more."_ang kaplastikan kong sagot.
Sa totoo lang hindi ako nakatulog ng time na iyon inabutan na ako ng pag sikat ng araw kinabukasan pero hindi talaga ako nakatulog. Sa kakaisip sa mga pinag gagawa ko sa relasyon namin ni Marlou, sa mga kasinungalingan ko sa kanya ang pagtataksil ko sa kabutihan niya sa akin. Galit ako sa sarili ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang pigilan ang kalandian ko kay Web at mag focus na lang sa relasyon namin ni Marlou.
Mga ka brobars, alam kong mali ako, pero ano ba ang tama?
_____🖤sundan
BINABASA MO ANG
eXchange
RomanceSa kuwento ng pag ibig madalas napapatanong tayo. Saan ba tayo dadalhin ng kuwentong ito. At sa gitna ng ating pag sunod sa agos ng ating nararamdaman, hindi natin namamalayan ang mga pagbabago na magbibigay sa atin ng aral paalala. Na sa bawat hakb...