SHATTERED

63 4 0
                                    

Natigilan ako ng makitang si Marlou ang nasa labas ng bakuran nila Joey. Hindi ma ipinta ang mukha nitong naka titig sa nakapark na motor. Agad kong nilapitan si Marlou.

"Akala ko doon ang sa inyo?, bakit ka nandito?...yang motor ba yan ang naghatid sa iyo kanina? "_salubong na tanong nito.

"Bakit ka nandito? Akala ko umuwi kana?"_tanong ko din sa kanya.

"Bakit bawal ba ako dito? "_galit ang tuno ng boses ni Marlou.

Nakaramdam ako ng takot at hiya baka ano gawin nito kina Joey, at baka ma eskandalo kami.

"Halika,wag dito...please"_pakiusap ko.

"Hindi mo man lang ba ako ipapakila sa bagong member ng club?"_hindi ko na gusto ang tuno ng pananalita ni Marlou.

"Please lang wag ka gumawa ng eksena dito. Mag usap tayo ng tayo lang. "_pakiusap ko pa.

"Anong pag uusapan natin ?meron ba, ha gha?...at hindi ako gagawa ng eksena,nererespeto kita. Kaya lang kita sinundan kasi iba ang kutob ko sa kinikilos mo kanina. Magkasama tayo pero alam ko iba ang tumatakbo sa isipan mo. Well it turned out na tama ako. Ka ano ano mo ba ang nakatira diyan ? Kamag anak mo ba ang kamember ng club?"_pagsumbat ni nito sa akin.

"Kung ano man ito, nakikiusap ako sa iyo...umalis na tayo, hindi ito ang tamang lugar para sa atin nakaka disturbo tayo sa may bahay. So please umalis tayo dito."_pakiusap ko ulit.

Pero tila walang balak si Marlou na umalis, nasa labas lang kami ng bakuran nina Joey. Sa gilid ng kalsada. Pinakakalma ko ang aking sarili at emosiyon para di halatang nagtatalo kami ni Marlou.

"Nag tanong na ako kanina diyan sa tapat kung kaninong bahay ito, sabi noong ale kina Joel ito, kina Mark Joel Capuno, sa kumpare mo. Tama ba gha?...So magkakapit bahay lang din pala kayo, malamang halos araw araw magkasama kayo ng kumpare mo. Buti pa siya, nakakasama mo bawat oras na gusto mo. Ako kaya...kailan kaya kita masosolo?"_dugtong pa ni Marlou.

"Hindi na ako natutuwa sa iyo Marl,...hindi na tama itong ginagawa mo."_sabi ko

" sabi ko naman sa iyo diba, iba ako pag nag selos ang akin ,akin lang."_sabi nito at sumakay na ng kanyang motor, akmang susuot na ito ng helmet ng lumabas naman si Joey.

"Pre anong problema, brad magandang tanghali"_at binati ni Joey si Marlou.

"Ah eh ...wala naman pre may pinag uusapan lang kami...si kuwan pala pre..."_ipapakilala ko sana si Marlou kay Joey nang ...

"Marlou brad, boy friend ni gha Rhamboi..."_inabot ang kamay nito kay Joey para mag shake hands.

Nagulat naman ako nang sabihin iyon ni Marlou. Nakita nito ang reaksiyon ng mukha ko.

"Ano brad?,boyfriend ka nito.?"_nagulat ding tanong ni Joey.

" hahaha joke lang brad,...kaibigan ko lang itong si Ram,diba Ram? As in close kami parang ganito,kaya parang mag nobyo na kami niyan. Gha na nga tawag ko dito minsan eh...diba gha Ram.?"_alam kong iba ang pinupunto ng mga pananalitang iyon ni Marlou. Patango tango lang ako.hindi ko alam ang i sasagot ko.

"Bait din naman kasi nitong si Ram, kaya nga mahal ko itong kaibigan mo brad, Subrang bait "_sagot naman ni Joey kay Marlou.

"Ganun bah brad,swerte naman nitong kaibigan ko daladalawa ang nag mamahal. Sige brad...mauna na ako,may sinabi lang ako dito kay Ram,kaya hiniram ko muna saglit. Sa iyo na sya ulit brad"_at nag suot na ng helmet si Marlou.

"Pre Ram pasabayin mo na dito ang kaibigan mo,wala naman akong masyadong bisita. Brad baka gusto mo pumasok saglit...may kunting salo salo lang sa loob,birthday ko kasi ngayon..."_pag alok ni Joey kay Marlou.

eXchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon