STUPID MISTAKE

70 4 0
                                    

BAYLO(KAPALIT)8
STUPID MISTAKE

Mabilis pa sa alas kwatro,agad ako kumilos para puntahan ang hospital na kinaroroonan ni Marlou, napansin ni Joey na natataranta ako.

"Bakit pre?...anong nangyari?"_napabangon ito ng kama.

"Aalis na ako ,paki sabi na lang sa nanay mo na salamat,..at salamat din pre. Aalis na ako."_palabas na ako ng kuwarto.

Sumunod si Joey sa akin, na nag aalala din sa kinikilos ko.

"Ok ka lang pre,?...umiiyak kaba?...hatid na kita wala ng pumapasada sa labas mag aala una na ng umaga"_napansin nito ang panay pag punas ng kamay ko sa luha ko.

Ewan ko ,matik na tumulo na lang bigla ang mga luha sa mga mata ko,at ang kabog ng dib dib ko hindi ko ma explain. Kinakabahan ako. Wala akong ka ideya kung na pano si Marlou at kung bakit siya na hospital. Ibat ibang scenario ang nasa isip ko.

"Si Marlou...nasa hospital ngayon.  Kailangan ko siyang puntahan pre"_sabi ko.

"Iyong lalaking kausap mo  sa labas ng gate? Siya ba?...bakit? Ano daw ang nangyari?"_usisa ni Joey

"Hindi ko alam pero kinakabahan ako."_sabi ko.

Narinig ni Web ang usapan namin ni Joey at lumapit ito.

"Sinong na hospital insan?"_tanong ni Web

"Ang kaibigan nito, ang pumunta dito kaninang tanghali...na hospital daw? _sabi ni Joey.

"Saang hospital ba bud, hatid na kita. Mag bibihis lang ako."_alok ni Web.

"Mag pahinga kana dito insan ako na sasama kay Ram. Pre tayo na."_alok din ni Joey

"Ako na lang pre, bud...may kasama ako,susunduin ako dito ng kaibigan ko. Hihintayin ko na lang siya sa labas,salamat na lang at pasensiya sa estorbo. Bud salamat...pre Joey thank you."_lumabas ako at nag hintay kay Chris sa daan.

"Hello Chris, nasaan kana ,nasa labas na ako...sa bandang kaliwa sa may waiting shed malapit sa bakery."_ako habang kausap si Chris sa cellphone.

"Nakita na kita besh, "_si Chris

At pag para ng taxi agad na akong sumakay,...ng biglang tawag ng mag pinsan. Sinundan pala nila ako sa labas.

"Pre susunod kami ni insan."_si Joey habang nag aayos ng motor nito at naka helmet na.

Napatango na lang ako at umandar na ang taxi.

"Sino mga iyon beshewap? In fairness mukhang mga daks...ikaw ha dami mong sekretong malandi ka."_pag aasar ni Chris.

"Ano ba besh,wala ako sa mode makipag biruan ngayon. Kinakabahan na ako para kay Marlou."_sabi ko kay Chris

"Ok fine...Manong paki fast forward ng taxi, worried na worried na kasi itong kasama ko."_pag iinis pa ni Chris.

"Alam mo beshewap, na ko curious na ako sa iyo, I mean sa inyo ni Marlou, mag ano ba kayo at super taranta ka diyan? Nag aalala din ako for Him, pero hello beshe naman 12:45 in the morning pinahanap mo ako ng taxi para puntahan lang siya? Omg beshewap I smell something fishy."_pagtataka ni Chris.

"Ikaw na man kasi...sabi mo beshewap alert na diyan kasi nasa hospital si Marlou. Nataranta tuloy ako."_paliwanag ko.

" so ganun, so ako ang concern at dinamay lang kita? Ganun?...parang hindi mo pa ako kilala...beshewap tayo diba, for sure naman knows muna man the ako mag chat or text. Unless may gusto kang aminin sa akin. Meron ba beshewap?"_sa sitwasyon ngayon at sa nararamdaman kong takot at pangamba for Marlou. Kailangan ko ng isang balikat na puwede kong masandalan.

eXchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon