Pagkagising ko ay bumungad agad sa akin pagmumukha ng demonyeta kong kaibigan.
" Goshhh girl!! nakita ko si Virgolso kanina, nagtwerk"
Kakagising ko pa nga lang eh yun na agad lumabas sa bibig niya.
" Teka nga, paano mo nakita diba wala ka dito kasi nga umalis kayo ni Anthony"
" Yeah, umuwi naman kami agad, nung umuwi na kami papasok na sana ako sa room mo, pag open ko ng door dahan dahan, I saw him na nagttwerk habang tumatawa ka, kaya tinawag ko si Anthony tapos sabay namin kayong sinilip"
" Maxine ang ingay ingay mo, napakachismosa mo talaga" pagtataray ko.
" Ikaw naman kakagising mo pa nga lang nagtataray kana, tas girl I saw him hinalikan ka niya sa noo!! omg girl!!" hinampas hampas pa nito ang unan.
May kaibigan talaga tayo na mas kinikilig pa sa atin.
" Alam mo minsan ang sarap mo ibalibag"
" Taray mo girl huh napatwerk mo ba naman ang astig na katulad niya"
" Dzuhh ako lang to prenny"
" Oh btw future Mrs. Entasha Elvest nasa baba ang iyong future husband naghihintay kasi magdidinner na raw tayo"
" Kanina ka pa dumadaldal dyan hindi mo man lang sinabi na nandyan pa siya" saad ko at hinampas siya ng unan.
" Tara na nga!"
**
" How's my performance baby?" He asked.
Nagsilakihan ang mata ni Maxine at Anthony.
" May ginawa ba kayo nung wala kami?" pasulpot na tanong ni Maxine
" Nag-enjoy ka ba sa performance ko?" he asked again na may ngiti sakaniyang labi.
" Naku tigil tigilan mo ako Virgolso ha lilipad sayo tong kutsara na hawak hawak ko"
" Answer me Entasha, may nangyari sainyo?"
" Meron ba Tash just answer it!" isa pa tong si Anthony eh.
Ibang performance nasa utak nila, madami namang klase ng performance eh.
" Pag-untugin ko kaya yang ulo niyo ha? anong may nangyari utak niyo kahit kailan ang dumi" pikon kung saad.
" Nagtatanong lang naman ang highblood mo prenny"
"Che!"
" So how's my performance nga?"
Dahil sa sobrang inis ko ay nasagot ko na.
" Ang pangit ng performance mo! ang pangit ng twerk mo parang kabayo kana naninipa sa likod tapos yung pag giling mo daig pa ang worm na nilagyan ng asin!" gigil na gigil kong sagot.
" Grabe ka naman baby direct to the point" napakamot siya ng ulo.
" Atsaka wag mo akong mababy baby dyan kasi hindi mo ako anak che" pagtataray ko.
" Tama na yang pagbabangayan niyo let's eat" pag awat ni Anthony.
***
" Mauun na kami" pamamaalam ni Virgolso.
" Wala bang good bye kiss dyan?" saad ni Anthony kay Maxine.
" Oh ito kaldero kiskisin mo"
Ang taray ng kaibigan ko, pakiskisan ba naman ng kaldero.
" Eh ikaw baby wala ba akong goodbye kiss dyan?"
Ayaw magpatalo ng Virgolso ko ah.
" Ayang sasakyan kiskisin mo umalis na nga kayo gabi na" pagtataray ko.
" Bye" Anthony and Virgolso said.
"Bye!"
Sinara na namin ang gate at patalon talon na kaming pumasok sa bahay dahil sa kilig na bumabalot saamin.
" Nililigawan ako ni Anthony! sorry for not telling you, busy kasi kayo ni Virgolso eh"
" Ayy wala to, nakakatampo naglilihim kana sa akin"
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at sabay sabi " Prenny hindi ako naglihim sayo okay? balak ko talagang sabihin sayo pero hindi ko muna kayo ginulo ni Virgolso"
"Teka girl kayo na ba ni Virgolso? he kissed you lately what does mean?" she asked.
"H-h-huh? wala yun kiss as a friend"
" Oiii ikaw ha akala ko ba di ka papatol sa isang hambog pero look mo naman ngayon" she laughed ng sobra sobra.
" Tara na nga let's sleep again, inaantok na ako" pag-aya ko sakaniya.
" Goodnight!"
" Goodnight my dear bestie"!
***
Bago ako matulog inopen ko muna ang laptop ko para lang sana ayusin ang tingnan ko yung mga memories namin nila mommy at daddy.
Na-aalala ko nung 8th birthday ko nagcelebrate kami ng birthday ko ang saya saya namin kasi syempre buong buo pa. Kung alam ko lang na yun na pala ang huling birthday na makakasama ko sila sana mas binonggahan pa namin yung celebration.
Naunang nawala si daddy dahil sa sakit sa puso, inatake siya sa company pero kahit ni isa walang tumulong sakaniya kaya natuluyan hindi naagapan.
Sumunod si mommy dahil sa sobrang pangungulila niya kay daddy at gusto niya na sumama lagi niyang hinihiling na sunduin siya ni daddy kaya biglang nawalan siya ng buhay kinabukasan, hindi nalaman sa anong kadahilanan.
Naiwan lang ako sa ninang ko na nagsilbing pangalawang ina ko pero pati rin siya nawala kaya ito ako mag-isa. Buti nalang dumating sa buhay ko si Maxine, siya nalang ang naging pamilya ko.
Kaya nasabi ko na minsan talaga may tao tayong gustong bumalik pero hindi na pwede.
Ang memorya ay manataling memorya lang.
Hindi madaling lumimot pero kung kakayanin mo, kayang kaya mo!
8 years old ako na nawala sila, ngayon 23 years old na ako pero ang alala nandito parin sa puso ko.
Makalimutan ko na ang lahat wag lang ang mga ala ala ko kina mommy at daddy.
Sila ang kayamanan na iniyakan kong nawala sa akin, dahil hindi lang sila basta basta kayamanan sa akin, sila ay ang biyaya na binigay ni God.
Bago ko sinirado ang laptop hinalikan ko muna ang kanilang mga litrato.
" I miss you both, goodnight mom and dad".
****
" Edi bumalik ka sa Akrilla mo! huwag kana magpapakita sa akin!"
" Hindi mo kayang mawala ako Entasha alam ko"
"Kayang kaya ko! hindi kita kailangan! ayaw ko na sa pagmamahal mo dahil ang pagmamahal mo na yan ang sakit sakit! dinurog ako ng pagmamahal mo!" I shouted
" Entasha, let's try again baka kaya ko ng mahalin ka"
" Wow! wow! ano tingin mo sa akin imaayos na laruan? susubukan kung gagana? napakagaling mo Nillo! "
" Gagawin ko lahat para matutunan na mahalin ka, isa pang pagkakataon" habang hinahawakan niya ang kamay ko.
Kinuha ko ang kamay ko sa mga palad niya.
" Wala na! ayaw ko na! mahal kita pero ayaw ko na magpakatanga at magkapabobo dahil sayo!"
" Entasha! Entasha! wake up!" Pag gising sa akin ni Maxine.
" Nanaginip ka, pawis na pawis ka oh umupo ka nga muna"
" Napanaginipan ko nanaman si Nillo, kahit sa panaginip ayaw akong hayaan, nakakapagod na ng ganito Max" saad ko habang humihikbi.
" Tabi nalang tayo dito sasamahan kitang matulog"
Magkatabi kaming matulog magdamag. Ganito ang pakiramdam nang may totoo kang kaibigan na parang kapatid mo na.

YOU ARE READING
Wrong Timing
Romance•About• Entasha Vellestaña: Isang babae na natiling nakakulong sakaniyang masakit na nakaraan at takot na rin ito magmahal dahil sa trauma na binigay ng kaniyang nakaraan. Ngunit nagbago ang lahat dahil sa isang lalakeng engineer na sumagip sakaniya...