WT8

16 3 0
                                    

Virgolso Pov:

Nagsiinuman kami ngayon ng mga aso ko, minsan lang to kaya sinulit sulit na namin.

" Oh Aronash ikaw na, kami lasing na ikaw hindi ka pa dahil hindi ka pa umiinom ng kahit ni isang baso" pagbigay ko ng baso niya sakaniya.

Tig-iisang baso kami dahil pareho kaming maarte.

Ininom niya ang binigay kong baso na may laman na alak.

Tatlong case na ang naubos namin pero gising na gising parin ang mga kaluluwang meron kami.

" Cheers " sabay sa pagtaas ng aming mga baso.

Iinumin ko na sana ang alak nang bigla akong hinalikan ni Zelezie, agad agad ko siyang tinulak papalayo.

" Wtf! ano bang problema mo bat pumasok sa utak mong halikan ako! " galit na galit kong saad.

" Alam mong gusto kita Virgolso! pero bakit si Entasha nagustohan mo!" she shouted.

" Dahil hindi kita mahal! mahal kita bilang kaibigan at parang kapatid ko! nahihibang kana ba! mas lasing ka pa ata sa aming umiinom eh!" sagot ko sakanya while pointing her.

" Nandito ako pero mas gusto mo yung bago mo lang nakilala! wtf Virgolso!"

" Nandito ka nga pero oo mahal kita bilang kaibigan at parang kapatid ko na, mahirap ba intindihin yun?"

" Oo mahirap, dahil hindi ko mawari kung bakit siya, bakit? pareho naman kaming babae ah!"

"Oo pareho kayong babae! ang pinagkaiba lang my heart want her, only her."

" Napakaselfish mo! sana hindi kayo maging masaya!"

" Get out! I don't want to see your face right now! "

Galit na galit kong utos. Noon pa man gusto niya na ako pero hindi ko siya kayang mahalin dahil parang kapatid ko na siya. Muntikan ko na siyang patulan dahil naghubad siya sa harap ko para lang makuha ako. Pero pinigilan ko ang sarili ko, kaya walang nangyari.

Tumayo si Aronash at nilapitan ako.

" Dude nasaktan mo siya"

" I don't care! all of you get out!"

Kapag galit ako nadadamay lahat at naiintindihan nila iyon. Kahit ganito ako never nila akong ginagago habang nakatalikod.

Kahit ganon si Zelezie minahal ng buong tropa yun pero hindi rin maitanggi na kahit sino nalang pupunteryahin niya, kahit sino aakitin niya siguro nga kung hind siya tropa at kakakilala ng tropa ko siguro may isa na sa tropa ko na gumalaw sakaniya dahil sa kaharutan na meron siya.

Sorry for my words Zelezie pero sumusobra kana, hindi na tama ang ginagawa mo.

Napabuntong hininga ako at napaupo.

" I'm sorry Entasha, hindi ko ginusto ang halik na iyon" sabi ko sa sarili ko, kahit hindi pa kami sakaniya lang ang buong loyalty ko.
  
Kinuha ko ang motor ko at lumabas, nagpatakbo ako ng mabilis dahil sa init ng ulo ko, ganito ako kapag galit dinadaan sa pagpalipad ng kahit anong sasakyan.

Hindi kita gustong saktan Zelezie pero hindi kita mamahalin na higit pa sa kaibigan! si Entasha ang mahal ko not you!

Kinabahan ako bigla dahil nawalan ng
brake ang motor ko. Nagpapanic na ako kasi alam ko kung saan to patungo.

Bumangga ako sa isang madamo na lugar hindi ko alam kung saan banda dahil nawalan rin ng light ang motor ko. Gasgas lang tinamo ko at sugat sa aking mga binti.

                                  **
Gumising ako na nasa hopsital na at nasa tabi ko si Zelezie, inalagaan niya ako habang tulog.

" Are you okay? kamusta na ang pakiramdam mo? do you want something?" she asked

" Huwag mo muna sabihin kay Entasha o kahit sino man sainyo alam kung mag-aalala iyon"

Kilala ko si Entasha kahit maikling panahon pa kami nagsama, grabe iyon kung mag-alala at hindi siya napapakali.

Kahit hindi pa siya akin sigurado na ako na siya ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa huli kong hininga sa mundo.

" Kahit sa ganiyang kalagayan mo si Entasha parin iniisip mo!"

" Because I love her"

" Umalis kana muna kung ganiyan ang iaasal mo sa akin"

Naappreciate ko naman ang pag-aalaga niya pero kung kaibigan lang, hanggang dun lang wag na higitan pa.

Paninindigan ko ang pagiging kaibigan namin, dun kami nagsimula at dun din kami magtatapos.

Ayaw ko sa babae na siya pa mismo ang naghahabol sa lalake, ang babae ginagawang prinsesa hindi ginagawang aso para maghabol.

Napabuntong hininga ako sa lahat ng mga sinabi ko sa sarili ko.

Biglang dumating ang doctor ko.

" Hindi ba masakit ang ulo mo?

" Hindi naman doc maayos naman"

" Hindi ka pa lalabas, apat na araw ka dito at kapag may mapapansin kaming hindi tama eextend natin ang pagsstay mo rito"

" Okay doc salamat."

Haytsss kung hindi lang sana ako nagpadala sa init ng ulo ko wala sana ako dito ngayon.

Alam ko na hindi madaling ihandle si Entasha dahil sakaniyang trauma, hind niya pa nasabi but I already knew everything, inalam ko lahat lahat sa kaibigan niya.

Hindi siya mahirap mahalin dahil napakadisente at bait niya dagdag pa natin iyong pagiging maganda, matapang at madiskarte niya.

Bilib ako sa babaeng iyon, sobrang bilib kaya hindi ko mawari kung bakit nagawa pa siyang saktan ng lalakeng dahilan ng trauma niya. Napakainosente niyang babae.

Alam kong nasasaktan si Zelezie pero nagpakatotoo lang ako sakaniya para na rin mawari niyang wala siyang aasahan from me.

" Dude, papunta na kami dyan" Brenz messaged.

" Buti naman at naisipan niyo yan huh akala ko hindi niyo na ako bibisitahin eh dahil sa nangyari kagabi.

" Dude kaibigan mo kami, kilalang kilala kana namin kaya naiintindihan mamin sa tuwing nagkakaganon ka"

Napangiti ako habang binabasa ang mensaheng iyon.

" Corny mo dude, pumunta nalang kayo dito ang dami mo pang sinasabi"

"May house project pa pala ako, hindi ako pwedeng magtagal sa hopsital na ito" sabi ko sa sarili ko.

" Dude paki asikaso agad ng papers ko rito sa hopsital lalabas na ako"

" Pero dude hindi pa pwede dahil hindi ka pa magaling"

" Kaya ko na, okay na ako dude may project pa akong dapat tapusin" I replied.

" Okay okay, aasikasohin ko agad agad"

Wala nang Ibang mag aasikaso kundi silang mga kaibigan ko.

Binaba ko na ang phone ko at humiga ng maayos.

I miss her so much, kahit inutusan niya akong magtwerk at ginawang tanga mahal na mahal ko parin.

Walang kahit ni sino ang makapagpa-bago.

Saad ko sa aking sarili ni hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako.

                              

Wrong TimingWhere stories live. Discover now