WT10

14 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa likod ng bahay niya, sa bakanteng lote.

Nakahiga kami habang may nakalapag ulit na bedsheet at may dala dalang telescope.

Pinagmamasdan namin kung gaano kaganda ang bituin at buwan, sobrang tahimik at tanging kaming dalawa lang habang inienjoy ang masayang moment.

" Nakita mo yang mga bituin ang dami dami diba?" Saad niya

" Oo madami, kaya nga sobrang gandang pagmasdan"

" Madaming bituin pero ikaw lang ang bituin na gusto ko, kung ako yung buwan tapos isa kang bituin, pilitin kong makalapit sa isang sobrang napakagandang bituin "

" Eh? paano mo ako mahahanap sa milyong bituin ba naman ang nasa langit" sagot ko.

" Mahahanap at mahahanap kita, gaya ngayon milyong babae nasa mundo pero nahanap kita, dahil nag iisa ka lang "

Sa mga sinabi niya naantig ako, na tila ba parang nasa isang pelikula kami dahil sa sinabi niya.

" Nag iisa raw ako pero sampung babae pala ang meron ka tsk "

" Magiging sampu babae ko kung magiging sampu ka rin" sagot niya.

Lagi talagang nakakalusot kapag isang Engineer. Virgolso Elvest ang kasagutan mo.

" Heh! badoy mo naman"

" Badoy daw, ayos lang atleast diba interesado ka sa talong ng isang badoy"

" Anong interesado sa talong mo?! whoii alam nating pareho na dare yun ni Maxine!" saad ko sabay sa paghampas ng kaniyang dibdib.

" Oh nagtanong ka parin means gusto mo rin malaman kung malake talong ko"

" No need to ask you naman na kasi halata namang maliit yan" depensa ko.

" Tara subukan nating ipasok dyan sayo, maliit? baka kapag pinasok at pinakain ko to sayo aaray aray ka at mabilaukan ka"

Sabi ko na nga ba ayaw magpapatalo eh.

" Ewww!! dugyot! wala akong pakealam kung malake yan o maliit hindi ako interesado" pagtataray ko.

"Wala raw pakealam pero gusto malaman kung malake ba" saad niya sinabayan niya pa ng pagtawa.

"Eh kung sapakin kita ngayon na?"

" Huwag kang ganiyan ang liit mo pa naman"

" Oh tapos? bat nadamay height ko huh? dyan kana nga!"

Tumayo ako at aalis na sana nang bigla niya akong hinila at hiniga pabalik.

Kinuha niya ang telescope at binigay sa akin.

" Tingnan mo kung gaano kaganda ang mga bituin, pagmasdan mo habang nandyan pa sila" seryoso niyang saad.

Kay ganda ng mga bituin ito ang unang beses na pinagmasdan ko sila na may kasamang lalake.

Bastos ang bunganga niya pero hindi niya magagawang bastusin ako ng totohanan gaya ng mga sinasabi niya.

Nakuha niya ang loob ko, dahil sa totoo lang hindi siya mahirap mahalin, nasa kaniya ang mga katangian na halos hinahanap ng mga babae. So lucky for having him.

Virgolso Pov:

Habang siya ay nakatingala sa langit, ako naman ay nakatingin sakaniya kitang kita ko sakaniyang mga labi ang pagngiti. She's perfect pero hindi ko mawari kung bakit nagawa pa siyang lokohin ng nakaraan niya.

" Masaya ka ba?" I asked kahit alam kong masaya siya gusto ko lang na sakaniya mismo nang galing.

Humarap siya sa akin at ngumiti.

Wrong TimingWhere stories live. Discover now