" Paano kung kagaya lang din pala siya ni Nillo? na kapag dadating sa magulong situation hindi niya rin ako kayang piliin" saad ko kay Maxine habang nakahiga sa balikat niya.
Ang hirap mag tiwala ulit.
" Tash, hindi kita masisi kung nahihirapan kang magtiwala kasi alam ko ang pinagdaan mo, malala ang dinulot niya sayo" she said habang hinahaplos likod ko.
" Thank you kasi lagi kang nandito "
" Sino pa ba ang magdadamayan at magkakampihan? wala ng iba kundi tayo tayo nalang, Tash kapatid kita hindi lang tayo magkadugo"
" Let's watch cine mamaya gusto mo?"
" Sure! yan ang hinihintay ko sayo eh" sagot ko.
" Don't be sad na okay? hindi karapat dapat iyakan si Nillo, he don't deserve your tears " saad niya sa akin sabay nito ang pagngiti.
Napangiti na lamang ako at sumandal ulit sa balikat niya.
" Shhhh Tash, balang araw makakalaya ka rin sa nakaraaan mo, nandito lang ako lagi para sayo kung walang magmamahal sayong lalake nandito ako hindi mo kailangan ng pekeng pagmamahal nila"
Ang saya saya sa pakiramdaman na magkaroon ng ganitong klaseng kaibigan.
" Thank you " I hug her tightly dahil sa tuwa na nadama ko.
Patuloy niyang hinahaplos likod ko dahil ito ang paraan niya para pakalmahin ako.
" Huwag na umiyak Tash dahil lang sakaniya dahil hindi siya karapat dapat iyakan"
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya habang ang luha ko hindi mapigilan.
Unti-unti nang nakukuha ni Virgolso ang tiwala ko pero nandito parin ang takot na bumabalot sa buong pagkatao ko, sa buong ako.
Natatakot ako na baka gagawin niya rin ang ginawa ni Nillo kapag mabigyan ko siya ng pag-asa.
" Prenny, bakit hindi mo kayang kumawala sa nakaraan mo? she asked habang patuloy na hinahaplos likod ko.
" Kasi prenny ang hirap eh sobrang hirap, kapag mag isa lang ako bumabalik lahat, alam mo yun bigla nalang papasok sa utak mo lahat lahat ng masakit na ginawa niya,yung masasayang memories may araw din na namimiss ko siya. Never kong naranasan sa iba yung pinaranas niya sa akin, tinrato niya naman ako ng tama pero lahat ng iyon pakitang tao lang. Sa lahat din ng bagay siya ang na-aalala ko kaya sobrang hirap kumawala sa patibong niya" Mahinang boses na pagkasagot ko.
" Gaano mo siya minahal bakit kahit sobrang tagal na nun nandyan ka parin sa nakaraan niyo"
" Walang salita o percent ang makakasabi kung gaano ko siya minahal, I love him more than I love myself sa sobrang pagmamahal ko nalunod na ako, sa sobrang pagmamahal ko sakaniya nadurog ako.
" Dinurog ka pala niya eh bakit hindi mo buohin ulit?"
" Ang hirap buohin ang nadurog na prenny, kung ang baso nga kapag nabasag mahirap buohin ulit eh yung nadurog pa kaya" I answered.
" Paano mo mapagaling yang sugat sa puso mo kung hindi mo tutulungan sarili mo na makawala sa nakaraan"
" Paano ba pagalingin prenny? magtatanong ako kung may rights mend ba ito? huwag daw mahiyang magtanong eh or lagyan natin ng band aid yung sugat prenny baka hindi na masakit"
" Ikaw puro ka kalokohan" saad niya.
" Biro lang naman eh"
**
Jusko!Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at nandito ako sa convenience store, wala akong dalang payong dahil biglaan lang ang ulan.
Nanatili akong nakatayo habang hinihintay na tumila ang ulan.
Ring.....
Tunog ng aking cellphone"Hello max? napatawag ka?"
" Ang lakas ng ulan may payong ka bang dala?" tanong niya.
" Wala eh"
" Sige, wait for me susunduin kita wag kang magpabasa magkakasakit ka nyan.
Hindi lang siya naging kaibigan sa akin kundi naging nanay at tatay pa sa akin.
Nakayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang ginaw.
Nang may biglang may huminto na sasakyan at iyon ay sasakyan ni Virgolso.
Bumaba siya na may dala dalang payong at jacket.
" Pumunta ako sainyo pero wala ka roon, sabi ni Maxine nandito ka sa convenience kaya ako na ang sumundo sayo.
" Teka! anong nangyari dyan sa kamay mo bakit madaming gasgas yan huh anong kalokohan nanaman ginawa mo!" Panasin ko dahil naka white t-shirt lamang ang suot niya.
Sinuot niya sa akin ang kaniyang kulay itim na jacket at sabay na hinawakan ang kamay ko.
" Tara na, huwag kana magtanong pa " sabay nito ang paghalik niya sa noo ko.
Tumango na lamang ako.
" She kissed me" biglang saad niya habang nasa kotse kami.
"Sino?"
" Zelezie, pero hindi ko iyon ginusto "
" Ah okay lang" maikling sagot ko
Bigla nyang tinigil ang sasakyan sabay nito ang pagyakap sa akin.
" I'm sorry, hindi ko talaga yun ginusto, nabigla rin ako " hinang saad niya.
" Shhh wala yun okay?"
Wala naman akong karapatan magalit dahil hindi ko siya pagmamay-ari pero medyo nasaktan ako sa puntong iyon.
" Sa bahay ka magsstay ngayon okay? dun kita iuuwi"
" P-p-pero"
"Wala ng pero pero sa ayaw at sa gusto mo sa bahay magsstay" he smiled at sabay nito ang paghalik niya sa aking noo
Hindi na ako umangal pa.
***
"Tash ito oh t-shirt over size to" pag abot niya sa'kin para makapagbihis n." Thank you"
" Labas muna ako para makapagbihis kana"
Tumango nalang ako.
Kung hindi mo siya kilala iisipin mo talagang masama siyang tao dahil na rin sakaniyang pormahan. But he is a good guy.
Hindi ko matanggal ang strap ng bra ko ewan ko kung bakit, kailangan kong hubarin ang bra ko.
" Virgolso!" tawag ko sakaniya
" Yes tasha? may problema ba?"
" Ayaw matanggal ng bra ko, pakitanggal ng lock" sagot ko.
" Huh eh ano, b-b-bakit" halatang kabado bente.
" Ayaw nga matanggal"
" Okay fine, pasok na ako?"
" Oo, pasok kana"
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at takip takip niya pa ang kaniyang dalawang mata.
" Ginagawa mo?"
" Syempre, wala kang suot na damit kaya kailangan kong takpan mga mata ko baka matinag ako sa mainit at maganda mong pangangatawan"
Maginoo na medyo bastos pala to eh.
" Heh! tatangalin mo lang naman lock ng bra ko"
" Ito na nakatalikod na ako, buksan mo nga yang mga mata mo para makita mo yung lock"
Ramdam ko panginginig ng kaniyang kamay, pinatanggal ko ang lock dahil nasisikipan ako.
" Tapos na, akit na akit na akong halikan leeg mo kaya lalabas na ako"
Maginoong bastos nga talaga.
" Btw tash after that baba ka may inihanda ako.
" Susunod ako" ngiting sagot ko.
YOU ARE READING
Wrong Timing
Romance•About• Entasha Vellestaña: Isang babae na natiling nakakulong sakaniyang masakit na nakaraan at takot na rin ito magmahal dahil sa trauma na binigay ng kaniyang nakaraan. Ngunit nagbago ang lahat dahil sa isang lalakeng engineer na sumagip sakaniya...