WT2 FRIENDSHIP

35 3 0
                                        

While nakahiga ako biglang dumating ang pinaka-matalik kong kaibigan para gulohin ang buhay ko.

Tumalon siya sa kama ko na parang bata.

May kaibigan talaga tayo na daig pa ang elemento kung gulohin buhay mo.

"Prenny may foods ka ba dito? nagugutom ako!" She said habang tumatalon

"Mukha ba akong grocery store huh Maxine? atsaka tumigil ka nga kakatalon mo riyan parang kang palaka"

" Hindi ka grocery store prenny pero siguro nasa play store ka, hindi ka lang pinaglaruan, ipinagsabay pa. Tapos buburahin ka nalang kapag hindi na kailangan hehehe" Pang aasar ko sa pinakamamahal kong Entasha, may pangiti ngiti pa ako para mas lalo siyang mapikon.

Minsan mapapasabi nalang talaga ako kung kaibigan ko ba talaga to o kaaway.

Ganon kami magbardagulan, totohanan.

" Hoy hoy Maxine! gusto mo bang lagyan ko ng shoes glue yang bunganga mo ha." Hindi ako galit, hindi kami nag-aaway sadyang ganon lang kami magkaibigan.

"Ikaw naman prenny hindi mabiro oh dali na ipagluto mo na ako"

" Aba aba Maxine parang gusto mo atang pagsilbihan kita ah" Hinampas ko siya ng unan dalawang beses.

" Wala ka namang boyfriend Entasha kaya imbes na maling tao ang pagsilbihan mo, ako nalang na kaibigan mo ang pagsilbihan mo maganda na nga mahal ka pa, hindi ka pa lugi." Hinampas ko sya ng unan pabalik.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kaibigan kong ito.

Bigla akong natahimik dahil naalala ko ang nakita ko kanina sa Mercelis coffee shop. Bumalik saakin lahat lahat. Kaya hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Lagi bumabalik sa akin ang nakaraan.

                         *Flashback*

" Alam mo kung anong mas masakit Nillo? bawat I love you mo sa'kin kasinungalingan pala kasi kahit saglit hindi mo naman pala ako minahal. Bawat pag-aalala at pag aalaga mo sa akin pakitang tao lang pala." Bawat patak ng aking mga luha pinupunasan ko.

" Sinubukan kong mahalin ka pero hindi ko kayang turuan ang puso kong mahalin ka kung sa lahat ng bagay, sa lahat ng ginagawa ko siya ang na-aalala ko."

Sinampal ko siya ng napakalakas, kulang pa ang isang sampal sa milyong sakit na binigay nya sa'kin.

" Hindi ka nalang sana pumasok sa buhay ko kung hindi mo rin naman pala ako kayang mahalin! hindi ka na sana pumasok sa buhay ko kung hindi ka pa pala magaling dahil hindi ako gamot para pagalingin ka"

Tumalikod ako at pinunasan ko ang mga luha na pumapatak sa dalawang mata ko at dahan dahan naglakad palayo sakaniya.

"I'm sorry Entasha I can't love you" Saad ko sa aking sarili habang lumakad sya palayo sa akin. Hindi ko namalayan na may luha na palang pumapatak galing sa mga mata ko.

"Entasha!! why are you crying? Is there something wrong? " Tumabi ako sakaniya at pinupunasan ang kanyang luha sabay ang pagyakap sakaniya. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang lungkot dahil sa paghagulgol nito sa pag iyak.

" Bakit ganon Maxine ang tagal tagal na nun pero bumabalik parin ang memorya ko sa masakit na nakaraan namin. " I said, while hugging her.

" Entasha hindi ka makakawala sa nakaraan mo kung panatalihing kinukulong mo ang sarili mo sa nakaraan niyo " Sabi ko sakanya habang hinahaplos ang kaniyang likod. "Shhh don't cry na okay? I'm always here for you"

"Entasha? Entasha? okay kana ba?" Nagtaka ako dahil hindi na siya sumasagot pa.

Dahan dahan kong kinuha ang ulo niya sa balikat ko, nakatulog na pala ito. Kawawa ang kaibigan kong ito lagi nalang may luhang lumalabas sa mga mata niya.

Ganito talaga si Entasha kapag pagod siya, stress at madaming iniisip nakakatulog nalang siya bigla.

Dahan dahan ko siyang hiniga sa kama niya sabay rito ang pagpunas muli sakaniyang luha.

" Prenny, baba lang ako ha ipagluluto kita para pagkagising mo makakain kana" I whispered, sabay haplos sakaniyang noo.

**

"Maxine? prenny? Maxine?" Hinanap ko siya agad pagkagising ko.

Bumaba ako para sana uminom ng tubig, pababa pa lamang ako na-amoy ko na ang bango ng pagkain.

"Entasha come, come kain na tayo ipinagluto kita, wag kana magreklamo kung hindi masarap ha ang important masarap ang nagluto" Ngiti kong pagbungad sakanya

"Ang bait bait mo naman nakalunok ka ba ng bato ni kabaitan?"

" Heh! kumain kana nga lang riyan!" Pagtataray ko.

" Nga pala Max samahan mo ako mamaya pupunta tayo sa mall may bibilhin lang ako."

"Sure Tash, kung hindi lang kita mahal papabayaan kitang mag-isa"

"Let's eat na nga lang"

                             **

Nandito na kami sa mall na puntahan namin, pagkatapos namin kumain ay nag ayos kami agad at umalis.

"Hello ma'am, ano po bang klaseng dress hinahanap niyo?"

" Ito po ma'am fitting dress, na may diamonds design fit na fit po sainyong dalawa. Or ito po, plain red fitting dress. Fit na fit po ito sainyo" Pambubula ng sale lady.

" Hi " Malamig na boses ang pumungay sa akin, tumalikod ako para tingnan kung sino iyon.

"W-wait, you again! Are you stalking me ha? or don't tell me bibili ka ng dress para sayo, hindi mo man lang sinabi na gay ka pala. " I said

Lumapit siya at pumantay sa mukha ko.

"Gusto mo dalhin kita sa kama? papatunayan ko lang na lalake ako" Sabay hawak sakaniyang namumulang pisnge.

"Ano tingin mo sa kin bayaran? lumayo ka nga sa'kin! " I pouted

" Ano tingin ko sayo? tingin ko sayo babaeng mapapangasawa ko nalang araw" Sabay nito ang aking pagkindat

"Crazy! kakakita lang natin kahapon tapos sasabihin mo yan"

" Yes, I'm crazy because you made me crazy" Bulong ko sakaniya

"Miss bibili po ba kayo o hindi? pwede niyo po sa hotel o motel gawin yan" Sales lady said

" Entasha let's go, huwag mo na pansinin ang baliw na lalakeng iyan" Pag-aya ng kaibigan ko na umalis na.

Tinulak ko siya para siya ay lumayo sa'kin.

" I don't want to see you again! I hate you! " I shouted

" Yan din ang sinabi mo sa akin kahapon, but look now nandito ako sa harap mo." Sinamahan ko ng pagtawa at inilagay ko ang aking kamay sa dalawa kong bulsa.

" Hoy lalake tigil tigilan mo ang kaibigan ko ha! " Maxine said

" Ede ikaw nalang" Pamilosopo kong sagot

" Never!"

                                ***

"Hindi tuloy tayo nakabili ng dress gagamitin ko sana yun mamaya may pupuntahan akong party, I mean tayo. " Nakasimangot kong sabi kay Maxine

" It's okay Tasha, madami ka namang magagandang damit e maghahanap nalang tayo sa damitan mo okay?" Saad ko sabay ang pagtapik ng kanyang balikat

Nakasimangot parin ako dahil sa sobrang inis ko.

" Saan mo ba nakita yun huh?" tanong ni Maxine

" Nakabanggan lang namin kahapon, pano ba kasi lasing kaya ayun"

" Pero prenny bagay kayo, oiii ikaw ha baka isang araw malaman laman kong kayo na pala. " Pang aasar ko

" Naku Maxine tigil tigilan mo ako huh!"

" Entasha ibibigay kita sakaniya kapalit 2M syempre mahal ka eh hahahaha"

" Eh kung yung 2M na yun ibili ko ng bomba lahat para ipasabog sa bunganga mo" sabay nito ang pagtalikod sakaniya

" Huwag kang magtampo walang manunuyo sayo baka nakalimutan mo" Tinatawanan ko pa ito.

Dyan kana nga!

Haytss napaka pikunin talaga.

Wrong TimingWhere stories live. Discover now