" Alam kong gutom na kayo ladies saan niyo gusto kumain?" tanong ni Virgolso sa amin.
" Kahit saan basta may pagkain" sagot ko.
" Sa Castiliana restaurant tayo dude masarap mga pagkain dun" siggestion ni Anthony.
" Huwag dun kahit saan basta huwag dun" pagtutol ni Maxine.
" Ohh sige sa korean restaurant"
" Ayaw ko dun" pagreklamo ko.
" Ano ba talaga huh? kumain nalang tayo ng pizza total parang pizza naman utak niyong mga babae, pagkabili mo ng pizza hugis square ang lalagyan, pagbukas mo hugis bilog ang laman pagkinain mo naging rectangle, ganon kagulo utak niyong mga babae" saad ni Virgolso.
Tinarayan ko lang si Virgolso dahil tamang tama kami sa sinabi niya.
" Kayong mga babae ang gulo ng utak niyo, daig niyo pa baliw sa kalsada sa kagulohan ng utak niyo" pagsingit ni Anthony habang nakaharap sa'min.
" Aba ba kayong mga lalake magulo rin utak niyo nu! maypasabi sabi pa kayong nag iisa lang kami sa buhay niyo tapos biglang nagbago utak niyo kaya naging lima na kami " pagtataray ni Maxine.
I crossed my arms at sinamaan ng tingin si Virgolso.
Napansin ni Virgolso na pikon na ako, he stop the car at agad siyang lumabas sa kotse at pumunta sa backseat para tabihan ako. Si Anthony at Virgolso kasi nasa front seat.
" Max pwede bang magpalit tayo? Virgolso asked.
" Sinong magmamaneho ako? no." pataray na sagot ni Maxine.
" Si Anthony ang magmamaneho"
" Lord sana-" pagputol sa sasabihin ni Anthony.
" Anong sana? nagrereklamo kana ata eh" saad ni Maxine
" Lord salamat po pala sa mahabang pasensya"
Medyo natawa ako sa sinabi ni Anthony, hindi naman halata na under siya.
Habang nasa kotse kami patuloy ang panunuyo ni Virgolso.
" I'm sorry napakapikunin mo naman, nagbibiruan lang naman tayo ah"
Tinalikuran ko siya ng pataray.
Dumating kami sa Castiliana restaurant nang walang kahit ano mang imik, tahimik kaming apat.
**
" What do you want to eat Tash? Virgolso asked me.
Ewan ko ba kung bakit bigla akong naging emosyonal, bigla nalang akong nalungkot at sobrang bigat ng naramdaman ko. Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha kaya agad akong tumayo at tumakbo palabas.
" Tasha!!" Virgolso called me at sabay nito ang pagsunod sa akin.
" Why? what happened? may nagawa ba ako? hinawakan niya ang dalawang pisngi ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.
" Wala kang nagawang mali, just leave me alone!!!" I shouted, I don't know what happened to me bigla nalang ako naging emotion without knowing the reason.
" Entasha look! kahit itaboy mo pa ako hinding hindi ako aalis, kahit itaboy mo ako hinding hinding kita pabayaan. Ayaw kong wala ako sa tabi mo sa mga oras na ganito ka, magalit kana kung gusto mo pero hinding hindi ako aalis" saad niya habang rinig na rinig niya ang aking hikbi.
Ang bigat ng pakiramdam ko na tila ba parang may dinadamdam ako na hindi ko alam kung ano iyon.
" Alam ko namang ngayon lang yan eh! iiwan mo rin ako kapag tumagal tagal na kasi ganon naman talaga kayo! mang iiwan tapos sisihin ako kung bakit nangyari iyon" dahil sa emotion ko hindi ko na alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko.
Bigla niya akong niyakap at hinaplos ang likod ko.
" Tash alam kong galing ka sa masasakit na nakaraan, that's why I'm here for you hindi kita iiwan kahit guguho man ang lupang kinatayuan ko. Kung papayag ka lang na magpakasal sa'kin ngayon, magpapakasal talaga tayo ngayon mismo para hindi kana mawala pa sa'kin. Hinding hindi kita iiwan, always remember that. " saad niya hindi ko na namalayang lumuluha na pala siya.
" Ganiyan na ganiyan din ang sinabi niya sa akin noon, walang pinagkaiba " saad ko pabalik.
" Let's say na pareho kami ng sinabi pero Tash hindi ako siya, totoo ako sayo while him hindi"
" Sinabi niya rin sa'kin yan! pero look nasan yung sinabi niya, nasaan na yan? nawala!" I shouted.
" Baby, calm down please, don't be like that nag-aalala ako sayo baka mayamaya hihimatayin ka"
" Just leave me alone!!!!!!!" I shouted habang patuloy na bumagsak ang mga luha ko.
Tinulak tulak ko siya para lang umalis.
" Alis na! alis! umalis kana!!! iwan mo na ako!!"
Pero kahit anong pagpaalis ko sakaniya hindi siya umalis, hindi siya humakbang kahit isang hakbang man lang.
" Kahit patayin mo pa ako dito Tash hinding hindi ako aalis, papanindigan ko ang sinabe kong hindi kita iiwan, hindi ako aalis at hindi ako mawawala sayo." he said.
" Sabing alis!! I don't need you! kaya ko mag-isa, kaya ko sarili ko!"
Hindi ko nacontrol ang mga nasasabi ko, kung anong lalabas galing sa bibig ko edi yun.
Kumuha siya ng iilang bato at binigay sa'kin.
" Gusto mo ng maypaglabasan ng galit at bigat na nararamdaman mo diba? oh here bato ibato mo sa'kin lahat yan wala akong pakealam, mas pipiliin ko pang saktan mo ako kesa umalis sa tabi mo at hayaan ka" he said, habang nakatingin sa dalawang mata ko.
Napaupo na lamang ako at niyakap ang sarili ko, hindi ko intensyong saktan siya hindi ko lang alam kung bakit ganito ako. Nagiging toxic ang ugali ko.
Dahan dahan siyang umupo at niyakap ako ulit.
" I'll never leave you no matter what happens, shhh stop crying baby" he said.
Niyakap ko siya pabalik nang sobrang higpit.
" I'm so-"
" Shhh huwag mo na ituloy, wala kang dapat iihingi ng tawad, it's okay naiintindihan kita"
" Sorry kung nadamay pa kita, sorry kung nasigaw sigawan kita kanina, sorry kung naipagkompara pa kita sakaniya"
Hindi ko na mahal si Nillo, nasasaktan lang ako dahil yung sugat na iniwan niya nandito para sa buong pagkatao ko bumabalot. Hindi ko siya kayang patawarin dahil walang kapatawaran ang ginawa niya.
Naging miserable buhay ko nung iniwan niya ako, naging miserable ako dahil hindi ko kaya noon na mawala siya sa'kin.
Hinabol habol siya kasi ayaw ko siyang mawala mahal na mahal ko eh, hinayaan ko ang sarili kong maging aso para lang makuha siya ulit, pero hindi niya ako pinili dahil hindi ako ang mahal niya, hindi ako ang hinahanap ng puso niya.
Ewan ko ba halo halong emotion na ang nararamdaman ko ngayon, sobrang gulo na ng utak ko, sobrang nagugulohan na ako.
" Stop crying baby, ayaw kong nakikita na umiiyak ka, nasasaktan ako" Virgolso said.
Ang swerte ko na talaga sa lalakeng to, hindi ko na maitanggi pa.

YOU ARE READING
Wrong Timing
Romance•About• Entasha Vellestaña: Isang babae na natiling nakakulong sakaniyang masakit na nakaraan at takot na rin ito magmahal dahil sa trauma na binigay ng kaniyang nakaraan. Ngunit nagbago ang lahat dahil sa isang lalakeng engineer na sumagip sakaniya...