Simula

9 0 0
                                    

Simula

Isang pangkaraniwang araw lamang sa maliit na isla ng San Trinidad, ang mga kalalakihan ay nasa laot, lulan ng kanilang mga bangka at masayang nangingisda dahil madami na silang nakuha sapagkat madaling araw pa lamang ay pumalaot na sila. Samantala, ang mga kababaihan naman ay abala sa gawaing bahay, sa paglalaba at pag-aalaga sa kanilang mga anak. Ang mga bata nama'y maligayang nagtatakbuhan sa dalampasigan, pawis na pawis at basa narin ang ilan sa kanila sapagkat nagtampisaw na ang mga ito at naglaro sa mababaw na parte ng dagat.

Ang lahat ay abala sa kanilang gawain ngunit natinag ang lahat dahil sa isang malakas na sigaw na nagmumula sa isang bahay na kubo.

"AHHHHHHH ARAYYY!!!!" sigaw ng isang babae na wari'y nakakaramdam ng isang napakasakit na bagay.

"Manganak na ata si Florentina!" bulalas ng isang matandang babae na nasa hindi masiyadong kalayuan ng bahay na kung saan may sumisigaw na babae. "Dito na nga magsisimula ang lahat nang naka sulat sa propesiya." Ngumiti ang matanda at tumalikod na at nagkunwaring isang kuba na nakasaklay nang makita niyang may mga taong papalapit na sa bahay na pinagmumulan ng sigaw.

"Tawagin mo si Aling Nene at sabihin mong manganganak na si Florentina!" aligagang utos ni Aling Merdie sa kaniyang anak na si Martha na siyang kaibigan rin ni Florentina. Dali dali itong lumabas ng bahay upang tawagin ang kilalang kumadrona sa kanilang lugar.

"Tiisin mo muna Florentina, hinga ka ng malalim!" pagpapakalma ni Aling Merdie sa kaniya sapagkat hindi na alam ni Florentina ang kaniyang gagawin dahil sobrang sakit na ang kaniyang nararamdaman, pumutok na rin ang kaniyang panubigan.

"Nasaan ba si Julio at mag-isa ka rito?" tanong ni Imelda, isa sa mga kasama ni Aling Merdie na nasa kwarto upang bantayan at alalayan si Florentina.

"H-hindi pa siya umuuwi, pumalaot siya kahapon pa ng madaling araw ngunit wala pa siya magpahanggang ngayon, a-akala ko naman ay talagang gagabihin siya ngunit w-walang Julio ang dumating kagabi kaya naman sinubukan kong hanapin siya kaninang umaga ngunit biglang sumakit ng aking tiyan at hindi ko maigalaw ang aking paa palabas ng aming bahay!" humihing na mahabang salaysay ni Florentina at nakinig naman ang mga kasama niya sa kwarto.

"Nasaan na si Florentina?" isang malakas na tinig ang kanilang narinig na nagmumula sa labas ng kwarto.

"Nandito na si Aling Nene lumabas muna kayo, kami na lamang ni Imelda ang magbabantay kay Florentina." Utos ni Aling Merdie sa mga taong nasa bahay rin nila Florentina.

Nilapitan ni Aling Nene si Florentina at tinignan ang lagay nito, siya ay pawis na pawis, nasasaktan, at hindi mapakali, inutusan niya si Imelda na kumuha ng kaniyang mga gagamitin para sa pagpapaanak kay Florentina, pagkakuha ni Imelda ng mga kagamitan ay sinimulan na ni Aling Nene ang kanyang gagawin.

Hiyaw at sigaw ng babaeng nasaksaktan ang maririnig sa labas ng bahay na iyon.

Ngunit pagkatapos ng ilang saglit ay nawala ang mga hiyaw naging sobrang tahimik ang kapaligiran, walang iyak ng baging silang ang maririnig.

Ingat na ingat ngunit may bahid ng pagtataka na mababasa sa mukha ni Aling Nene ng ilagay niya ang bagong silang na bata sa tabi ng kaniyang walang malay na ina.

'Bakit kaya hindi man lang siya umiyak? O bakit wala man lang kareareaksiyon ang bata.' ang tanong sa isipan ng tatlong babae na nasa loob ng kwarto.

Si Aling Nene ay talagang nagtataka rito sapagkat ang lahat ng babaeng na siyang pinaanak niya ay umiyak ang lahat ng kanilang sanggol samantalang ang anak na ito ni Florentino ay walang reaksiyon at ang nakapagtataka pa rito ay naka dilat na ang kaniyang mga mata ng buo, ilang minuto pagkatapos maisilang.

Ang mahiwaga mong DalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon