Mahal

3 0 0
                                    

Ikatlong Kabanata

Third Person's POV

Tatlong araw na hindi gumising si Isabella, ibig sabihin tatlong araw ding namalagi si Alfonso sa bahay nila. Palagi niyang pinagmamasdan si Isabella pagkagising niya sa umaga at bago ito matulog.

Nagsisibak ngayon ng kahoy si Alfonso at si Florentina nama'y naglilinis sa loon ng kanilang bahay.

Kumakanta si Alfonso ng kung ano-ano habang nagsisibak ng kahoy.

"tong tong tong pakitong kitong,
alimango sa dagat, malaki at masarap,
mahirap mahuli sapagkat nangangagat!"

Parang baliw na kanta ni Alfonso, narinig niya lamang ito sa mga bata at hindi na niya ito makalimutan.

"Alfonso!" isang malumanay na tinig ang nagpatigil sa kaniyang ginagawa, unti-unti itong humarap sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Isabella!" biglang garalgal na boses ang naitugon ni Alfonso.

Napangiti ang dalaga at agad itong lumapit sa binata at yinakap ito ng mahigpit. Tinugunon din ni Alfonso ng mas mahigpit na yakap si Isabella habang tumutulo ang kaniyang luha, hindi na ito mapigil pa sa pag-agos.

Nagbitiw ang dalawa sa pagkakayakap, hinawakan ni Alfonso ang magkabilang pisngi ng dalaga at unti-unti niya itong ginawaran ng halik. Ngayon ay wala ng pag-aalinlangan pa, walang ng tumutol dahil alam nila at sigurado silang mahal nila ang isa't isa.

Napangiti silang dalawa ng magkahiwalay ang kanilang mga labi.

"Mahal mo na ako?" parang baliw na tanong ni Alfonso kay Isabella. Malawak ang ngiti ni Alfonso habang nakatingin parin kay Isabella.

"Mahal na kita! Mahal kita!" nagpipigil na tugon naman ni Isabella sa binata.

"Mahal din kita! Mahal na mahal!" ang nasabi na lamang ulit ni Alfonso bago niya siniil muli ng halik si Isabella.

Mula sa araw na iyon ay palagi nang magkasama ang dalawa. Ipinaalam na rin nila kay Florentina ang tungkol sa kanila. Binalita rin ni Alfonso sa kaniyang ama ang tungkol sa kanila at hindi makapaniwala si Almiro, ipinaalala niya ang tungkol kay Isabella at pinayuhan siya nito, wala nang nagawa si Almiro kung hindi ang suportahan na lamang siya.

Nakarating din ang balita kay Zeron, sa pamamagitan ng mga isda na kaniyang mga alaga, nasiyahan ito ngunit naka ramdam ng lungkot sapagkat hindi niya alam kung magkakaroon pa ba ng pagkakataon na magkakilala ang dalawa. Lahat ng mga diyos at diyosa ay nasiyahan, pwera na lamang sa isa. Si haring Amado ay nagwala sa Verdez, lugar kung saan siya ipinatapon matapos niyang isumpa ang anak ni Florentina at patayin ang mga ibang diyos, kasama na roon ang asawa ni Zeron na si Catrina.

Hindi na matandaan pa ni Amado kung paano lulutasin ang sumpang iginawad niya kay Isabella ngunit mas nasiyahan ito nang mapagtantong mahirap na itong buwagin o tanggalin pa.

Dumating ang araw na hindi nila inaasahan sapagkat bigla na lamang naging tubig muli si Isabella, sampung araw bago ang kaniyang ika labing-walo niyang kaarawan.

Ngayon ay hindi na natakot sina Florentina at Alfonso na sabihin ang totoo kay Isabella, kaya't hinintay lamang nila itong magising muli bago ipagtapat ang lahat.

Kinabukasan, hindi alam ng dalawa kung paano nila sasabihin ang lahat kay Isabella.

Lumabas si Isabella sa kaniyang silid at nakita ang kaniyang nobyo at ina na seryosong naka tingin sa sahig.

"Alfonso! Ina!" pagkuha ng dalaga sa atensiyon ng dalawa, agad namang nagtaas ng tingin ang dalawa at natahimik. Nagpwersa ng ngiti si Alfonso.

"A-anak, maupo k-ka muna!" kinakabahang sambit ni Florentina, naupo naman si Isabella sa harap ng dalawa.

Ang mahiwaga mong DalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon