Unang Kabanata
Isabella's POV
Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa aming salamin na nakasabit sa kahoy na pader ng aming bahay.
Pumikit ako at bumilang ng tatlo.
"Isa!"
"Dalawa!"
"Tatlo!"
Binuka ko ang aking mga mata at gayon na lamang ang aking pagkadismaya ng hindi nangyari ang nais kong mangyari. Ginagawa ko ito tuwing umaga pagkagising ko dahil sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan. Noong bago ang ikalabing-tatlo kong kaarawan kasi, habang ako'y naghahanda ng aking sarili at nag-aayos sa harap ng salamin ay pumikit ako upang magpasalamat sa Diyosa ng Kagandahan na si Matallah at sa Diyos ng Kaarawan na si Alano, pagkadilat ko ay nakita ko ang repleksiyon ko sa aming salamin na ako'y naging tubig ngunit hugis tao, hindi ako makapaniwala sa aking nakita, madaming katanungan ang bumuo sa aking isipan mulang nang mangyari ang kaganapang iyon. Kaya naman, tuwing umaga ay sinusubukan kong gawin muli iyon ngunit hindi na ito umubra o hindi na ito naulit pa.
Nakasimangot akong nagtungo sa kusina upang kumin ng agahan at iniligpit ko na rin ang aking pinagkainan at hinugasan ang mga ito.
Lumabas ako ng bahay upang hanapin si Nanay, nagtungo ako sa bahay nila tiya Martha, at hindi nga ako nagkakamali dahil nasa harap sila ng bahay nila tiya at nagkukwentuhan ang mg ito.
Bumalik ako sa bahay at naglinis sa loob at labas nito kahit na alam kong nalinisan na ito ni nanay, inayos ko rin ang aking tinulugan gayun din ang aking mga damit na hindi pa natiklop dahil kakakuha ko pa lamang ito sa sampayan, ito ay nilabhan ko kahapon. Pagkatapos gawin lahat ng gawaing bahay ay nagpahinga muna ako at wala na din naman akong gagawin kaya naman dumiretso na lamang ako sa aking tambayan kung saan ako lamang ang nakakaalam.
Pumitas ako ng mga prutas na aking nakikita habang patungo sa aking tambayan upang may makain ako roon.
Mga kalahating oras din ang aking linakad patungo dito sa aking tambayan, Isa itong tagong lugar dahil madaming puno rito at matataas na tipak ng bato ang nakapalibot dito kaya walang nakaka alam sa lugar na ito kundi ako lamang, kumuha ako ng dahon ng saging at umupo roon habang kumakain ng mangga na aking pinitas.
Nakatingin na lamang ako ngayon sa malawak at walang hanggang karagatan na nasa aking harapan hanggang sa unti-unting pumikit ang aking mga mata at napasandal sa isang bato.
"Binibini! Binibini! gumisang ka!" isang maalumanay na boses ang aking narinig, iminulat ko ang aking mga mata at may isang lalaking naka tunghay sa akin at ilang pulgada lamang ang layo ng aming mga mukha, napakaamong mukha at napakagwapo. Mapupulang labi, kumikislap na mga mata, at makakapal ngunit magulong kilay.
"Binibini, ayos ka lang ba?" muling tanong niya.
Hindi ko namalayang nakatitig na ako sa kaniya, saka lamang ako bumalik sa ulirat nang siya'y tumawa at tumayo ng tuwid.
"Sino ka?" wala sa sariling tanong.
Inilahad niya ang kaniyang kamay ngunit hindi ko ito kinuha bagkus ay tumayo akong mag-isa. Napatawa siya sa aking inasal.
"Ako nga pala si Alfonso. At ang iyong ngalan ay?"
"Bakit ko naman sasabihin ang aking pangalan sa isang taong hindi ko naman kilala at isa pa, parang hindi ka naman taga rito!" Hindi ko sinagot ang kaniyang katanungan bagkus ay tumalikod na ako bago ko sinambit ang nga katagang iyon.
____
Third Person's POV
Pagkatapos niya itong sabihin ay umalis agad siya sa lugar na iyon at iniwan ang lalaki dahil takip-silim na at paniguradong hinahanap na niya ng kaniyang ina.