Mahiwaga mong dala

1 0 0
                                    

Wakas

Isabella's POV

Isa, dalawa

Dalawang araw nang hindi nagpapakita si Alfonso sa akin. Hindi ko alam kung nasaan siya.

Tatlong araw na lamang. Tatlong araw na lamang ang natitira bago ako mawala. Mapait akong ngumiti habang naka tingin sa kalangitan na puno ng mga bituin.
Hindi ko namalayang umaagos na pala ang aking luha, hindi ko parin lubusang mawawala na ko. Nasaksaktan ako ngayon at ang kailangan ko lamang ngayon ay si Alfonso, wala nang iba pa.

Pumikit ako ng mariin at inawit ang kantang ginawa ko para sa kaniya.

"Pagkamulat
Ng aking mga mata.
Matamiis mong ngiti
Aking nasilayan na."

Natawa ako ng maalala ang una naming pagkikita.

"Hindi maipaliwanag
ang  nadarama
Puso ko'y
Nabihag mo na."

Unang tingin ko palang sa kaniya ay nag-iba na ang aking pakiramdam.

"Unang halik
Hindi makagalaw
Parang baliw
Nakalutang sa tubig
buhat ng aliw."

Naalala ko ang unang halik na pinagsaluhan namin, at kung paano ko siya nasampal nalang bigla.

"Oh! Mahal kita.
Pano
Na ito
Di kayang pigilin
Puso'y nalilito
Ako din ba'y mahal mo?"

Tanong ko noon nang makompirmang mahal ko siya, natatakot akong sabihin sa kaniya dahil baka ako lang ang nakakaramdam ng iba. Ngunit napagtanto kong hindi pala dahil—

"Mahal na Mahal kita Isabella." napamulat ako bigla at napatayo mula sa pagkakahiga. Pinunasan ko ang ang aking luha. "Iibigian kita habang nabubuhay pa'ko, hanggang kaya ko!" garalgal na sabi ni Alfonso sa akin.

Nag-unahan nang tumulo ang aking mga luha at hindi ko na napigilang lapitan siya upang yakapin.

Magkayakap lang kaming nakahiga sa buhangin sa ilalim nang napaka liwanag na buwan at mga bituin.

Kinaumagahan ay pinuntahan ko ang aking kaibigan na si Lisa, yinakap ko ito ng mahigpit at natawa naman siya sa ginawa ko. Nagkamustahan lamang kami bago ako umuwi.

Sa daan pauwi ay may nakasalubong akong isang gusgusin ngunit gwapong lalaki na palinga-linga kaya nilalpitan ko ito.

"Sino po hinahanap niyo?" magalang na tanong ko.

"Alam mo ba ang bahay ni Florentina binibini?" Kumunot ang aking noo nang banggitin niya ang pangalan ni nanay.

"Ang totoo po niyan ay ako po ang kaniyang anak? Bakit niyo po siya hinahanap?"
Napansin ko ang panlalaki ng mata ng lalaki at panunubig nito.

"I-Isabella? Ikaw na ba yan?" nagulat ako ng  hawakan niya bigla ang aking pisngi kaya't naitulak ko ito.

"Julio!?" Narinig niya ang tinig ng kaniyang ina mula sa kaniyang likuran.

Julio? Ibig bang sabihin nito... s-siya ang aking ama?

"Florentina? Florentina ikaw nga!" tuluyan na ngang na paiyak si Julio at lumapit sa kaniyang asawa at yinakap ito ng mahigpit.

Nagkwento si Julio kung bakit nga ba siya nawala, sinabi nitong binihag siya ni Amelda upang gawing tagasilbi sa kaniya.
Umalis si Isabella at nagtungo sa tambayan niya.

Bakit kaya napakahirap ng isang buhay na kahit sobrang saya mo o di naman kaya'y natuto ka namang makontento sa kung anong meron ka ay talagang magkakaroon parin ng pait at sakit? Bakit kaya hindi na lamang mamuhay ng matagal hanggang sa gusto mo?

Ang buhay ay napakahirap, sabi nga nila na ang buhay daw ay parang gulong, minsan nasa itaas minsan nama'y nasa ibaba pero paano kung tumigil ang pag-ikot nito ata nasa ibaba ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang mahiwaga mong DalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon