Ikaw na nga

1 0 0
                                    

Ikalawang Kabanata

Alfonso's POV

"Alfonso!" tinig nang aking ama ang gumising sa akin. Ang aking ama ay si Almiro, diyos ng pagkamatipuno.

Ayaw ko sanang gumising ngunit wala akong magawa dahil baka sunigin ako ng aking ama. Umupo ako sa aking kama habang kinukusot ang aking mata.

"Maghanda ka at may iuutos sa'yo ang amang hari!" maawtoridad na utos ng aking ama ,ang tinutukoy niyang amang hari ay si Macsimo, ang pinakamataas na diyos, ang diyos ng nga diyos at diyosa, at ang asawa ni Matallah, ang diyosa ng kagandahan. Ang  amang hari ay ang aking lolo at ang reyna naman ay ang aking lola, mga magulang sila ng aking ama.

Nababagot akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Tiningnan ko ang aking sarili sa napakalinaw na at napakalaking salamin na pinapalibutan ng kumikinang na ginto.

"Matipuno, gwapo, habulin ng babae, matalino, at higit sa lahat walang katulad." papuri ko sa aking sarili habang inaayos ko ang aking buhok, pagkatapos ay nagtungo na ako sa napakalawak at napakalaking silid kung saan madalas ginaganap ang piging, ang aming kainan. Malayo pa lamang sa lamesa ay naamoy ko na ang mabango at masarap na pagkain na inihanda para sa amin.

"Isang napakagandang umaga sa iyo mahal na amang hari!" pagbati ko sa aking lolo nang tuluyan na akong makarating sa hapag-kainan. Tinanguan lamang ako nito, binati ko rin ang lahat ng nandoon, ang aking mga kapatid, tiyo, tiya, at ang aking nga magulang bago umupo. Hinintay namin ang hudyat ni lolo na simulan na ang kainan. Kumumpas ito at may lumapit sa kaniyang tagapagsilbi, may ibinulong siya rito.

"Puwede na daw po ninyong simulan ang pagkain ayon sa amang hari!" anunsyo ng tagapagsilibi sa amin at sinimulan na nga naming kumain. Sa gitna ng aming pagkain ay nagsalita bigla si Lolo.

"Malapit nang matupad ang naka sulat sa propesiya tungkol sa apong dalaga ni Zeron!" napatingin kaming lahat sa kaniya. Alam naming lahat nag tungkol sa sumpa ni Amado sa magiging anak ni Diyosa Florentina na nag-iisang anak ni Haring Zeron.

Si Zeron ang pinakamataas na diyos ng karagatan at aniyong tubig at pumapangalawa ito sa pinakamataas na ginagalang na diyos, ang una ay si Macsimo. Gayunpaman, hindi parin kayang higitan ni Macsimo ang katalihuhan at kalakasan ni Zeron.

"Kung maisakatuparan man ang lahat nang naisulat sa propesiya, at matuloy ang sumpa ni Amado sa apo ni Zeron ay maapektuhan ang ating kaharian at ang ating mga kapangyarihan. Maraming tao ang magugutom sa mundo sapagkat ang araw na lamang ang maiiwan sa kanila, mauubos ang tubig na isa sa mga panguhing pangangailangan nila." mahabang paliwanag ni lolo sa aming lahat.

"Ano ang maaari nating gawin ama? Kailangan nating tumulong, kawawa naman ang mga taong maapektuhan!" sabat naman ni Malaya, diyosa ng kalayaan.

"Humingi na nang tulong sa atin si Zeron, alam kong gagawin niya ang lahat mailigtas lamang ang kaniyang apo, at alam niya ring masaksaktan nang husto ang kaniyang anak na si Florentina kung mawawala ang kaniyang dalagita." Muling sambit ni lolo.

Nakikinig lamang ako sa kanilang usapan habang masayang kumakain ng prutas. Pinipilit ko paring inaalala ang napanaginipan ko kagabi.

"Alfonso!" nagulantang ako at biglang nabitawan ang aking hawak na ubas dahil sa biglang sigaw sa akin ni ama. "Ilang bese ka na naming tinatawag, saan ba lumilipad ang iyong isipan at hindi ka nakikinig!" galit na sigaw niya sa akin.

"Paumanhin po ama, lolo!" nakayukong sabi ko.

"Ikaw ang inatasan ni ama upang bantayan ang dalagang apo ni Zeron." nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi sa akin ni Ashianna, ang aking bunsong kapatid na siya ring katabi ko.

"B-bakit ako?"

"Anong klaseng tanong iyan? Tinatanggihan mo ba ang aking ipinag-uutos sa iyo?" biglang sabat ni Lolo kaya't wala akong nagawa kundi ang manahimik na lamang at sumunod sa kanila.

Sa araw ding iyon ay pinadala ako sa lupa at gusto ko sanang magreklamo ngunit hindi ko magawa.

Sa isang isla ako dinala ng kapangyarihan ni Balasiw, ang tagabantay sa lagusan.

Tumitingin ako sa aking kapaligiran, naghahanap ng lugar kung saan pwede kong iwan ang aking kagamitan at kung saan ako pwede magpalit ng damit na katulad ng kasuotan ng mga tao dito.

Nakahanap ako ng hindi kalayuan sa karagatan na maaaring tuluyan, agad akong nagtungo roon ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko doon ang isang babae na natutulog at nakasand

'Paano din ako magpapalit ng aking damit?'

Inilapag ko ang aking kagamitan sa buhangin at unti-unting tinanggal ang aking damit, nagdadasal kay bathala na sana'y hindi siya magising. Nagtagumpay nga akong makapagpalit ng hindi siya nagigising. Nilapitan ko ang babae at sinuri ang kaniyang mukha. Parang nakita ko na ang babaeng ito, inisip ko nang mabuti kung saan ko nga ba siya nakita.

Napapangiti ako na parang baliw habang pinagmamasdan ang kaniyan maamong mukha, bigla siyang gumalaw kaya upang hindi ako magmukhang masamang tao ay bigla ko siyang ginising na kunwari ay may nangyari sa kaniya. Napamulat ito at napatitig sa aking gwapong mukha. Sa kaloon looban ko'y nagwawala na ang aking kalamnan dahil sa hindi ko maipaliwanag na damdamin.

"Binibini, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya nang hindi ito makapagsalita, dahil na rin siguro sa lapit ng aking mukha sa kaniya kaya tumayo ako at natawa sa kaniya.

Inilahad ko ang aking kamay sa kaniya ngunit hindi niya ito tinanggap kaya natawa pa lalo ako. Tinanong niya ang aking ngalan at dahil nga mabait ako't gwapo ay nagpakilala ako sakaniya. 

"Ako nga pala si Alfonso. At ang iyong ngalan ay?"

Hindi niya ako sinagot bagkus ay tinalikuran ako nito at umali sa lugar na iyon.

Inayos ko ang aking sarili at bigla na lamang may lumitaw na tinig.

"Alfonso, siya ang babaeng apo ni Zeron, ikaw na ang bahala sa kaniya!" boses iyon ng aking ama at tumatango na lamang ako.

Walang araw ang lumipas na hindi ko binantayan ang mag-ina lalong lalo na si Isabella, alam ko na ang kaniyang pangalan.

Sa mga araw na iyon ay parang mas tumitindi ang aking nararamdaman para kay Isabella at hindi ko iyon matukoy. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan, ang pangyayaring hindi ko kailan man maiisip na mangyari, ito ay ang mahalikan siya sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon.

________

Third Person's POV

Alam niya mali ang kaniyang ginawa ngunit hindi talaga niya alam kung pano niya iyon nagawa. At duon niya napagtanto kung ano ang kaniyang nararamdaman, mahal niya na ang dalaga at napakalalim na nang kaniyang nararamdaman at mahirap ng makaahon pa.

Kahit pa man nagkaroon ng hindi magandang pangyayari sa pagitan nila ay hindi pa rin siya tumigil sa pagbabantay sa mag-ina.

Isang araw ay dinalaw siya ng kaniyang ama. Hindi siya makapaniwala na binisita siya ng kaniyang ama at kinamusta siya nito. Tinanong din ni Almiro kung ano ang nangyari. Hindi na nagtaka si Alfonso sa tanong ng kaniyang ama dahil wala siyang maitatago rito, lahat ng kaniyang kilos ay alam ng kaniyang ama.

Kinuwento lahat ni Alfonso sa kaniya ama mula simula hanggang dulo. Nakinig naman ang kaniyang ama at pinayuhan ito. Nagpaalamanan ang dalawa ng mabuti at masaya.

____

Naawa si Alfonso dahil sa pinagdaraanan ni Isabella ngayon, ngunit nangingibabaw ang konsiyensiyang nararamdaman niya kay Florentina sapagkay hindi alam kung paano tutulong.

Sa bahay na nga nila Isabella nagpalipas ng gabi si Alfonso.

Bago matulog si Alfonso ay iniisip niya kung susuko na ba siya sa utos ng kaniyang lolo ngunit may bigla siyang naisip.

"Buti na lamang, at tinanggap ko ang utos sa akin ni Lolo, sapagkat hindi ko makikilala ang babaeng ito at mamahalin nang ganoon kalalim." nakangiting sambit nito.

Ang mahiwaga mong DalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon