Undead 1: Gabriel Keid Jackson

145 4 0
                                    

[District 18: August 12,2015]

"Gabriel Keid!"

"Bumangon ka na jan!"

"Ah! Hindi ka babangon ha? Okay! Madali lang naman sunugin ang mga cd's na ito eh"

And with that napatayo na ako sa pagkakahiga ko. Tiningnan ko ang kapatid ko na kasalukuyang nasa paanan ng kama ko at nakapamewang.

"Don't you ever do that!" Seryoso kong sabi sa kanya.

"Get your fucking ass out of that bed! NOW!" Sabi niya kaya kahit sobrang inaantok pa ako ay bumangon na ako.

Knowing her, baka totohanin niya ang pagsunog sa mga cd's ko noh! Demonyita pa naman yan.

I went to my cr at nag-ayos na ng damit ko for school. School is such a pain in the ass. I went to the dining room and there I found my two sisters and my big brother.

"Ginabi ka na naman ng tulog noh?" Sabi sa akin ni Kria.

She's 2 years older than me pero ayokong tawagin siyang Ate kasi napaka childish niya. Mas mature pa ngang mag isip ang mga highschoolers. Nasa first year college na siya at unfortunately we go to the same school. Madalas ko yang nakaka-away but I love her.

"Or better say, inumaga NA NAMAN siya ng tulog" sabi ni Ate Kim while giving me my plate.

She the one who woke me up earlier. She's 5 years older than me. At sya ang palaging may energy para sigawan ako at pagalitan. Tss. But that doesn't change the fact na kapatid ko siya and I also love her. She already a graduating student at the same school parin.

"Gabriel I think you should lessen your time with your Zombie video games" sabi naman ni kuya Joshua while reading the daily news.

Napatango na lang ako. Pero sa totoo lang wala akong balak bawasan ang oras ko sa paglalaro. Malapit konang marating yung boss level eh. And that can't be pospone.

By the way, that Kuya Joshua. He's the kindest man I ever knew. Nagtatrabaho na siya and I love his work. Sa isang video game company siya pumapasok kaya I always get the latest video game galing sa company nila even it's not yet released.

Napatingin si Ate Kim sa wall clock at tumayo. Iniligpit na din niya ang pinggan niya. Ganun din ang ginawa ni Kria. Oras na kasi para pumasok. Hindi na kailangam magsalita ni Ate Kim para sabihin yun. Naging daily routine na kasi na kapag nagligpit na ng pinggan si Ate it only means na oras na para pumasok.

Pumasok muna ako sa kwarto ko para kunin ang bag ko. San ko ba yun inilagay? Masyado kasing magulo ang kwarto ko. A common room for a boy pero imbis na mga nagkalat na damit and pornos,there are video game cd's everywhere. Kahit ang controller ko nakakalat din. Ang malinis lang na part ay ang part kung saan ako umuupo. Sa harap ng tv ko at ang harapan ng 3 monitor ng computer ko.

"Gabriel! Tara na!" Rinig kong tawag ni Kria.

Kinuha ko na agad ang bag ko at dali-daling bumaba. Muntik na nga akong mahulog sa hagdanan buti na lang at nakakapit ako. Paglabas ko ng bahay nakahanda na sina Ate Kim at Kria. Mamaya pa ang pasok ni Kuya at ayaw naman nina Ate na ihatid kami ni Kuya kaya maglalakad lang kami. Malapit lang naman ang school namin dito.

"Tara na little brother!" Pang iinis ni Kria. Sinamaan ko siya ng tingin pero binelatan niya lang ako.

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumakit yung tenga ko. Piningot kami ni Ate Kim kaya naman sabay kaming napasigaw ni Kria sa sakit. Ang bigat talaga ng kamay nitong babaeng to. Kaya walang boyfriend eh!

✘✘✘

"Bye little brother! Late na akong makaka uwi ha! Sabay ka na lang kay Hope" sabi ni Kria habang papalayo sa akin. Tumango lang ako sa kanya.

Undead Slayer : Attack Of The ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon