Retchu's Note.
Sa nagbabasa nito, kung meron man. I apologize for the slow update. Sana naman po magparamdam po kayo. Vote and comment if you like. You can ask me if naguguluhan kayo. Hindi po ako nangangain ng tao. Pramis po. Kung binasa mo to. Thank you
P.s. Malapit na...
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Ang gaan ng pakiramdam ko. It feels so light. Para akong lumilipad. Nasaan na ba ako?
I tried to open my eyes but I can't. I tried to move my body but I can't. Anong nangyayari? Bakit di ako makagalaw? At sobrang tahimik ng paligid. Walang kahit anong tunog. Nasaan na ba ako?
"It's time to wake up!"
Saan galing yun? Sino ka? Tulungan mo ako! Please!
Bigla na lang lumiwanag ng sobra. Nakakasilaw. At kahit na nakapikit ako ay tumatagos parin ang ilaw sa mata ko. Ano na naman ba ang nangyayari dito?! Bat ang sobrang wierd ng mga nangyayari?!
"Open your eyes"
Ayun na naman ang wierd na boses mula sa kung saan. Hindi ko alam pero wala sa sariling sinunod ko ang sinabi niya. Unti-unti kong minulat ang mata ko. At di tulad nung una ay naimulat ko na siya.
Malabo ang paningin ko nung una pero unti-unti na itong luminaw. Napanganga na lang ako nang makita ko kung nasaan ako. Napaka magical ng lugar na to. Madilim ang buong paligid maliban sa gitna. Kung saan may isang mahabang lamesa. Maraming halaman ang nakapalibot sa lamesa at may mga maliit na kung anong insekto ang lumilipad doon na nagbibigay ng liwanag sa bahagi iyon.
And with an unknown reason, natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa mahabang lamesa. Pagdating ko doon ay nilapitan ako ng mga maliliit na faries at hinila ako ang dulong parte ng mahabang lamesa. Pina-upo nila ako doon.
"Have a bite"
Ayun na naman ang boses. Pero ngayon, feeling ko malapit lang siya sa akin. Nilibot ko ang paningin ko at nang mapunta sa kabilang dulo ng lamesa ang paningin ko ay nakita ko ang isang taong nakasuot ng sobrang laking robe. May nakatakip sa ulo niya kaya di ko makita ang mukha niya.
"Sino ka?"
And for the first time nakapag-salita din ako. Hindi niya ako sinagot pero bigla na lang siyang tumayo at lumutang sa ere. What the?! Why is it getting wierder and wierder?!
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko. Hindi man lang ako makagalaw sa pwesto ko. Ano ba tong ginagawa niya sakin?
"Sino ka ba? Ano ba ang kailangan mo sa akin?"
At sa pagkakataong ito ay tiningnan niya ako sa mata. At soon ay nakita ko ang purple niyang mga mata. Purple? Parang pamilyar ang mga matang yun sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko yun nakita.
Binitawan niya ang baba ko at inilagay ang dalawang kamay sa suot na hood. Unti-unti niyang tinanggal ang hood at nakita ko ang mukha niya.
"Diaochan? Papaanong?"
Takang tanong ko sa kanya. Panaginip lang siguro ito. Hindi maaaring totoo ito. Masobrahan lang siguro ako ng paglalaro ng video game na yun.
"Help us! Please! I'm begging you my lord. Help us!"
Sabi niya sakin. She even kneeled before me. Di parin ako makapaniwala sa nakikita ko, at ngayon naman ay nakaluhod na siya sa harap ko? What is really happening here?!
"Why would I help you"
Tanong ko sa kanya. Napatigil siyang sandali at tumayo. Itinapat niya ang mukha niya sa akin. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil natatakpan ito. Natatakpan ng kanyang armor.
"I can help you to wake up"
"Wake up?! What do you mean wake up? Hindi naman ako tulog ah!"
Sigaw ko sa kanya. She must be crazy. Tatalikod na sana ako nang bigla na lang siyang naglabas ng purple fire sa kamay niya. Nabigla naman ako kaya napahinto agad ako. Isa ito sa special skill niya sa game ko, ang Viola Flamma. At bihira lang itong magamit dahil isa itong rare skill. Bat niya ito ipinapakita sakin?
"Look at this"
Tiningnan ko naman ang Viola Flamma hanggang sa unti-unti itong naglalabas ng image.
Si Hope, umiiyak sa tabi ng katawan ko?! Paanong?! Pano nangyari yun?
"Hope!! Hindi ako yan!! Hope!! Nandito ako!"
Sigaw ko sa image na nasa Viola Flamma. I know para akong tanga dito pero ayos lang sakin.
"Hope!!!"
Sigaw ko at hinawakan ang Viola Flamma pero tumalsik lang ako papalayo dito. Sa sobrang pag-aalala ko ay nakalimutan ko na na hindi basta basta nahahawakan ang Flame na iyon dahil sa spell na nakapalibot dito.
"It's not someone else. It's really you. That's your body"
Tiningnan ko naman siya nang may pagtataka. Papaanong nangyari yun eh nandito naman ako.
"We're in the spirit world where only spirits can go"
Paliwanag nito. So, spirit ko lang pala ako ngayon. Pero bakit sobrang makatotohanan naman ang lugar na ito.
"Paano ako makakabalik?"
Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang Viola Flamma kung nasaan ang image ni Hope na umiiyak sa tabi ng katawan ko. Hope.
"I can help you go back there if you'll help US too"
What will I do? Gusto ko nang umuwi pero hindi ko alam kung papaano and here comes Diaochan asking for my help kapalit nang pagbabalik ko sa katawan ko.
Tiningnan ko ulit ang Viola Flamma kung nasan ang image ni Hope na umiiyak sa tabi ng katawan ko. Maya-maya pa ay humagulgul na ito.
Napaiwas na lang ako tingin. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak. Dalawang beses ko pa lang nakikitang umiyak si Hope. Una noong kinuha ng kaklase namin ang regalo ko sa kanyang cupcake at kinain ito. Sobrang sama ng loob ni Hope sa kaklase naming iyon dahil galing daw sa akin ang cupcake na iyon at once a year lang ako magregalo kaya't sobrang mahalaga sa kanya iyon pero kinain lang ng iba.
At ang pangalawa ay ngayon.
Hope, wait for me there...
[District 18,Headquarter Z: August 20,2025]
HOPE
Dumating na naman ang araw na ito. Ito ang pinaka ayokong araw sa lahat. Sana nga ay mawala na ito sa kalendaryo para hindi na muling bumalik ang alaala noong araw na iyon.
"Adept?" Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at sumaludo.
"Captain Alpha!" Sumaludo din siya sa akin.
"Let's have a dinner, the three of us" sabi niya sa akin.
"Ahhmmm. S-sige" ayoko sanang sumama pero nakakahiya naman sa kanya. I know we have the same agony right now.
Matapang man kung titingnan ang pinaka mataas na kapitan sa WRACK. Kung makikilala mo lang siyang mabuti, malalaman mo kung gaano siya kahina. Bakit ko alam? Dahil pareho kami. Ilang taon na ang lumipas mula noon pero hindi parin nawawala sa akin, sa amin ang sakit, lungkot at pangungulila sa isang taong parehong importante sa aming dalawa.
Nginitian niya ako at nagpaalam na umalis. Pero bago pa siya umabot sa pintuan ay humarap siya sa akin ulit at sinunggaban ako ng yakap. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kami-kami lang talaga ang nakakaintindi sa paghihirap namin.
BINABASA MO ANG
Undead Slayer : Attack Of The Zombies
Adventure"Run for your life or you will be like them!" In the time where Zombies are attacking, a society named WRACK is the one protecting the remaining uncontaminated cities. But what will happen if the Zombies are getting stronger, stronger than the slaye...