Undead 3: The Start

48 5 0
                                    


[District 18: August 20,2015]

"Gabriel!" Sigaw ni Ate Kim.

"Bakit ba ate?" Sigaw ko din.

Grabe naman kasi ito makasigaw eh nasa kusina lang naman siya.

"Kay Hope ka na sumabay!! Mamaya pa ang klase namin ni Kria!" Sigaw niya ulet.

"Okay" sabi ko. Tumayo na ako at kumuha ng isang tasty bread.

"Alis na po ako!" Sabi ko at lumabas ng bahay. Paglabas ko ay dumeretso na ako sa bahay nina Hope.

Mag dodoor bell na sana ako kaso nauna na siyang bumukas. Tapos nakita ko si Hope.

"Tara na" sabi ko at tumalikod na.

Hindi na siya nagtanong at sumabay na sa akin. Tahimik naman ang naging paglalakad namin. Hindi naman ako nagsasalita dahil nakikinig lang ako ng music. Pagdating namin sa school ganun parin.

✘✘✘

Natapos na ang klase namin ng normal. I know, I know. Boring ang life ko. But who cares. I like it this way.

Pagdating ko sa kwarto ko ay naglaro agad ako. Yung VGPT378. Nang nasa kalagitnaan na ako ng palalaro bigla na lang bumukas ng malakas ang pinto ko. Na-pause ko tuloy ang laro ko. Tiningnan ko si Hope na may dalang gitara.

"Itigil mo nga muna yan Gabriel" sabi niya at umupo sa kama ko.

"Ano ba yan! Isang level na lang eh!" Sabi ko at umupo sa kama. Sinamaan naman niya ako kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko as surrender.

"Pakinggan mo muna itong kanta ko. Bago lang to!" Sabi niya tyaka inayos ang gitara niya.

Sinimulan niya na ang pagtugtog habang ako naman ay humiga sa kama at pumikit. Siya naman ay naka upo sa tabi ko habang tumutugtog. Maganda siya nakaka relax pero hindi boring. Ah basta maganda.

"Oh ano maganda?" Tanong niya sakin.

Binaba niya ang gitara niya sa baba ng kama. Tumabi din siya sakin na humiga habang nakatingin sa kisame na may picture naming dalawa. Oh hindi ako ang naglagay niyan ha! Siya!

"Hindi" sagot ko

"Ha? Maganda naman ah?" Bulong niya sa sarili niya.

"Oh alam mo naman pala. Nagtatanong ka pa sakin"

"Che!" Sabi niya tyaka tumalikod ng higa.

Tinawanan ko lang siya. Nagkwentuhan lang kami ng sandali tapos ay nagpa alam na siyang umalis.

"Bye Gabriel!" Sabi niya tyaka yumakap sa akin. Tumango na lang ako at kinawayan siya palabas ng kwarto ko.

Tiningnan ko ang kwarto ko. Malinis na naman siya. Habang nag kekqentuhan kasi kami ang naglilinis si Hope ng kwarto ko. Hindi pa naman siya ganun ka kalat dahil naglinis nga ako nung Monday.

Bumalik ako sa upuan ko at ipinlay ang game ko. Malapit na nga pala ako sa master level.

Attack.

Attack.

Skill attack.

Dodge.

Counter attack.

Attack.

Dodge.

Dodge.

Counter attack.

Skill attack.

'Victory!'

Yes! Last level na. Monster level. Grabe inabot ako ng isang linggo sa pagtapos nito.

Undead Slayer : Attack Of The ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon