Undead 7: Rouse

11 1 0
                                    


[District 18,Headquarter Z: August 20,2025]

HOPE

Sinasaksak ng isang libong espada, binagsakan ng sampung malalaking magkakapatong na truck, pinipisil ng isang maskuladong lalaki, naaagnas na bangkay at binabasag na isang mamahaling salamin.

Yan ngayon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa isang bagay na sobrang nagpapaalala sa akin tungkol sa kanya. Isang bagay na sa loob ng maraming taon na nakalipas ay hindi ko parin kayang bitawan. Isang bagay na hindi ko kailanman malilimutan.

"It's been a long time and still, I have this. I know you would be gratefull to see that I still have this" sabi ko habang nakatingin sa bagay na iyon.

Hinawakan ko ang bawat parte nito at dahang dahang isinuot sa aking ulo. Pumikit ako at dahan-dahang bumalik sa akin ang araw na ibinigay niya ito sa akin. Hindi ko na namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha ko. Ano ba naman yan! Napaka-iyakin ko talaga! Nakakainis!

Tinanggal ko na agad iyon sa ulo ko at umiyak sa aking unan. Araw-araw na lang akong ganito. At sa bawat araw na dumaraan ay parang unti-unti akong namamatay. Kung hindi lang dahil sa kanila ay baka hindi ko na kinaya ang kalungkutan na nararamdaman ko.

I even tried suicide not only once. But Ate Kim stoped me. I know it's also hard for her to see me breaking. Kaya naman I pretended, yes pretended. Pretended to be strong, pretended that I'm not hurt, pretended that I don't miss him so much, pretended that I not affected and pretended that I don't cry everyday since then.

"H, it's time for your dinner with the Captain" I heard Joan announced.

I wiped my tears, and acted like nothing happened. Sa araw-araw na umiiyak ako ay hindi na namumula ang mata ko. Kaya I don't have to put something to conceal that I cried. Napagod na din ata ang mata ko. Buti nga at hindi pa ito nauubusan ng luha.

"I will be going Joan, activate security" I said and walk out of the room.

"Captain Alpha!" I said and saluted pagkapasok ko sa kwarto kung saan kami magdidinner.

"Cut the formalities H" natatawang sabi ni Ate Kim. Ngumiti naman ako at yumakap sa kanya.

"Where's Kria?" Tanong ko habang nililibot ang tingin ko sa buong kwarto.

"Susunod na lang daw siya. May inaasikaso pa sa clinic, alam mo na" sabi niya habang naglalakad papunta sa dinning table.

Sumunod na ako sa kanya at akmang uupo ng biglang may sumigaw. Sabay kaming napatingin ni Ate Kim sa babaeng tumatakbo papunta sa amin. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat ay sinunggaban na agad ako nito ng yakap.

"Waaahhh!!! H! It's been a long time!" Sabi niya habang nakayakap parin sa akin. Natawa naman ako sa kanya.

"Ano ka ba Kria, nagkita kaya tayo nung isang araw" natatawa kong sabi sa kanya.

"Ano ba yan H! Panira ka naman eh! Ang KJ! Di mo na lang ako sinabayan?" Nakasimangot niyang sabi sakin at nilapitan si Ate Kim.

"Yaan mo na yang si H, Kria!" Saway naman ni Ate Kim.

Nag-umpisa na kaming kumain at napuno ng halakhak ang lamesa dahil sa mga kwento ni Kria tungkol sa kanyang mga pasyente. Isa kasing doktora si Kria at siya ang head ng clinic dito sa WRACK. Hindi man halata sa mukha at ugali ni Kria pero magaling siyang doktor. At siya din ang personal doctor ni... ni... Argh!

"So see you sometimes H!" Bati ni Kria bago umalis. Marami pa daw siyang kailangang ayusin at mga iche-check up.

Matapos mag paalam sa isa't isa ay napagdesisyunan ko na dalawin muna siya. Siguro nga ay martyr ako. Pero hindi ko kayang hindi siya makita, feeling ko mamatay ako kapag hindi ko siya nadadalaw.

Kaya minsan pag di ko na kaya, iniisip ko na lang na tulog siya, na mamaya gigising din siya, na mamaya maglalaro na ulit siya ng mga video games niya, na mamaya papakinggan niya ulit yung mga kanta ko. Yung parang dati lang...

Pero kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili ko ay di ko maiwasang alalahanin ang kalagayan niya ngayon. Mahirap tanggapin na walang kasiguraduhan kung magigising ba siya o ... hindi na.

"H-hi" bati ko sa kanya pagpasok ko ng kwarto niya.

Eto na naman tong luha ko. Ayaw na namang magpa-awat. Bakit ba naman kasi sayo pa nangyari ito?! Bakit sa dami ng tao sa mundo, ikaw pa?

Huminga muna ako ng malalim at umupo sa upuan sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya. At nakakatuwang may init paring nagmumula sa mga kamay niyang iyon. Ang nagpapatunay na buhay pa siya, na may pag-asa pang mabuhay siyang muli.

"Ui. Kumusta ka na?" Sabi ko habang pinipigilang wag pumiyok pero nabigo ako. At nagpatuloy ang luhang pinipigilan kong ilabas kanina.

"Bumalik ka na! Please lang! Bumalik ka na!" Sabi ko habang pinipigilang humagulhol.

"I may be strong to others but I also need someone to say that I should be strong"

"And that someone should be you!!" At humagulhol na ako ng sobra. Hindi ko na kinaya. Hindi na napigilan ng puso ko na i-burst out lahat ng ito.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi niya.

Ψ∽Ψ∽Ψ∽Ψ∽Ψ

"Hope..." I know that voice, its him!!

"Hope..." there he go again. I opened my eyes to see him. Napaluha na lang ako nang mapagtanto ko na siya nga yun. Siya nga. Nasa harapan ko siya ngayon hawak ang pisnge ko at nakangiti sa akin.

"G-gabriel" I said while reaching for his face. Pero lalo akong naiyak nang hindi ko siya nahawakan. Tumagos lang ang kamay ko sa kanya. At unti-unti na siyang naglalaho...

No! No!

Ψ∽Ψ∽Ψ∽Ψ∽Ψ

Napabalikwas ako ng ulo nang magising ako. Panaginip? Hanggang panaginip na nga lang ba? Ang sakit naman nun. Pero sana mas tumagal pa ang panaginip ko na yun, para mas makasama ko pa siya ng mas matagal.

Tiningnan ko ang mukha niya, ganun parin. Nakapikit. Napabuntong hininga na lang ako. It's only a dream, nothing more. I should've expected for more.

Hinawakan ko ang kamay niya at niyakap siya. Ang ulo ko ay nasa dibdib niya. Naririnig ko ang tibok ng puso niya, sign na buhay parin siya. Ang tanging nagbibigay sa akin pag-asa na mabubuhay pa siya.

Pinapakinggan ko ang tibok ng puso niya nang bigla na lang nag skip ito. At biglang bumilis kaysa sa natural beat nito. Tiningnan ko ang mukha niya at napaiyak na lang ako nang makita siyang nakatingin sa akin. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

"G-gising ka na!" Naiiyak kong sabi sa kanya at niyakap siyang muli.

Please lang, kung panaginip man ito, please don't wake me up.

Undead Slayer : Attack Of The ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon