Undead 4: Disseminate

25 3 0
                                    

[District 1, Soni's Household: August 21,2015, 9:28 ㏂]

"Patrick! Open the door! Ano ba! Lumabas ka na dyan!" Sigaw ng ina ng binatang nagngangalang Patrick.

"Ano ba! Bubuksan ko na ang pinto mo sa ayaw at gusto mo" sabi nito at kinuha ang susi ng kwarto ng anak sa yaya nila.

Binuksan ng babae ang kwarto. Madilim ang kwarto at tanging ang ilaw galing sa Computer niya ang nagpapaliwanag sa kwarto.

"Patrick! Ikaw na bata ka! Hindi ka pa daw lumalabas ng kwarto mo simula kagabi!" Bulyaw ng babae sa anak.

Lumapit siya sa anak na nakaharap sa computer. Papatayin na niya sana ang monitor ng biglang may humawak na malamis na kamay sa braso niya. Ng tiningnan niya ang kamay na iyon ay bigla na lang niyang iwinaksi sa kamay niya.

"Aahhhhh!!!" Sigaw niya at sinusubukang tanggalin ang kamay na inaagnas. Napasama ito ng hinatak niya ang braso niya.

"Aaahhhh!!!" Napasigaw ulit siya ng makita ang itsura ng kanyang anak.

Inaagnas na ang katawan nito na para bang matagal na itong bangkay. May tumutulo pang dugo sa braso nitong naputol dahil sa pagkakahatak ng ina. At isang mata ay lumuwa na at ang isa naman ay nadislocate. Iba na din ang suot nito. May suot itong helmet na sinauna. Para bang helmet ng isang mandirigma at pati ang hulma ng mukha at katawan nito ay pang sina unang mandirigma. At sa isang kamay pa nito ay may hawak itong spear. Napakatulis nun na para bang kahit anong bagay ay kaya nitong tusukin.

Unti-unti siyang lumapit sa ina. Ang ina naman niya ay sobrang kinakabahan kaya't umatras ito ng umatras. Pero hindi pa ito nakakalayo ng lubos ay isinaksan na sa kanya ng anak ang hawak nitong spear. Sa tyan ito tumusok at tumagos sa likod ng babae.

Lumapit ang Zombie sa babae at unti-unting kinain ang ina. Ng madukot ang utak at puso ng ina ay kinain niya ito at iniwan. Ang babae naman ay unti unting tumayo. Habang tumatayo siya ay nagpapalit ang kanyang anyo. Nagiging Zombie na din siya. Tulad ng anak ay mukha din itong makalumang mandirigma na babae. At may hawak din itong Spear

Lumabas ng kwarto ang mag-ina at inisa-isa ang mga katulong sa buong bahay. Pati ang driver,Hardinero at iba pang kasamahan nila sa bahay.

[District 9, Yandon's Household : August 21,2015, 6:08 ㏂ ]

"Ser! Ser!" Tawag ng isang katulong sa amo nitong nasa loob ng kwarto.

"Ano ba yan yaya! Busy ako eh!" Sabi ng kanyang amo na nakatapis lang na lumabas ng kwarto nito.

"Ser! Se Mam Sende po!" Sabi nito.

"Anong nangyari kay Cindy Yaya?" Tanong nito sa katulong.

"Ang kapated nyu pu ser! Nageng sombe po ser! Sobme!" Histerikal na sabi ng yaya sa amo niya.

"Ano yaya? Sombe? Ano yun?!" Tanong ng kanyang amo.

"Se Mam Sende---" pero bago pa matapos ng yaya ang kanyang sasabihin ay may kumagat aa balikat nito.

"Aahhhh!" Sigaw ng yaya ang lalake naman ay pumasok sa loob ng kwarto niya at kinuha ang baril

"Honey? Bakit? Any problem?" Malanding tanong ng babaeng nasa kama na tanging kumot lamang ang nagtatakip sa kahubadan nito. Hindi naman siya sinagot ng lalake at patuloy lang ito sa paglalakad habang may hawak na shotgun.

Pinagbabaril niya ang mga Zombies pero wala itong epekto sa kanila. Patuloy lang ito sa pagkain ng katulong na bisaya. Naubusan na ito ng bala at unti unti namang lumapit sa kanya ang mga Zombies.

Katulad din ng sa District 1 naging mga sinaunang mandirigma ang mga ito. Pero ang kaibahan lang ay mga bow at arrow na ang hawak ng mga Zombies na ito.

Sabay-sabay siyang pinana ng mga Zombies. Na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Pero hindi pa dun yun natatapos dahil kinain pa siya ng mga Zombies hanggang maging katulad na siyang mga ito.

[District 17, Gerald's Apartment : August 21,2015, 11:47 ㏂ ]

"Hoy! Gerald! Lumabas ka nga dyan! Apat na buwan ka nang hindi nagbabayad! Aba! Hindi to libre! Lumabas ka dyang hinayupak ka! Ikaw bata ka! Nalulugi na yung paupahan ko dahil sayo! Aba! Kung wala kang ipapangbayad ay magbalot balot ka na! Walang kwentang bata! Hoy Gerald! Punyetang bata toh!" Mahabang litanya ni Aling Dora, ang landlady ni Gerald.

Si Aling Dora naman ay nagpapaypay ng mukha dahil sa init ng araw. Ang mga katabing apartment naman ni Gerald ay nagsilabasan na din dahil sa ingay ng Landlady sa tanghaling tapat. Ang iba namang mga kalapit bahay ay nakiki-osyoso na din sa nangyayari.

Naglakad ang matabang si Aling Dora papunta sa pintuan ni Gerald at binuksan iyon gamit ang sariling susi sa apartment. Pumasok si Aling Dora sa Apartment. Madilim ang buong paligid at mainit dahil sa kulob ang buong bahay. Binuksan niya ang bawat pinto upang makita ang nakatira pero hindi niya makita. Hanggang sa mapunta siya sa kwarto ng binata.

Pagbukas na pagbukas niya ng pintuan ay may sumalubong agad na isang maliwanag na bola sa kanyang mukha.

"Waaaahhhhh!!!!! Aaaaaaaaaaaa!!!!!" Sigaw ni Aling Dora bago ito mawalan ng buhay. Lumabas naman ang isang Zombie mula sa kwarto.

Hindi tulad ng ibang Zombie sa ibang Distric. Ito ay hindi nakapangmandirigma. Para itong isang mahikero. Sinaunang mahikero. Lumapit siya sa matanda at kinain ito hanggang sa maging Zombie na din ito.

Narinig naman ng mga tao sa labas ang malakas na sigaw ng matanda kaya't bilang mga concerned citezens ay pumasok din sila sa apartment at nakita ang dalawang Zombie. Hihingi pa sana sila ng tulong pero may ilaw na bola na humarang sa kanila at tumama sa kanila.

Pinagtulungan sila ng matanda na kainin hanggang sa maging kauri na rin nila ang mga ito.

Undead Slayer : Attack Of The ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon