"L-Lorenz" Nauutal ako. Paano ba naman ang lalaking akala ko sa panaginip ko lang muling makikita ay nasa harapan ko na. Pero hindi na siya ang Creampuff ko. Nag-iba na ito. Wala na ang makakapal na salamin , color green niyang braces at ang kakaibang hairstyle pati ang aura niya ay iba na. Hindi na siya masayahin tulad ng dati. Iba na siya. Naging mas gwapo.
"L-Lorenz" Hinawakan ko ang kamay niya ngunit madali niyang inalis yun. Ang sakit, nasaktan ako. Alam kong hanggang ngayon galit padin ito sa akin.
"Coincidence. Nagkita tayong muli" nagsmirk pa ito sa akin habang nakapamulsa at tinignan ako na parang meron akong may nakakadiring sakit. Hindi ko siya masisi alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa kanya.
Napayuko ako. Hindi ko kayang pantayan ang galit sa mga mata niya.
Iba na siya.
"C-Creampuff I'm sor---"
"Don't call me with that fcking endearment we're over remember!" sabi niya na mas lalong ikinasakit ng puso ko. Right were over. Wala nang kami. Wala ng Gelatin at Creampuff. We're completely strangers.
"Go home" sabi lang nito at tinalikuran na ako. Hindi ko akalaing ganito ang muli naming pagkikita.
-----------
"Ow what happened to you? Mas lalo kang pumanget hahahaha" Pambati sa akin ni Kirsten ng makapasok ako sa classroom.
"Goodmorning" sagot ko at dumiretso na ako sa upuan ko at yumuko. Wala ako sa mood makipagtalo. Bangag ako ngayon, kasi naman hindi ako nakatulog kagabi. Iniisip ko yung muling pagkilita namin ni Lorenz. Grabe talaga ang sakit sa puso pero kasalanan ko rin kung bakit ganun nalang ang trato niya sa akin ng muli kaming magkita.
"Not in the mood huh! Ugly duckling" Nanginig ang buong internal organs ko sa biglang pagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Parang pati kaluluwa ko naki-harlem shake sa sobrang lamig. Narinig ko naman ang malakas na tawanan ng mga classmates ko.
"Maganda ka pala pagbasa ka hahaha"
"Poor girl. It suits you hahaha"
Grrrr naiinis na ako ah! Wala na nga akong tulog tapos ginaganito pa nila ako. Nakakainis na talaga. Tumayo ako at masama silang tinignan. Halos lahat naman sila ay natigilan.
"ANO BA HINDI NIYO BA AKO TITIGILAN? "sigaw ko. Nakakainis na. Broken hearted na nga ako dadagdagan pa ang pambubully ng mga ito.
Perl hindi natinag ang mga ito bagkus ay pinagbabato pa nila ako ng papel. Napapikit nalang ako. Hanggang kailan ba akong ganito?
Naiiyak na ako pero kailangan kong tibayan ang loob ko. Nagtaka naman ako dahil ang malakas na halakhakan ay biglang nawala. Tumigil narin ang mga ito sa pagbato sa akin. Napadilat naman ako at laking gulat ko kung sino ang nasa harap ko.
"A-Ah G-Gian what are you doing here?" pambasag katahimikan ni Steffanie. Eh? Bakit nandito to?
"I owned this place so I have the rights to go wherever I want to go. Understood?" Maotoridad na sagot ni Gian at napatango nalang ang lahat. Anong ginagawa dito ni Gian? Eh? Pinagtanggol niya kaya ako? Pero bakit? May gusto kaya siya sa akin? OMG. Di nga? Weh?
Nataranta naman ako ng tumingin sa akin si Gian. Gosh! Aamin na ba siya sa pagmamahal niya sa akin? Pero paano yun si Lorenz padin ang mahal ko. Lalo na't nagkita na ulit kami.
"What are you looking at? Sit down" Sabi nito at ako'y sumunod. Takot ko lang kay Gian nuh! Nilagpasan na ako nito at umupo ito sa bakanteng upuan sa gilid ko. Hindi ko alam kung malas ba ako o swerte. Swerte dahil makakatabi ko ang isa sa pinaka-gwapo sa campus pero compare kay Creampuff ngayon, mas gwapo si Lorenz ng mga 1 ligo lang parang isang tabo ganun at malas nadin kasi makakatabi ko ang pinakamasungit na nakilala ko sa buong mundo. >____<