I choose FIVE

7 0 0
                                    

"After mong maglaba linisin mo ang kwarto ko. Pagkatapos ay yung sala naman, dapat wala akong makikitang dumi at alikabok. And remember take care of my clothes. Wag ka nang magluto alam kong wala kang talent doon tapos---" =____= napakaraming utos naman itong lalaking to. Yung totoo? Slavery ba to? Pagkatulong ata ang hanap ng mokong na to. Akala ko pa naman yung slavery na tinutukoy ko yung pang Fifty shades. Hahaha oo na malandi at maharot na ako.

"Nakikinig ka ba?" galit na tanong niya sa akin. Umuusok pa ang ilong. Naku kulang nalang mag transform bilang dragon. Haaays okay lang atleast gwapo padin ^___^ At patatawarin niya raw ako.

"Opo master" sabi ko at yumuko effects pa. Oh diba full respect kahit hindi ka-resperespeto ang mokong. Nagulat naman ako nang ihagis niya ang walis sa akin. Naku muntik pa akong matamaan sa mukha. >____<

"Clean up I'll be back at 7 " Sabi niya ay iniwan na ako. Oh diba sabado ngayon at dapat nagpapahinga ako ngunit, subalit , dapatwat ako'y pinaglilinis niya ng kanyang condo.

O-Okay edi siya na rich kid. Pero bakit noon hindi naman niya ako dinadala sa Condo niya? Mayaman pala talaga siya. Eh ano yung nakaraan? Joke lang? Pinaasa niya akong mahirao lang siya? Hmmm bahala na nga.

Naglinis muna ako ng kwarto niyang napakakalat. Inuna ko ang higaan niya at tinanggalan ng bedsheet. Chineck ko rin ang ilalim ng kama niya at napataas naman ang kilay ko.

"Bakit meron neto?" Tanong ko sa sarili ko ng maabot ko ang isang pulang T-Back. Yup T-Back. Don't tell me nagsusuot si Lorenz neto? OMG.

^\\\\\^ Naiimagine ko. Ang sexy hahahaha. Hmmm baka isa ito sa mga naging babae niya dinadala dito sa condo niya. Tssss ako naman naka-una sa kanya kaya di ako magseselos. Inispre-yan ko ng disinfectant ang kama. Pantanggal ng virus galing sa mga babae niyang haliparot.

Sinunod ko ang sala. Hmmm madali lang naman linisin. Mukhang bihira lang mag-uuwi ang mokong na yun. Then naglaba narin ako.

Habang naglalaba ng mga branded niyang damit. OPO BRANDED nakabold para intense. wooah parang kinakabahan akong labhan to ah!.
Habang naglalaba ako may napansin akong isang boxer shorts na pamilyar sa akin. Si Thor ang character. Napangiti ako kahit pala galit siya sa akin hindi niya parin ito tinapon.

"Creampuff Bilhin natin to! wala pa tayong gamit sa inuupahan nating bahay" Sabi ko sa kanya. Nasa loob kami ngayon ng isang tiange kung saan naghahanap kami ng mga damit at gamit. Natuloy kasi ang pagtatanan namin. Sabi ko na nga ba at hindi ako kayang tiisin ng Creampuff ko.

"Gelatin wag muna ngayon. Mauubos na ang allowance natin. Next time nalang pagsum-weldo ako ulit" nakangiting sabi niya. Nagpa-parttime job nadin si Creampuff habang nagaaral. Ako rin.Tatapusin ko ang highschool nuh kahit magkasama kami. Sayang naman yung full payment ng magulang ko. Kahit naman umalis na ako sa poder mahal na mahal ko parin sila.

Tumango nalang ako at kumapit sa kanya. Natutuwa ako kasi para na kasi kaming tunay na magasawa. Grabe ito talaga ang winiwish ko ang makasama siya habang buhay.

Habang naglalakad kami napansin ang isang napaka-cute na boxer shorts. Dahil paborito ko si Thor ay napansin ko agad iyon.

"Creampuff Creanpuff Bilhin natin yun please!!!" at nagpa-cute pa ako sa kanya.

I choose to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon