Mas lalo akong napahagulgol. Hindi dahil sa sinabihan niya akong panget pero kasi masaya ako kasi kahit sa pagabot lang ng panyo ay pakiramdam kong may nagke-care parin sa akin.
"H-Hey I said stop crying" Sabi ni Gian na mukhang natataranta na. Hinawakan pa niya ang balikat ko at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"Kashe naman WAAAAAAH" at siningahan ko yung panyong iniabot niya sa akin. Buti nalang at may panyo siya kundi tutulo uhog ko at hirao narin akong makahinga.
"You're so disgusting" sabi ni Gian at hinila na ako patayo.
"Salamat Gian ah. Pasensya na rin sa panyo" Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa apartment ko. Inihatid niya ako. Ang sabi niya hindi daw niya ako ihahatid pero tignan mo hinatid padin ako. Panis panis nga lang ang laway ko kasi hindi siya nagsasalita pero nakakatuwa dahil kahit mukhang walang puso itong si Gian ay may puso parin. Gulo nuh!
Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa apartment. Nagpaalam na ako sa kanya pero tinignan lang niya ako. Diba ang bait tuloy tuloy lang din ang lakad niya.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay naihiga ako sa kama at pumikit. Sariwa pa sa alaala ko yung nakaraan.
"A-ahm Zaiah a-ako nga pala si Ken Lorenzo" Biglang may sumulpot na lalaking nakasalamin sa harapan ko. Nasa loob kasi ako ng library with my friends alam niyo na make up time. That's what elites do, we're rich no need to study hard. Marami naman kaming pera.
Tinaasan ko ng kilay ang lalaking to.
"So? Did I ask for your name? Get lost Ugly" Sabi ko at pinagpatuloy ang pagmemake up ko. Panira ng araw ang lalaking to. Akala mo naman ka-gwapuhan.
Umalis narin ang lalaki. Sa totoo lang kilala ko ang lalaking yun paano ba naman simula 1st year hanggang ngayon 3rd high school kami ay lagi siyang nagiging champion sa Quiz bees o kahit anong competition na may kinalaman sa utak. Tsss a total geek. Nakapagaral lang sa mamahaling school na ito dahil sa scholarship.
Naglalakad ako sa gymnasium namin ng may humarang na tatlong varsity player ng school namin.