Napabugtong hininga ako ng makahiga ako sa sariling kama. Hindi na nga talaga maibabalik ang nakaraan. Sorry Kent hindi ko na talaga maipapakilala sayo ang Tatay mo. T___T.
Pumikit ako at hindi ko namalayang isa isa na palang tumutulo ang luha ko. Nasasaktan parin ako. Dahil mahal na mahal ko parin si Lorenz hanggang ngayon.
"Dad please!! Let go of me LORENZ" sigaw ko habang hinihila ako ni Dad palayo kay Lorenz. Nahanap kami ni Dad. Nahanap kami ni Lorenz kung saan kami nangungupahan.
"NO ZAIAH. LET'S GO HOME" sigaw ni Daddy habang hinihila ako papasok sa kotse. Naiwan naman si Lorenz sa labas habang pinagbubogbog ng apat na lalaki. Napapikit ako. Hindi ko kayang makitang sinasaktan si Lorenz.
"Dad please wag niyo ng saktan si Lorenz please!!! I'm begging you DAD PLEASE!!!" nagwawala at nagsisisigaw na ako sa loob ng kotse bago ito paandarin. Si Lorenz. Binubugbog si Lorenz.
"Ang tigas ng ulo mo Zaiah. I told you to stay away from that guy pero hindi ka nakinig. Nakipagtanan ko pa" Sigaw sa akin ni Dad pero hindi ko siya pinansin. Hinawakan ko na ang suit ni Dad at niyugyog ito. Papalayo na kami hindi ko na alam kung ano ng nangyari kay Lorenz baka mapatay nila si Lorenz.
"DAD PLEASE!!!! PLEASE DAD I'M BEGGING YOU STOP THEM WAG NILANG SAKTAN SI LORENZ" Nagiiyak akong nagbeg kay Dad. Hindi ko kaya hindi ko kayang makita si Lorenz na ganun.
"In one condition Zaiah" Napahinto ako sa sinabi ni Dad.
"break up with him and I'll promise you I'll never touch him neither his family" Sabi ni Dad. Napatanga ako. What? Is he kidding me?
"B-but dad I lobe hi---"
"You know me Zaiah. I can hurt them" Sabi ni Dad at hindi na ako pinansin. Pati si Tita ? Sasaktan niya? Hindi ko akalaing ganito na ang daddy ko.
Nakipagkita ako kay Lorenz sa park malapit sa bahay nila. Mas mabuti na yung malapit sa kanila para hindi kami mahuli ni Dad. Napabugtong hininga ako. Ayaw ko mang gawin to pero ito ang sa tingin kong tamang gawin. Ayokong madamay pa si Tita at maging masaktan pa si Lorenz. Iniluha ko na ito ng dalawang araw pero parang hindi pa tapos dahil nagbabadya nanaman ang luha ko.