I choose NINE

7 0 0
                                    

"You think Nanay will be surprised if she sees me?" hmmm? Naririnig ko ang boses ng baby boy ko. Aaist! 2 days ko na kasing hindi nakakausap si Kent sa phone.

"Syempre naman ser. Lage kang hanap ne Ma'am" Si Aling Bebang?? Hmm? Kailan pa nagkausap sina Aling Bebang at Kent?

"Really Manang? I need to wake her up. Thanks Manang" napadilat na ako ng may biglang humaplos sa pisngi ko. At hindi ako namamalikmata sa nakikita ko.

"K-Kent?" takang tanong ko paanong nandito si Kent?

"Surprise Nanay. Goodmorning" Masayang bati sa akin ni Kent. Agad akong napatayo at niyakap ang anak ko. Totoo kasama ko na siya. Nayayakap ko na siya. Hindi ko maiwasan ang mapaluha. I'm just happy seeing my baby boy.

"Ugh Nanay you can let go now" Sabi ng anak ko naikinatawa ko. Aaaw I miss him so much.

"Sinong kasama mong umuwi? Is Tatay Zion's with you?" Tanong ko kay Kent. Ang laki laki na niya. Halos 2 years ko siyang hindi nakasama pero natutuwa akong close kami kahit sa phone at skype lang kami nagkakausap. Bibihira lang din akong pumunta sa US para dalawin siya.

"Yup He's at his room. He's tired. Waaah Nanay you really looked beautiful in person" Sabi pa ni Kent at hinawakan ang pisngi ko. Napangiti ako. May pagkabolero din itong anak ko eh nuh!

"Wait Nanay why are you crying? Aren't you happy to see me?" Nagtatakang tanong ng baby boy ko. Napangiti naman ako ng punasan niya ang luha ko.

"I'm just so happy to see my little boy. I really missed you" Sabi ko sa kanya. Kiniss naman ni Kent ang noo ko.

"Don't worry Nanay starting today you will never miss me. I will always be with you forever" Sabi ni Kent at niyakap ako ng napakahigpit.

---------

Good mood ako ng makapasok ako sa school. Malamang anak ko ang pinakaunang nakita ko sa umaga and I'm happy na makakasama ko ang anak ko.

"Woah smiling alone?" Nagulat naman ako ng biglang sumulpot sa likod ko si Gian. Naku ano ba tong isang to parang kabute =___=

"Ano ka ba Gian papatayin mo ba ako sa nerbiyos" Natatawang sabi sa kanya. Naging close na kami ni Gian ewan ko kung bakit. Ngumingiti narin kasi siya eh!

Ngumiti lang ito at ginulo ang buhok ko. Diba feeling close na! Hahaha

"Just keep smiling Zaiah, you really are beautiful when you smile" nakangiting sabi nito sa akin. Napasimangot naman ako. Pagnakasimangot panget na ako? Hahaha

"You too you look handsome when you're smiling" Sagot ko naman sa kanya. Nakakatuwa dahil nagbago na si Gian. Ewan ko kung bakit? Ayolo namang mag-assume na ako ang dahilan dahil napakaganda ko Hahaha Choss lang :'3

"Aherm Flirting in front of your ex-boyfriend Zaiah? Nice" May bigla namng sumulpot sa harap namin ni Gian. Si Lorenz. Hindi ko siya pinansin at nagmadali nalang maglakad. Nakasunod naman si Gian sa akin.

"Pagpasensyahan mo na yung pinsan mo Gian may saltik talaga sa utak yun hindi naman ganun dati yun" Nakarating kami sa Cafeteria. Sana naman hindi kami sundan ni Lorenz. Ano bang pakialam niya kung nakikipagkaibigan ako sa pinsan niya. Tsss

"Mahal mo parin ba siya?" Nagulat ako sa tanong ni Gian. Nakaupo na kami sa upuan at nagtataka akong nakatingin sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa akin. Ni walang emosyon parang inaantay niya ang isasagot ko. Siguro naman okay lang kung si Gian lang ang makakaalam. Di naaman niya siguro ichichika sa pinsan niyang abno. Knowing Gian napakatahimik nitong tao.

Napabugtong hininga ako.

"Sa kasamaang palad , oo mahal ko parin ang baliw na yun. After ng break up namin ay hindi na talaga siya maalis sa isip at puso ko. Noong winiwish ko na sana magkita kami ulit pero sana hindi nalang nangyari yun dahil mas nasasaktan lang ako pagnakikita ko siya ngayon" Sagot ko ay nangalumbaba. Tanga ko ba? Mahal ko eh pero hindi ko na siya hahabulhabulin pa.

I choose to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon