I choose ELEVEN

6 0 0
                                    

Papasok na ako ng classroom pero nagtataka na ako sa paligid ko. Kasi titignan nila ako then bigla silang magsmile. Yung totoo? Anong meron?

"Hi Zaiah" bati sa akin ng isa kong schoolmate. Eh?

"H-Hi?" ano bang nangyayari sa universe at bumabait ang mga tao ngayon? Hindi ko nalang pinansin ang weirdong paligid at dumiretso na ako sa classroom at laking gulat ko kung ano ang nasa loob.

May mga petals ng roses sa sahig then may red carpet simula sa pinto papuntang seat ko? Bakit may ganitong effects? Sino nagpasimuno nito? Dahan dahan akong naglakad patungong seat ko pero hindi ako sa carpet dumaan. Malay niyo hindi pala sa akin yun? Assumera much pa ako.

Umupo na ako sa seat ko. Yung mga classmates ko naman ay nakatingin lang sa akin. Para sa akin kaya to? Hmm pero impossible. Sino naman?

"Hi Zaiah for you" nagulat naman ako ng may sumulpot na tipaklong este si Gian sa harap ko. May dala itong bouquet of red roses.

Hindi ko alam ang irereact ko. Ano to Gian? Pinagisipan ko ng mabuti kung sino ang pipiliin ko si Lorenz ba na pangarap ko o si Gian na kunakatok sa puso ko?

"Gian-- " pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ng pigilan niya ako. Ano be te=___=

"I'm not forcing you to answer right now. I'm just showing you how much I love you" Sabi nito at sabay abot na sa akin ng flowers. Tinanggap ko na ito kasi yung mga classmates ko ay nagtitilian na. Hindi ko alam sa kilig o dahil nagdurusa sila.

"S-Salamat" Sabi ko nalang. Naapreciate ko naman yung effort pero... Hindi ako masaya.

Nakangiti sa akin si Gian at gaganti narin sana ako ng ngiti ng mapansin kong may nakatitig sa min.

Si Lorenz.

-----

"I'm on my way na kuya" sabi ko sa phone. Kausap ko kasi si Kuya Zion at pinapauwi na ako. Hinahanap na kasi ako ni Kent. Pasakay na ako ng kotse ko sa parking ng may biglang humatak ng kamay ko at isinandal ako sa kotse ko.

"Aack... A-Ano ba Lorenz. Nasasaktan ako" sigaw ko. Si Lorenz. Itinulak pa niya ako ng mas madiin sa kotse ko. Acccck ang sakit ng likod ko.

"Nilalandi mo talaga ang pinsan ko huh Zaiah. Hindi kana ba nakuntento sa akin at pati ang pinsan ko ay sasaktan mo" Sigaw niya sa akin. Natatakot ako sa kanya. Hindi ko maexplain pero natatakot ako sa aura niya.

"H-Hindi ko nilalandi si Gian" sagot ko. Hindi naman talaga eh! Kasalanan ko bang magkagusto siya sa akin? Hindi naman diba? Hindi siya sumagot ngunit mas lalo nitong idiniin ako sa kotse.

"AARAY L-LORENZ p-please n-nasasaktan ako aaw" sigaw ko pero hindi niya parin ako binitawan. Tinitigan lang niya ako ng masama. Naiiyak na ako. Hindi lang niya ako sinasaktan Physically maging emotionally.

"I will never let you happy Zaiah. You will suffer. I will let you experience the pain" Then binitawan na niya ako iniwan. Ang sakit ng wrist ko maging ang likod ko. Isa lang ang nararamdaman niya sa akin kundi galit.

Napaupo ako sa sahig. Bigla akong nanghina knowing na hindi na niya ako mapapatawad. I let my tears fall down. Kung sana ang mga luhang to ay mapapawi ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

I need you girl wae

Napahinto lang ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Si Mommy tumatawag. Bakit? After all these years ngayon lang ulit sila nagparamdam sakin.

"M-Mom bakit?" tanong ko. I strengthened my voice for her not to notice. I know my mother if I cry she'll protest and tell me it's wrong to cry for tbe wrong guy.

"Ooh baby I miss you so much. Your dad and I are coming home. Nandito na kami sa gate. Saansion kana umuwi your dad wants to see you" Hindi ako nakasagot. Umuwi na sila? Nsa gate na sila?

Agad kong binaba ang phone at sumakay ng kotse. Hindi maaring abutan ni Daddy si Kent. Hindi ito maari. Kinakabahan ako habang nagdadrive. Natatakot ako para sa anak ko.

Nang makarating ako sa mansion agad akong pumasok at dumiretso sa sala pero napatigil ako ng makita ko si Daddy at Kent magkaharap.

Napatakip ako ng bibig. Guato kong kunin ang anak ko at lumayo pero ayaw kumilos ng mga paa ko.

Magkatinginan lang sila at natatakot ang anak ko. Nakakapit ito kay Kuya Zion habang takot na nakatingin kay Daddy.

"D-Dad aalis din po kami" Matapang na sabi ni Kuya. Alam kong natatakot din si Kuya for Kent. Ayokong mareject ulit ni Daddy si Kent. Ayokong masaktan ulit ang anak ko.

Akmang hahakbang na ako ng magsalita si Dad.

"Are you Zaiah's Son?" seryosong tanong ni Dad kay Kent. Natatakot na tumango si Kent. Napapikit ako. Hindi ko na kayang tignan ang takot na nararamdam ng anak ko. Naluluha ako. Wala akong magawa.

"What are you doing there Iho? Bakit hindi ka magbless sa lolo mo" Nagulat ako sa sinabi ni Dad. Hindi ba ako nananaginip??? Sinabi ba talaga ni Daddy yun? Dahan dahan namang lumapit si Kent kay Daddy at nagmano ito. Masaya namang ibinigay ni Daddy ang kamay niya kay Kent upamg makapagmano ito.

Hindi ko na naiwasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Kung kanina ay luha ng pagkatakot ngayon naman ay luha ng saya. Totoo na ba to? Tanggap na ni Daddy si Kent?

"D-Daddy Mommy" Sabi ko at agad akong lumapit sa kanila. Nakangiti si Mommy sa akin at seryoso namang nakatingin sa akin si Daddy. Agad kong niyakap si Mommy.

"Ow Anak I miss you" Sabi ni Mommy at mahigpit akong niyakap. Ganun din naman ako. After kay Mommy ay humarap ako kay Daddy na seryoso lamang nakatingin sa akin.

"D-Dad" Sabi ko at bigla ko siyang niyakap. Umiyak na ako. Sa wakas natanggap na ni dad si Kent. Napakasaya ko. Napakasaya ko.

"Ssshh Bakit umiiyak ang baby ko? Hindi ka ba nahihiya sa anak mo? Ang lakilaki mo na umiiyak ka padin" Sabi ni Daddy habang niyayakap ako. Mas lalo akong naiyak. My Dad is back. He's back.
"I just missed you Daddy. ... And I'm happy that you already accepted Kent to our family" Naiiyak na sabi ko. Masayang masaya ako. Binitawan ako ni Dad ang wipe my tears. He's smiling at me.

"He's a Concepción. I will accept him no matter what. I'm sorry for what happened before Zaiah I really am. Sana mapatawad mo pa ang Superman mo" Sabi ni Dad. Ngumiti ako sa kanya. Yung ngitinh sasabihin kong totoong totoo.

"No matter what happen dad I will never get mad at you. I already forgave you kahit na hindi ka pa humihingi ng tawad. I love you Dad" At niyakap ko si Dad. I'm so happy very very happy.

Naging masaya ang pagstay ni Dad sa mansion ilang months din pala dito bago bumalik ng Europe for business. May bahay din kasi kami roon at doon nadin sila Mommy at Daddy nakatira. Nakakatuwang isipin na halos hindi na mapaghiwalay sina Daddy at Kent. Parang ang tagal na nilang close sa isa't isa.

"I'm happy for you sis" Napalingon naman ako ng magsalita si Kuya. Narito kasi kami sa mansion. Family gathering kung baga. Or dinner basta ganun.

"Thanks Kuya ah! Kung di dahil sayo ay sumuko na ako. Thank yoy for always be there for me, for Kent" Sabi ko kay Kuya. He's a blessing in disguise. He helped me every time I need him. He never rejected me neither Kent.

"Nah I love guiding my Little Princess and of course Kent. Okay na si Kent how about Lorenz? Nasabi mo na ba sa kanya anv tungkol kay Kent?" Tanong sa akin ni Kuya. Napayuko at napabugtong hininga ako. Tinignan ko ang anak ko. Masayang masaya siya ngayon dahil natanggap na siya ni Daddy ayoko namang pagdating kay Lorenz ay hindi siya matanggap nito. I don't want to take the risk.

"Hindi pa Kuya. Maybe it's not the right time. If I know that Lorenz can be a good father to Kent and accept Kent no matter what that's the time I'll tell him but for now I'm satisfied with my son's happiness" Sabi ko. Napagawi nanaman ako kay Kent at Daddy na naglalaro naman ngayon ng Kotse.

"But how about you Zaiah?" Tanong sa akin ni Kuya. Alam ni Kuya na mahal na mahal ko parin si Lorenz hindi ko siya masisisi.

Humarap ako kay Kuya at ngumiti.

"Don't worry Kuya I can handle myself. Big girl na kaya ang Princess mo" Sagot ko pero sa totoo lang hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko.


I choose to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon