I choose TEN

15 0 0
                                    

Lorenz's POV

Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko. Seeing her like that breaks my heart. Paano na ang plano kong maghigante? Paano ko paghihigantihan ang anak ko? kung sa twing nakikita ko siyang nasasaktan ay dobleng sakit ang nararamdaman ko o kung may lumalapit man lalaki sa kanya ay wagas ang galit ko.

Napapikit ako at kinalma ko ang sarili ko bago ko paandarin ang kotse ko. Ano na bang gagawin ko? Naisip ko ang anak ko. Pinatay ni Zaiah ang anak ko, anak namin. Yun ang dahilan kung bakit gustong gusto ko siyang gantihan at saktan. Upang maranasan niya ang sakit na ipinadanas niya sa akin ng malaman kong ipinalaglag niya ang anak ko.

"Shit I must be crazy. Hindi ako dapat maawa sa kanya. Hindi siya naawang patayin ang anak mo Kenzo" Para na akong tanga dito dahil kausap ko na ang sarili ko. She'll pay for my child's death.

Zaiah's POV

"Nanay Nanay it's really nice here in the Philippines but it's quite hot" Natatawa ako kay Kent. Enjoy na enjoy siya dito sa mall. Pinasyal ko siya. Minsan lang kami magka-bonding time ng anak ko eh!

"Nanay nanay can I stay here a little longer? I want to be with you forever" Nakangiting sabi ni Kent. Hindi ko maiwasang mapangiti. Tumango ako.

"Of course baby. Kaya dapat matuto ka ng magtagalog okay" sabi ko at kinarga ko siya. Kanina pa kami naglalakad at siguradong pagod na ang baby ko.

"I'll try Nanay" Sabi nito at niyakap ako at hinalikan sa pisngi. Naku naglalambing nanaman ang baby ko.

"Z-Zaiah?" Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Si Gian. Kinakabahan ako. Hindi niya pwedeng malaman na anak ni Lorenz ang dala ko.

"G-Gian A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Kinakabahan ako. Magpinsan sila ni Lorenz at hindi na ako magtataka kung sasabihin nito sa pinsan niya na may anak kami. Hindi ako sinagot ni Gian kundi nakatingin lang ito sa bata. Shit! Kamukha pa naman ni Lorenz si Kent.

"Nanay who is he?" napapikit ako sa tanong ni Kent. Buking na. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling sa anak ko.

"He's Gian baby. You're u-uncle" Sabi ko at ngumiti naman si Kent. Agad itong bumaba at lumapit kay Gian at nagmano.

"Nice to meet you Tito" Nakangiting sabi ni Kent. Ngumiti ng bahagya si Gian at humarap na sa akin. Kinakabahan ako sa mga tingin niya.

"So nagkaanak pala kayo ni Ken Lorenzo" madiing sabi ni Gian. Hindi ko alam kung bakit ganun ang pagkakatanong niya. Parang may iba siyang pinapahiwatig. Hindi ko alam.

Napatingin naman sa kanya si Kent.

"You know my father? Are you his brother Tito Gian?" Masayang tanong ni Kent kay Gian. Napapikit ako Sana hindi ako mabuking, hindi ko pa kayang ipaalam kay Lorenz ang lahat. Ayokong masaktan ang anak ko, baka hindi siya tanggapin ni Lorenz.

Lumuhod si Gian upang magkalevel sila ni Kent.
Nakangiti itong hinawakan ang ulo ng anak ko.

"Of course little boy. He's my cousin. By the way what's your name?" nakangiting sabi ni Gian. Pakiramdam ko inaasar ako ni Gian. Shit naman bakit kasi si Gian ang nasalubong ko.

"I'm Kent Lawrence Jeon. I'm 4 years old" nakangiting sabi nito kay Gian. Ngumiti naman si Gian sa bata.

"Okay Kent. Mind if I join you? I'm alone and I really want to spend my whole day with my nephew" Sabi nito sa bata. Agad namang napaoo si Kent Haysss bahala na nga.

Namasyal lang kami. Laging magkasama si Kent at Gian. Napagkakamalan na nga silang mag-ama. Nakikita ko namang nageenjoy ang anak ko sa tito niya at maging si Gian ay masayang kasama ang pamangkin. Napabugtong hininga ako. Sana hindi sabihin ni Gian kay Lorenz ang tungkol kay Kent.

"Kailan mo sasabihin kay Kenzo ang tungkol kay Kent Zaiah?" pambasag ni Gian sa katahimikan habang naglalakad kami papuntang parking lot. Karga karga ni Gian si Kent dahil tulog na ito. Siya naman ang nag-volunteer na kargahin si Kent eh.

"Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya Gian at sana maintindihan mo ang desisyon ko" sagot ko. Ayaw kong maranasan ng anak ko ang rejection na naranasan ko mismo kay Lorenz. Ayaw kong pati ang anak ko madamay.

"Okay I respect your desisyon" Sabi ni Gian. Nakarating na kami sa kotse ko at pinahiga na si Kent sa back seat. Nilagyan ko narin siya ng seatbelt para hindi ito malaglag.

"Thanks Gian. Malaking bagay na nakasama ka ng anak ko. Alam kong masaya siya na malamang Pinsan mo ang tatay niya" Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit si Gian. Punong ouno ng kalungkutan ang mga mata niya.

"Nakakatuwa na hindi mo ipinagkait sa bata ang ama niya. Talagang kinuha mo talaga ang pangalan ni Kenzo" tatawa tawang sabi ni Gian pero bakas sa boses nito ang lungkot. Tungkol saan?

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Zaiah. Kung hindi matatanggap ni Kenzo ang anak niyo. Andito ako, ako ang magaalaga sa inyo. Zaiah hayaan mo akong hilumin ang sugat sa puso mo" nagulat ako sa sinabi ni Gian. Anong sinasabi nito? Hindj kaya...

"Zaiah mahal kita at ayoko ng nakikitang nasasaktan" Sabi ni Gian. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Totoo ba? Bakit? Bakit ako? Hinila ko ang kamay ko. Totoo nga. May gusto sa akin si Gian. Diba dapat matuwa ako dahil Heartrob ang nabingwit ko? perp bakit nakokonsensya ako? Siguro dahil pinsan siya ni Lorenz o dahil alam kong wala siyang pagasa dahil si Lorenz talaga ang mahal ko.

"Alam kong nabigla kita Zaiah" sabi nito. Like the heck! Malamang. Sobrang bigla parang nababaliw ako.

"But I'll give you time to think Zaiah. See you tomorrow." at nagulat ako ng bigla nitong halikan ang noo ko. Natulala ako. Nangyari ba yun?

Nakalayo na si Gian pero tulaley parin ako. Gosh! ang haba ng hair ko. Pero hindi talaga ako kinikilig eh! Ano bang gagawin ko? Ready na ba talaga akong kalimutan si Lorenz?

"ARRRGGG NABABALIW NA AKO" Sigaw ko bago ako pumasok ng kotse. Bahala na si Thor. >___<

I choose to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon