CHAPTER7: Black woods

117 7 7
                                    

Dedicated to: inverra

Good luck sa pasukan! Wala pang imaginary character ito kaya Sariling imagination niyo na lang ang gamitin niyo. :-) Hope you like it.

Scarlet

Nagkatinginan kaming apat dahil doon kaya lumapit ako sa bintana at tinanawa ang pinanggalingan ng putok mg baril, malakas parin ang buhos ng ulan at hindi pa maaninag ang Black woods at nagulat na lang kami dahil sa malakas na pagkidlat at pagkawala ng ilaw napasigaw pa nga si Aubrey.

"O...kay? Brown out, sobrang dilim guys diko kayo makita" sabi ni Eriel at nilabas niya yung phone niya para gamiting pang-ilaw. Tumingin din siya sa bintana, maya-maya ay may nagsalita sa speaker na naka-connect sa lahat ng rooms dito sa girls dormitory.

"Good evening. Just wait a minute at maibabalik din namin ang ilaw nagkaroon lang ng konting problema. Calm down at walang lalabas sa inyong mga rooms" sabi nung nasa speaker.

"Oh. Sabi wala daw lalabas" nakangiting sabi ni Aubrey at nagkatinginan sila ni Eriel.

"That means we'll sleep here!" sabay ma sigaw ng dalawa at humiga sa kama kaya napatapik na lang ako sa noo ko. Hindi ba talaga sila nauubusan ng energy bost?.

Naghintay na lang kaming bumalik ang kuryente at yung tatlo nagkwe-kwentuhan maya-maya ay naisipan na naming matulog katabi ko si Eriel at si Tansy at Aubrey ang magkatabi.

Naalala ko yung putok kanina, sa woods talaga nanggaling yung putok imposible namang may naligaw na mangangaso doon, gabi na at malakas pa ang buhos ng ilan anu naman ang gagawin nila doon dibale na lang kung may binabalak siyang masama. Siguro bukas ko na aalamin.

Nagising ako dahil sa mga kaluskos, pagmulat ko nakita ko si Tansy mine-make-upan yung dalawa, yung lipstick parang kay joker lampaslampas talaga, naka-blush on pa sila yung parang kay Annabelle, yung kilay nila ang kakapal tulad nang kay Betty at ang puputi ng mukha parang walang dugo.

"What are you doing?" tanong ko kaya napalingon siya.

"Buti at nagising ka ikaw sana isususnod ko eh. Ayaw kasi nilang magising kaya ayan nag make over sila habang tulog" tapos tumawa pa siya. Grabe tong babaeng to malalagot to mamaya. Napailing na lang ako.

Palabas na kami ni Tansy ng may mapansin kaming lalaki na tumatakbo patungo sa woods at may sumunod nanaman na dalawang lalaki kaya nagkatinginan kami at sabay tumango.

Tumakbo din kami papuntang woods nang matanaw namin ang mga nagkukumpulang mga estudyante. Hinawi namin yung mga nakaharang para makita namin kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Nagulat ako dahil sa nakita ko, isang lalaki ang nakahandusay basang-basa at nagkalat pa ang dugo niya sa lupa habang nakapumulat ang mata. Matigas na bangkay at may tama sa ulo.

"Ms. Sino yang lalaking yan?" rinig kong tanung ni Tansy sa katabi niya na putlang-putla bakit di na lang umalis eh natatakot na nga siya eh.

"He is Iniego Lee, ang leader ng soccer team" sagot naman niya kaya napalingon ulit ako sakanila. Iniego Lee parang nakita at nabasa ko na ito kung saan. Dun nga! Sa isang room sa Girls dormitory,  hindi ako nagkakamali Iniego Lee yung nabasa ko.

At anu naman ang ginagawa niya dito sa woods sa ganoong oras at nakakapagtaka naman malakas ang ulan bakit siya pupunta dito?

Inikot ko ang pangingin ko ng mahagip ng tingin ko ang isang lalaki na matamang nakatingin sa bangkay, naka- cap siya para matakpan siguro yung mukha niya at napatingin bigla siya saakin at bigla na lang siya yang naglakad ng mabilis paalis kaya sinundan ko siya, nakisiksik pa ako sa ibang mga estudyante para mapuntahan kung nasaan siya kanina.

Nakalabas na ako sa mga nagkumpol-kumpol na estudyante nang may humawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta? Delikado diyan" banta ni Bella, patungo kasi ako sa loob ng woods dahil doon ko nakita yung lalaki na pumasok.

"Back off" banta ko kaya napabitaw siya. Tumakbo ako para masundan yung lalaki, rinig ko parin yung tunog ng pagtakbo niya dahil nakakatapak siya ng mga dahon nang biglang may humatak ulit saakin.

"What do you think you're doing?" sabi niya at pilit kong binabawi ang braso ko sa mahigpit niyang pagkakahawak.

"Pwede ba bitawan mo ako!" inis kong sabi sakanya pero di siya natinag sa halip hinila niya ako papalabas ng woods. Anu bang problema ng lalakin to?

"What the fvck! Anu ba?!" sigaw ko ulit at pilit na binabawi ulit ang braso ko.

"Sinabi nang delikado sa loob" sabi niya pero wala akong maalala na may sinabi siya pero may natandaan ako na narinig kong delikado sa loob ng Blackwoods.

Nakalabas na kami at natanaw ko na kung nasaan yung bangkay kanina wala na din yung ibang mga estudyante merong dalawang police at isang detective batay narin sa kanyang suot at sa kanyang galaw. Binitawan naman ako ni Ash at pagtingin ko sa braso ko sobrang pula.

"Sa pagpasok mo dito nasa panganib na ang buhay mo. Kung gusto mong kahit papaano mailigtas ang buhay mo huwag kang makialam sa lahat ng nangyayaring ito" pagkasabi niya ay naglakad na siya paalis. What? Anung ibig niyang sabihin?

Vote and Comment!

BLACKWOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon