CHAPTER6: Sticky Note

131 7 1
                                    

Dedicated to:@Peche_Castillo

Salamat sa paghihintay ng UD ko! Phone lang gamit ko kaya hindi siya amaabot ng 1k words. Yieee naiisip ko na yung magiging ending nito kaso ung iba pang parts diko pa naisip! Hahaha! Enjoy reading!

SCARLET

  Nagulat ako dahil sa pagtunog ng phone ko sh*t! Nakalimutang kong naalarm ko pala siya at maliwanag na, ano na bang oras?

"Mahal na prinsesa hindi ka pa ba maliligo? 6:20 na po ang aga mo kasing nagising" sarkastikong sabi ni Tansy kaya tumayo na ako at pumasok sa banyo. Aish! Nahihilo ako at masakit pa ang ulo ko, isang oras lang pala ang tulog ko at kailangan ko pang pumunta sa library para malaman ko kung bakit dito nag-aral sila Mommy, hindi kaya myembro din sila sa isa sa mga org. dito? Pero bakit niya ako pinapaalis sa paaralang ito? Anu bang itinatago nila? Wala pala akong masyadong alam sa kanila. Kaasar naman tong buhay na to oh! Para akong pusa dito na lagi na lang curious. Paglabas ko ng banyo naamoy ko na agad yung niluluto ni Tansy, buti at naisip niyang magluto nakakaumay na kaya yung mga pagkain sa caff. Umupo na ako sa harap ng table ng biglang magsalita si Tansy "Oh ayan na po mahal na prinsesa yung pagkain niyo, pakabusog ka ha?" sarkastikong sabi pa niya habang inilalapag yung Bacon at Fried rice ng mapatigil siya at mukhang natatawa na kaya napakunot ang noo ko. Problema neto?

"Anyare sa mata mo? Hahahaha... Ang laki ng eyebags mo! Hahahahha" sarap Sapakin noh?. Pagkatapos kong kumain lumabas na ako pero may na hagip ang mata ko isang sticky notena nakalagay sa pinto kulay itim at may nakasulat na parang dugo na "Iniego Lee" ano namang meron dyan baka yung may ari ng room na yan diko nalang pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Papalapit na ako sa locker ko ng may mabangga akong isang lalaking nerd at nung nakita niya ako ay bigla na lang siyang namutla. Problema nito parang nakakita ng multo.

"S...sorry" nanginginig niyang sabi at naglakad ng mabilis tumakbo pa nga eh, weird nagkibit balikat na lanh ako at binuksan na yung locker ko napakunot noo ako dahil may nakita akong kape na may note.

"The Tests of Life are not Meant to Break You, But to Make You Stronger and Better. Face Them and Come up More Stronger Then Ever..."
       
           Im watching you...
           Drink this

Tss. Magbibigay ng kape may nalalaman pang test of life anung konek? Baka naman stalker ko to? Im watching you o dikaya si king? Kinuha ko na lang yung kape at sinara yung locker ko wala naman sigurong lason to. Ano bang flavor to ang saral ah, makabili nga rin minsan gamanda na rin ang pakiramdam ko at dina ako nahihilo. Pupunta ako ngayon sa classroom dahil may quiz daw kami oh diba pag may quiz lang napasok? Maraming students ang naglalakad sa hallway at ang ingay pa nila nagmumukha tuloy silang nagtitinda ng isda, maya-maya ay bigla na lang tumahimik as in parang wala ngang tao eh kaya napahinto ako at may nahulog pa ngang libro at umalingawngaw ang tunog sa hallway titignan ko na sana ng bigla ulit umingay. Ay ano ba yan? Weird. Naglakad na lang ako papunta sa classroom namin, pagpasok ko busy silang lahat, may nagre-review, may nagmemake-up, nag-s-soundtrip, nag chichismisan ay bahala sila kung ano ang ginagawa nila.

Pagkaraan ng ilang minuto pumasok na yung prof namin. Nakiki-prof narin ako.

"Goo morning! Remember may quiz tayo ngayon. Paki distribute" pagkasabi niya ay umupi na siya at nilabas niya yung phone niya hulaan ko mag-e-fb yan.

SOMEONE'S POV

"Prince naibigay ko na po" sabi nung inutusan kong maglagay ng kape sa locker ni Scarlet kaya napangiti ako.

"Good." pagkasabi ko nun ay nagsara na yung pinto. I know what're you doing but I dont know what your plan is. And I want to know all about you and how are you related to Mr. And Mrs. Park, are you the daughter?  If that so? Mukhang wala kang alam tungkol sa magulang mo kung magulang mo nga sila pero walang lumabas na balita tungkol sa anak nila at kung nagkaroon nga sila ng anak bakit nila ito itinago? Dahil obligasyon nilang ipaalam na nagkaroon sila ng anak kahit na anong mangyari kailangan malaman ng nasa taas na nagkaroon sila ng anak.

Masyado mo na mang prinoprotektahan ang anak mo First Goden Reaper Park.

STARLIGHTCMA POV

(ipapakilala ko lang ang limang uri ng REAPERS)

GOLDEN REAPERS
  -Protector of the King,Queen and the next to the Throne. Sila ang pinakamalakas, magaling, mautak at pinakamatalino, Hindi sila basta-bastang nagpapakita sa mga tao.

SILVER REAPERS
   -Protector of the Princes and Princesses. Parang Golden Reapers din.

TERMINATOR REAPERS
   -Ang pumapatay sa mga traidor at sa mga hindi sumusunod sa batas sila ang unang gumagawa ng hakbang. Pag may nawalang isang myembro ng Mafia Org. Nawawala na lang sila bigla at asahan mong hindi mo na sila makikita.

SHADOW REAPERS
   -Ang laging nakabantay sa lahat ng gawain at transaction sa loob at labas ng ng org. Sa madaling salita sila ang mata at tenga. Magaling din sila sa pagtatago ng kanilang katauhan at pwede kang malinlang kaya dapat mag ingat ka

BLACK REAPERS
   -Protector ng iba pang kasali sa Mafia Org.

SCARLET

  Nakatingin ako sa maidilim at maitim na kalangitan at dama ko ang malamig na ihip ng hangin, mukhang uulan ng malakas kaya tumayo na ako dumidilim na din kasi kahin 5 palang ng hapon. Malapit na ako sa hallway ng biglang bumuhos ang ulan kaya tumakbo ako at tanaw ko ang iba pang mga estudyante na nagtatakbuhan para makasilong sila.

Dahil nagsisiksikan na dito sa hallway ay pumasok na lang ako sa room namin ni Tansy, pagbukas ko ng punto ay nabungaran ko yung tatlo na tutok na tutok sa panonood ng TV habang kumakain ng pop corn.

"Gotcha!" biglang sabi ni Tansy

"Sabi sayo eh siya yung pumatay!" sabi ni Eriel kay Aubrey

"Eh napanood mo nayan eh kaya alam mo! " sagot ni Aubrey habang nakasimangot

"Hindi ah! Akin na yung sampong libo!" sabay lahad ni ng kamay niya at naglabas naman ng pera si Aubrey at pabalang na binigay ung sampong libo.

"Hati tayo dyan Eriel" nakngiting sabi ni Tansy at marahas na lumingon si Aubrey sa dalawa.

"What? Ang dayaaaaaa! Waaaaah! Ibalik mo sakin yan!" sigaw ni Aubrey pero mukhang wala na siyang magagawa kasi naghatian na yung dalawa.

"Yah! Andito kana pala Scarlet ang aga mo ah" sabi ni Tansy ngapansing nakatayo ako sa may side ng couch. Isinalang naman ni Eriel yung sunod nilang papanoorin kaya umupo na ako sa couch.

"Malakas yung ulan" sabi ko.

"Ay! Di natin napansin na umuulan pala. Tsk. Wala ng dayaan ha? Magkano pusta?" tanong pa ni Aubrey sa dalawa at ayun nag pustahan na silang tatlo. Nakisali narin si Tansy. Nakadapa yung dalawa sa carpet habang si Tansy ay nakaupo sa carpet habang nakasandal yung likod niya sa couch na inuupuan ko.

Habang nanonood ay naisip ko yung nagbigay ng kape "I'm watching you" iba ang dating sakin nun ah. Kung ganon lahat ng galaw ko ay kita niya, pero bakit pa niya pinaalam saakin na pinapanood niya ang bawat galaw ko? Napahinto ako sa pag iisip dahil sa magkasabay na putok ng baril? Sa TV at sa...... What the F*ck?!

Vote and Comment!!!!

BLACKWOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon