Chapter 11: Battle

62 2 0
                                    

Hanggang ngayon palaisipan parin saakin kung bakit niya saakin ipinagkatiwala ang golden box.

"Oh. Tutunganga ka na lang?" hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Abo. Nananahimik ako sa gilid ng mag-ring ang phone ni Ash kaya napalingon ako.

"What?.... Where?.... Ok" aalis na sana siya ng pigilan ko siya.

"Hep! Where are you going? Hindi mo ako pwedeng iwan dito"

"Move" seryosong sambit nito. "Pwedeng tapusin muna natin to? Ang dami pa oh?"

"Move or else..."

"Or else what? You know me Davier" sabi ko. Pang isang araw nalang naman na yung aayusin namin eh. Tumulong kasi yung tatlo nung isang araw.

"Fine. Sasama na lang ako, 'San ba punta mo?" at mukhang asar na talaga siya.

"Ms. Park stop your...."

"Tara!" hinigit ko na lang siya nang matigil sa katatalak pero binawi niya din ang kamay niya at nauna ng lumabas. Napangiti na lang ako bibigay ka din pala eh.

Pumasok kami sa isang bahay at nakita ko yung mga kaibigan niya na gulat na gulat kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Ehemn. Hello Scarlet..." iiling-iling na bati sakin ni Nathaniel.

"Hi"

"Bakit magkasama kayo?" nakangiwing tanong naman ni Clyde ata? Umupo ako ako sa couch nila kahit di nila ako inaaya, Aba! Alangan namang nakatayo ako forever diba? So walang forever. Tss anong connect?

"Eh isinama ako ni Ash" nakangiting sagot ko nanlaki naman ang mga mata nila.

"What the fvck? I didn't... "

"Wala daw kasi siyang kasamang pupunta dito. Diko akalain na takot pala siya sa you know?" humagalpak naman sila dahil sa sinabi ko at sinamaan naman ako ni Ash ng tingin parang gusto na nga niya akong sakalin eh. Dahil sa nauuhaw ako tumayo ako at Tinanong kung saan ang kusina.

Pagbalik ko seryoso naman silang nag-uusap. "Tatlo ang kailangan at isa ka na sa napili Ash ang dalawa ay pipiliin ng board at dadaan sa isang elimination" napakunot ang noo ko dahil sa mga pinag-uusapan nila. Parasaan ang tatlong miyembro?

"Para saan ang tatlong miyembro na kailangan ng Academy?" napalingon naman sila dahil sa tanong ko.



"Para sa Golden Wood Cup Battle,  dito ginaganap ang Battle ng limang academy bg Wood para sa Ranking bawat tatlong taon sa isang academy dapat may isang grupo at may tatlong myembro. Pero ang alam ko ibabalik ang ang dalawang grupo at may tig-tatlong myembro sa bawat academy." napatango nalang ako sa sinabi ni Chris. Bakit ngayon ko lang to nalaman? Wala man lang sinabi si Bella tungkol dito.


"Kailan ito gaganapin?"


"Day one of December" so higit isang buwan na lang bago ang battle kaya wala akong inaksayang oras at pinuntahan ko agad si Bella.

Alam kong may alam siya tungkol dito at isang lugar lang ang tambayan niya, sa library at yun nga pagdating ko sa may pinakagilid ng library ay nakita ko siyang nagbabasa.

"Bella" umupo ako sa tapat niya. Tinignan niya ako at ngumiti ng malapad.



"Finally" hindi paring natatanggal ang ngiti sa kanyang labi.

"And you know it all along?" asar kong sabi at ang loka mas lalo pang napangiti.


"May mga clues Scarlet, nasa harapan mo ang mga sagot. Hindi ko alam na ganun mo kahirap masolve ang mga nangyayari sa paligid mo. You don't do research. The logic Scarlet. Hindi dapat ako nag-expect ng malaki sayo. It's useless" seryosong sabi nito na ikina-inis ko. What the heck! But its true! Bakit ako naging pabaya at naging kampante!

"Tell me, what are those clues"

"Lahat ng mga namatay ay myembro ng mafia at dapat kasali sila sa Battle" what the fvck!


"So... What do you want to know?"

"All"

Bella's POV



Hindi ko alam na natagalan siya sa pag-alam. Well, I know a lot lahat ng hindi pa niya nalalaman.


Ang Golden Wood Cup Battle, yan ang laging sinusubaybayan dito sa bansa at maging sa buong mundo na karamihan sa mga assassins at gangsters ay walang alam dito.


May limang academy ng wood ang naglalaban. Ang Yellow Wood Academy, matatagpuan sa North-West ang may pinaka-kaunting panalo hindi nila sineseryoso ang rangking lagi silang nasa huli ng listahan. Pero ang pinaka-malakas na panlaban nila ay ang lason dahil doon sila eksperto.


Ang Bluewood Academy, ay matatagpuan sa North-East they are cold, and they always act cool hindi sila madaling linlangin, wala silang tiwala sa lahat. Wala silang pakialam basta makuha nila ang pagiging champion.




Redwood Academy, matatagpuan sa East, they're good pretenders at mahirap basahin ang mga galaw nila.




Greenwood Academy, matatagpuan sa South-East the one who plays dirty ang ayaw magpatalo.



May Bali-balita na ang mga Greenwood ay 10 years na nagtretraing bago nila ito ipasok sa Battle, they are that desperate to win. Minsan pa ay may mga spy silang inuutusan na makapasok sa bawat Academy at sila ang pinag-hihinalaan na pumapatay sa mga estudyande dito.


Sa deretsyong apat na season ay hawak ng Blackwood ang rank 1 at gusto nila itong bawiin.


Ang Blackwood Academy , the school in mystery na matatagpuan sa North.

Silveria , kung saan ginaganap ang battle at ang pinakamalawak sa lahat ito ay matatagpuan sa West hanggang South.


Ang pinaka centro sa lahat ay ang Goldenwood Palace kung saan naninirahan ang mga makakapangyarihang tao na kadalasan ay mga Mafia. Sa battle na ito madami kang matutunan, matutuklasan at hindi mo alam ang magiging kapalaran mo sa loob it would be RUN or YOU'LL DIE or STAY or YOU'LL DIE. Kahit na anong piliin mo there's only 50-50 para mabuhay ka.


Minsan mas pinipili na ng mga manlalaro na hanapin ang daan palabas ar wag nang makipaglaban pero hindi ko alam ang susunod na mangyayari at kung minamalas ka binabalak mo palang tumakbo nasa likod mo na ang kalaban that's the call RUN OR YOU'LL DIE kaya lahat ng papasok handang mamatay anumang oras wag kang tatanga-tanga.





Minsan ang mga kalahok ay may personal na misyon kaya pumasok sila dahil pagtapak mo palang sa loob nito magbabago na ang lahat.

"Pero paano yung battle 15 years ago?" napangiti naman ako dahil sa tanong niya.

"Ow. That? Nangyari yun pagkatapos ng GWCP ang ikatlong pagkapanalo ng Academy at yun ang pinakamalagim na nangyari sa taon na yun" mukhang naliwanagan naman siya at naiindintihan na niya ang mga nangyayari. Ibinigay ko sa kanya ang librong kanina ko pa pinag-aaralan.

"Read and Understand" sabi ko at umalis na. Malalaman mo din Scarlet ang lahat pagpasok mo dahil siguradong pipiliin ka nila.








----

December 1
HG

BLACKWOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon